Third Person's POV
Nakaalis na si Villaine at lahat pero nanatiling nakatuon ang atensyon ni Levi sa daang tinungo nito. Bahagya pa rin itong nakangiti at nakatulala sa unang pagkikita nila ng personal sa naturingang prinsesa ng kadiliman.
"Bro!" tawag ng isang kaibigan niyang si Claude habang kasama nitong naglalakad si Weston.
"Huyy!!" harang ni Weston sa harapan ni Levi habang winawagayway pa ang dalawang kamay.
"Oh?" patay malisyang sagot ni Levi.
"Anong tinitignan mo? Nakakita ka ng multo?" nagtatakang tanong ni Claude.
"Oo. Ang gandang multo," nakangiting sambit ni Levi.
"Woah, woah. Chix bro?"
"Oo. Matinding chix."
"And who's the lucky girl?" usisa ni Claude dahil kilalang kilala nila si Levi at kung paano ito makitungo sa mga babae. Para bang kaibigan lang ang turing niya sa lahat kahit yung iba, hindi na nahihiyang ipinagsiksikan ang sarili nila sa kanila. Magkaibigan na ang tatlo simula pagkabata dahil na rin magkasosyo sa negosyo ang mga magulang nila kaya ganoon na lamang nila kakilala ang isa’t-isa at never pang nagka-interes si Levi sa kahit sinong babae in a romantic way. Nagagandahan siya minsan pero nililigawan o kahit crush man lang, wala pang pumasa kaya matinding balita ito para sa dalawa. Sa dami ba namang nagkakandarapa kay Levi kahit hindi kaedad nito.
Of course, he's an angel for pete's sake. He's bound to be that attractive. Hindi matutumbasan ng mortal na anyo pati ang natural na aura nitong hindi man nakikita ng isang mortal pero paniguradong nararamdaman.
"Hindi ko kilala eh pero sobrang ganda, parang hindi normal at ang tapang. Ang angas din ng bunganga palaging nakamura pero bagay naman kahit papaano kasi para siyang foreigner. Naka ducati. Blonde na may brown yung kulay ng buhok tas yung mga mata ang lamig----"
"Whipped." side-comment ni Weston habang tumango-tango na siyang nag-agree din ang katabing si Claude.
Claude's POV
Natigilan ako dahil hindi ako maaaring magkamali. Isa lang ang tumatagingting na pangalan na ganon ang katangian.
"That's definitely Villaine Zixovia Rosevelt."
"Ohhh... siya ‘yun bro? Sigurado ka? Sa pictures at chismis ng mga chiks ko lang kasi siya kilala." tugon ni Weston.
"Oo sigurado ako. Walang labis, walang kulang. Nako, hanap ka na lang ng ibang chiks bro. Delikado raw 'yun," sabay tapik ko sa balikat ni Levi.
"Ang ganda ng pangalan niya," nakangiting sambit ng loko. Nagkatinginan kami ni Weston at sabay na napatawa. Wala eh. Napana ata ni Kupido. Yaan na. Hahahaha!
Levi's POV
Bago pa lang ang pasukan kaya wala pang klase masyado at andito kami ngayon sa classroom ng Math I nakatambay muna dahil wala raw ang professor. Napatingin ako sa gilid ng bintana at tumingala sa langit.
'Eros, bakit pumipitik din ang puso ko at natutuwa nang nakausap ko 'yung si Villaine? Side effect lang ba 'to ng aksidenteng nagawa ko? O dahil tao ako ngayon kaya may epekto sa’kin ang pana mo?'
Isip-isip ko pero alam kong hindi ako masasagot ni Kupido kasi wala akong kapangyarihan sa ngayon. Nawala ako sa pagmumuni-muni nang bumukas ang pintuan at iniluwal doon ang walang iba kundi si Villaine. Natahimik naman bigla ang buong classroom. Deretso ang lakad niya patungo sa likuran na parang yamot na yamot at halatang hindi ako napansin. Umubo siya sa arm chair niya matapos masukbit ang bag sa likuran ng upuang nasa unahan.
I stood up and started walking towards her nang may humawak sa braso ko kaya ako napatigil.
"U-uhm… concerned citizen lang kami Levi pero kasi… wag mo na siyang lapitan. Delikado 'yan," sabi ng isa kong kaklase habang 'yung iba tumango-tango din. Nginitian ko lang sila at nag-thumbs up.
"It's okay. I can handle it," tsaka ako nagpatuloy papunta sa direksyon ni Villaine at umupo sa bakanteng upuan katabi niya. I poked her arm.
No response.
I poked her once more.
No response.
Again. Poke.
No res----
"ANO BA???!!!" nanlilisik ang mga mata niyang napatingala sa’kin na kulang na lang ay liliyab ito. Ang ganda ng mga mata niya. It's a darker shade of blue like those of the ocean surrounded by a black shade that seems to shine, ang kaso lang ang rason kung bakit ito parang kumikislap is because of her anger. Directed to me. And those furrowed eyebrows. Ang tindi. Parang pwede ko siyang titigan buong araw at hindi ako magsasawa. Nagiging makata pa ako sa pagde-describe sa kagandahan niya oh.
"Hi. Hehe." bati ko sa kanya nang nakangiti at bahagyang kumaway.
"What the fuc------"
"Shhhh! Bawal sabing magmura. By the way, I'm Levi Bryce Villemur. Everyone calls me Levi, but you can call me Ryce. Kagaya noong pagpakilala ko sa'yo nung bata pa tayo. Naalala mo??" masayang kwento ko sa kanya.
Hinilot niya ang sentido niya para siguro alalahanin ang nangyari. Tama tama.
"Ginulo mo pa ako para lang sabihin iyan?? Ang lakas naman ng loob mo and the f**k I care kung sino ka?! I am not interested, damn it!" sabay tayo nito nang padabog. Agad kong nahawakan ang kaliwang braso niya para pigilan siya at tumayo na rin ako. Mabilis niya namang iwinaksi ang kamay ko na para bang napaso siya doon.
"Go to Hell!" at tuluyan na nga siyang nakalabas.
Go to Hell. How ironic. I'm actually a fallen angel at the moment. Angels are forbidden there and vice versa pwera na lang kung may matinding pagkakasala o kusa nang pumanig sa kanya. Wala akong pass doon.
Villaine's POV
Para akong nakuryente na para ding napapaso nung hinawakan nung lalaking iyon ang braso ko. Ano ba siya? Si Pikachu? May dumadaloy na electric current sa katawan? Ang gwapo niya namang pokemon--- but whatever. Panget pala. Psh.
"Teka naman Villaine! Hey!" mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko hanggang sa nauwi sa pagtakbo. Why am I even running away FROM A GUY?!
Walang tinatakbuhan ang isang Villaine Zixovia! Pero nakakainis ang buong pagkatao niya! Argh!
"Villaine naman eh! Bakit ka tumatakbo?!"
"Bakit mo rin ako hinahabol?! Sabi ko go to hell!"
"Pag ba pumunta akong hell magiging kaibigan na kita?!"
Tumigil na ako sa likuran ng school kung saan may maliit na fountain sa gitna katabi ng isang bench na nas-swing. Medyo hiningal na rin ako at ganun din naman siya na nakayukong nakahawak sa dalawang tuhod niya.
"Ano ba kasing kailangan mo?!" I shouted nang nakabawi na ako. He straightened his stance bago tumingin sa’kin at ngumiti. Iniwasan ko makipag eye contact sa kanya kasi nga ayoko. I despise him.
"I just want us to be friends. That's all."
"And I don't want to. That's final." sagot ko agad trying my best to control my temper kahit hindi ko naman madalas kinokontrola iyon. Kung galit ako, galit ako. Araw-araw naman ata galit ako.
"Bakit naman?" he asked innocently.
"Because I hate you. Saan ba dun ang di mo maintindihan??"
"Well, I actually like you."
Doon ako natigilan. I felt my blood rush up to my face and I can feel a slight heat on both cheeks and ears. Probably because he's pissing me off. Pero siya pa lang ang kauna-unahang nagsabi sa’kin na gusto niya ako.
Even my parents whose now in abroad with my only sister, or my yayas, just anyone, had never ever said that line. Wala naman kasing kagusto-gusto sa akin. Friendship is not even in my vocabulary pero may dalawa akong tinuturing na acquaintances, though I never considered them as friends at all but their the closest I have whom I can at least trust a little.
"So? Friends??" sabay lahad niya ng kamay niya. Napatingin ako sa itaas kung saan may maliit na balcony sa third floor. I smirked. Tignan ko lang.
"Sure." sagot ko and his face lit up almost immediately. "In one condition," dagdag ko na nagpawi ng ngiti niya.
"Ano 'yun?" he asked.
"Tumalon ka mula doon, papunta dito sa baba without breaking a bone or having any bruises. If you can do that, I am allowing you to hang out with me, and we can officially be friends." I explained triumphantly while crossing my arms to my chest. I tapped my right foot on the ground daring him. Alam kong weakling ang isang 'to. Nakatingin na ngayon siya sa’kin ng seryoso.
He'd definitely give up.
"I recorded that." sabay pakita sa isang maliit na recorder sa bulsa. "And I am agreeing with your terms. Dito ka lang," sabi niya tsaka nagmadaling tumakbo paalis.
Seriously??? Gagawin niya?? No s**t.