Eros/Cupid's POV
Ngayon na ang araw na nakatakda para magkitang muli sina Levi at Villaine o mas naturingan ng karamihan na prinsesa ng dilim dahil sa dami ng kalokohan nito araw-araw. Pareho silang disi-syete kung edad ng tao lang ang basehan at alam kong magkaibang-magkaiba ang dalawa pero sana lang magawa ni Levi ang misyon niya nang makabalik na rito.
"Mahal, hindi ba’t mababalik na rin ang alaala ni Levi sa oras na magtama ulit ang landas nilang dalawa ni Villaine?" tanong ng asawa kong si Psyche.
"Tama ka mahal ko pero wala pa rin siyang kapangyarihan o kakayanan na makikipag-usap dito sa atin."
"Huwag kang mag-alala mahal. Makakaya iyon ni Levi. Magtiwala tayo sa kanya."
Nginitian ko siya at tsaka dinampian ng halik sa labi. Naniniwala rin akong makakaya ni Levi. Sana lang talaga hindi siya mahirapan o kaya panghinaan ng loob.
***
Levi Bryce's POV
First day of school ko ngayon bilang isang freshmen college student at hindi required ang uniform kaya naka-casual shirt at jeans lang ako ngayon na sinapawan ko ng denim jacket. Parehong skwelahan ang pinasukan ng dalawa ko pang tropa para hindi kami mabuwag syempre. Parating na rin 'yung mga 'yun para sabay kami.
"Ma, alis na po ako. Saan si Dad?" tanong ko kay mommy na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nakatutok sa news.
"Nasa itaas tulog pa. Alam mo naman 'yun. Nagpuyat ulit sa work kagabi eh."
"Sobrang workaholic talaga kahit kelan. Pakisabi na lang po sa kanyang nakaalis na ako mamaya pagkagising niya," paalam ko tapos hinalikan ko siya sa pisngi. Tumalikod na ako nang tawagin ako ulit ni Mommy.
"Levi. Catch!" nasalo ko naman ang hinagis niya sa ere. Pagtingin ko sa palad ko, isang susi. Nanlaki ang mga mata ko. Is this---
"Yes. Your car keys."
Agad akong napataas ng tingin na nanlalaki ang mga mata. "Really?!"
"Uh huh, now go check it out in the garrage."
Ngumiti ako ng pagkalaki-laki bago niyakap si Mommy tsaka nagpasalamat. Nagmadali naman akong pumunta sa garahe namin at ayun si Dad nakatayo sa gilid ng isang itim na porsche. Wow. This is just. Wow. My dream car.
"College gift namin ng Mommy mo 'yan anak. Ingatan mo ah? Do not drive recklessly," bilin pa ni Dad at tinapik ang balikat ko. Niyakap ko rin siya ng mahigpit upang magpasalamat at nag-usap kami saglit bago siya tuluyang umalis para magtrabaho na talaga. Pumasok agad ako sa loob ng sasakyan. Damn, ang ganda. Sunod ay tinesting ko ang engine at napatalon ako sa linis ng tunog nito. Test drive kaya muna ako? Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sina Claude at Weston na sa school na kami magkita. Hindi ko na pala sila mahihintay dito at nang nakakuha ako ng confirmation sa dalawa, bumusina ako para pagbuksan ni manang ang gate.
Alright. Time to test this thing.
***
Villaine's POV
Kinuha ko na ang itim na ducati desmosedici na nakaparada sa garahe namin at sumampa dito tsaka pinaandar. Medyo excited akong pumasok ngayon kasi balita raw na marami pang freshmen na baguhan ngayon galing ibang schools at hindi lang sa mismong high school department ng paaralan namin. Syempre, unang buwan pa kaya libre pa silang pumasok. Ibig sabihin, may mapagti-tripan ulit ako.
Mabilis kong pinatakbo ang ducati ko habang paliko-likong iniiwasan ang ibang mga sasakyan. Kahit nag red ang ilaw ng traffic lights, tuloy pa rin ako. I don't care much about rules because I always get away with it. Humarurot ulit ako hanggang sa makarating ako sa parking area ng school. Papunta na sana ako sa isang bakanteng parking space nang bigla akong napa-break dahil may isang itim na porsche ang napaharang sa daraanan ko. Damn it. Dami talagang sagabal dito sa mundo. Mabilis kong tinanggal ang suot na helmet at isinakbit ito sa manibela.
"Hey you f*****g idiot! Get out of my way!"
Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan niya kaya ko naaninaw ang pagmumukha ng kung sino man ang taong ito. Nagtama ang mga mata namin.
Napahawak ako bigla sa may dibdib ko dahil bigla itong pumitik ng malakas. Parang pamilyar sa’kin ang sensansyon pero hindi ko alam kung paano gayong sigurado akong newbie ito.
Levi's POV
Nagtama ang mga mata namin ng babaeng nanigaw sakin at hindi na ako nakapagsalita dahil parang ang mga mata niya ang susi sa nawalang pagkatao ko. Lahat ng memorya, mabilis bumalik sa isipan ko. Sina Levron, yung pana, ang mahal kong si Serefina, si Eros at Psyche at... ang babaeng ito na napana ko.
Agad akong bumaba sa sasakyan at lumapit sa kanya nang hindi inaalis ang tinginan namin sa isa't-isa.
"Anong pangalan mo?" tanong ko. Parang nagulat pa siya sa biglaan kong pagsasalita at kumunot ang noo.
"Why the f**k should I tell you? Alisin mo ang sasakyan mo diyan. Haharang-harang ka sa daraanan ko."
"I'm Levi." lahad ko sa kamay ko.
"Tinanong kita? I don't care whoever you are. Just get your fuc-----" tinakpan ko ang bibig niyang maanghang magmura. Hindi man niya ako kilala pero matagal na siyang hinahanap ng pagkatao ko pero alam ko din na nagkita na kami nang nag-flashback sa utak ko ang batang ako na naligaw sa kagubatan. Ito pala ang takdang oras na maalala ko ang lahat-lahat para isakatuparan ang misyon.
Napagmasdan ko ang buhok niya ngayon na mayroong blonde highlights kumpara noong una ko siyang nakita sa lagusan ko na itim na itim ang kulay. She has the same cold eyes though. Dark but mesmerizing.
"Stop cursing. It doesn't suit you," kasi sa amo ng mukha niya at sa ganda niyang 'yan, parang hindi ata bagay. Hindi talaga bagay.
Tinabig niya ng malakas ang kamay ko.
"You don't care and you don’t touch me like that. Kung ayaw mo pang umalis, dudurugin ko ang kotse mo."
"Aalis ako kung sasabihin mo sa’kin ang pangalan mo," sabay ngiti ko sa kanya nang malapad pero lumukot lang ata ang mukha niyang maganda.
"Gusto mong tamaan nito?" sabay labas niya ng isang maliit na dagger mula sa itim na jacket na suot niya.
"Gusto mong tamaan nito?" naalala ko ang linyang 'yun dun sa batang susugatan sana ako gamit ang patalim niya pero hindi niya nagawa. Napangiti ako sa memorya at sa dungis ng mukha ko nun.
"Ikaw 'yun! Yung batang maganda! Wow! What a small world!" kunyaring shocked pa ako para ipaalala sa kanya na nagkita na kami.
Villaine's POV
Ngiting-ngiti siya at masakit sa mata dahil parang nakakasilaw. Nakakainis ang mukha niyang halos walang niisang mali. Itinaas ko ang kamao ko para matamaan na siya sa’kin ng sapak dahil inuubos niya ang pasensya ko pero parang tinatraydor ako ng kamay ko at ayaw gumalaw.
Oh, well f**k. Pinaandar ko ulit ang motor ko. Makaalis na nga muna.
"Teka! Anong pangalan mo?!!" sigaw nung gago. I rolled my eyes and drove away. Crazy asshole. Sinira niya araw ko. I need to see some flames para kumalma kasi ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. This is not usual for me and the feeling seems familiar but foreign.
Why the bloody s**t is my heart beating like it’s about to get out of my chest?