Third Person's POV
Sa edad na syete, kinahiligan ng batang babae ang apoy. Nasisiyahan ang dalawang mata niya sa liwanag ng apoy at ngayon ay kasalukuyan niyang tinitignan ang malaking apoy na nagmumula sa nasusunog na gazebo ng kanilang garden na pinagawa pa talaga ng mga magulang niya kung sakaling may gaganapin na parties.
"Villaine! Hala jusko kang bata ka!" natatarantang sambit ng bagong nanny niya kasi walang nagtatagal. Sumigaw ito para humingi ng tulong sa ibang kasambahay para mapatay ang apoy. Nilingon siya ng batang si Villaine na may hawak pang lighter tsaka nginitian.
"Do you want to be on fire too, yaya?" and then the kid smirked at bago pa makasagot ang yaya niya, tinulak niya ito sa apoy bago lumakad paalis. Hindi namatay ang yaya niya pero nasunog ang iilang parte ng balat nito dahil agad naman naagapan ng ibang mga tauhan.
Alam niyang magagalit na naman ang mga magulang hindi lang dahil sa ginawa niya kundi wala na ulit siyang personal na yaya kaya lumisan ito sa kagubatan sa likod lang ng kanilang bahay. Kung ibang bata siguro ay matatakot sa kagubatan pero iba ang batang si Villaine.
Naglalakad siya nang may narinig siyang kaluskos na nagmula sa likod ng malapit na kahoy kaya tumigil siya. Nang lumakad siya ulit, ramdam na ramdam niya na sumunod rin kung sinuman o ano pa ito. Muling tumigil si Villaine.
"Lumabas ka," walang ganang sambit nito at hindi naman siya nabigo dahil sumulpot ang isang batang lalaki sa harap niya na dungis pa ang mukha dahil siguro sa paglalakwatsa niya o pagsunod kay Villaine.
"Ang galing mo bata! Naramdaman mo ako!" nakangiting sambit nito. "Ako nga pala si Ryce!" sabay abot ng kamay nito.
"Bigas? Ang pangit ng pangalan mo. Tabi ka," sabay tulak ni Villaine sa batang kausap patagilid kaya natumba ito pero tumayo din ulit.
"Sandali lang batang maganda! Laro tayo!"
May kinuha si Villaine sa bulsa niya. Isang maliit na patalim. "Gusto mo tamaan nito?"
Pananakot niya pero hindi nagpasindak ang batang si Ryce kahit ilang sentimetro na lang sa mukha niya ang patalim. "Delikado iyan batang maganda. Gusto ko lang naman maglaro tayo eh." he pouted and did his signature puppy eyes that worked on everyone. Pwera nalang siguro ngayon.
Madaling mainis si Villaine sa kahit na kakarampot na dahilan kung kaya’y kinailangan niyang ma-homeschooled dahil sa ikli ng pasensya nito.
Itinagilid niya ang patalim at dadaplisan sana si Ryce sa braso....
...pero biglang tumilapon ang hawak niyang patalim sa damuhan sa walang kasiguraduhang dahilan. Inisip lang ni Villaine na sadyang nadulas lang ito sa kamay niya.
***
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa anak natin Roy! Hindi naman tayo naging masamang magulang sa kanya!" naghe-hysterical na reklamo ni Ellaine sa asawa. Nilapitan siya nito at niyakap para pakalmahin.
"Alam ko Ella. Siguro hindi niya pa rin matanggap hanggang ngayon na ampon natin siya kaya ganun na lamang ang pagrerebelde niya sa murang edad."
Hindi kasi sila nagkakaanak kahit mahigit walong taon ng magkarelasyon kahit walang problema sa kanilang mag-asawa at isang gabi, may sanggol na umiiyak ang iniwan sa labas ng gate nila kaya kinupkop nila ito agad nang mapagtantong wala ngang mahagilap na magulang ito matapos maimbestigahan. Nalaman ni Villaine na ampon siya nung anim na taon siya dahil sa chismisan ng ilang maids at nakumpirma nga niya sa mga magulang. Hindi niya man maintindihan lahat pero nakaramdam pa rin siya ng galit at inggit lalo na’t nagkamilagro at tatlong buwang buntis na nga ngayon si Ellaine. Lalong dumistansya si Villaine sa mag-asawa dahil nasa isipan nitong wala na siyang silbi dahil may totoong anak nang papalit sa kanya.
"Anong gagawin natin…"
"Let's give her time to grow up. Siguro tsaka niya na maintindihan iyon."
"I hope so Roy. I just hope so…"
***
10 years later...
Villaine's POV
The f**k do I need school for.
Puro satsat lang ang ginagawa ng mga guro at lahat ng mga kaklase ko bobo at mga tanga. Sunugin ko ang skwelahang 'to eh pero kailangan daw iyon dahil ganon ang sistema ng buhay kaya heto at college na ako. Pssh. Bullshit. Buti nakalampas pa ako ng highschool. What's the use of money and connections?
Tumayo ako sa upuan at isinakbit ang bagpack ko para umalis na.
"Where are you going Miss...?" tanong ng panget na gurong nakatayo sa harapan.
"What do you think? Ang bobo mo naman para sa isang professor," and that sentence ticked him off. Galit ang sinasabi ng mga mata niya. I like it.
"You do not question my profession and you should never disrespect me in front of my class. Ano bang pangalan mo?"
"Villaine and Evil is the nickname. Ever heard of it, sir?" pagkasabi ko nun, nanlaki agad ang mata niya kaya napangisi ako tsaka siya nilampasan at sinadya kong tamaan siya ng mabigat kong bagpack. I badly want to set some flames right now as my stress reliever but I prefer calling it as my hobby. As a pyromaniac. Hindi ko na kailangang magpatingin sa doktor para malaman sa sarili kong nahuhumaling ako sa apoy.
I don't know why I'm like this pero matagal ko nang tinigilan ang pagkwestyon sa sarili ko dahil wala akong nakukuhang sagot. I guess I was born with this kind of self and I don't care about anyone or their opinions. Paki ko ba sa kanila. I can cut their tongues anytime kung gugustuhin ko as long as I see blood splutter all over the floor. The color red is similar to fire anyway.
Just like the old times, a huge fire ignited in front of me making me smile in delight.