Chapter 14: A Girl's Fist

2767 Words
Levi’s POV Tinignan ko ang paligid para siguraduhing walang ibang nakarinig sa sinabi nung babae at mukhang wala naman at sigurado akong mahimbing na natutulog ‘yung lalaki sa gilid. “Anong pinagsasabi mo?” kunyaring hindi ko alam pero sa paraan ng pagngiti niya, alam kong hindi ko siya mapapaniwala. “Huwag ka nang mahiya at tsaka oo, hindi mo nga ako maloloko if that’s what you’re thinking,” sabay wink niya ng makahulugan. “Binabasa mo ang isipan ko?” “Hindi ah pero nababasa ko ang mukha mo. I’m Evanora by the way, Eva for short. Ikaw, anong pangalan mo?” “Levi. Ano ka ba at paano mo nalaman?” nakipag-shake hands pa ako sa kanya habang tinatanong ito. Excited siyang tumalon bigla at inilapit ang mukha niya sa akin bago pumunta sa likuran ko at may kung anong sinuri tsaka ko naramdaman ang pagsundot niya sa may talim ng balikat ko. “Saan ang mga pakpak mo? Ba’t ka pinatapon dito?” Para akong na-offend na hinarap siya ulit pero makulit ang lahi niyang sinusundan ang likuran ko. “First of all, hindi ako fallen angel dahil wala akong nilabag na kung ano at lalong hindi ako nagrebelde.” “Weh? Ba’t ka nandito? Paano kang napunta rito kung wala kang nilabag, little angel?” nakangising sambit niya na may kasiguraduhang hinarap ulit ako ngayon kahit nakatingala siya dahil sa liit niyang babae. Siya pang nagsasabi sa’kin ng little sa lagay na ‘yan ah. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya at kung paano ako natusok sa pana ni kupido. Oo nga’t labag iyon sa batas namin pero aksidente ang nangyari. “See. Sabi na nga bang meron.” “Ang kulit mo, ano? Tsaka paano mo nga nalaman at ano ka rin ba?” pag-ulit ko sa tanong dahil hindi niya sinasagot. Umatras siya at sumandal sa kabilang parte ng pader. “I’m a necromancer at dahil sinagip mo’ko kanina, may isang utang na loob ako sa’yo kaso in training pa ako pero sisiguraduhin kong matutulungan din kita balang araw. Mukhang napahaba na rin ang usapan natin at kailangan ko nang umalis para hanapin ang kailangan ko. Byeee, fallen angel!” dere-deretso ang pagsabi niya non at bago pa man ako makapagsalita, tumakbo na siya paalis at naglaho na parang bula sa dilim. Necromancer? Witch? Mayroon palang naninirahang katulad niya rito sa lupa? Sa bagay hindi na nakapagtataka. Ako ngang anghel, narito ngayon at namumuhay na parang tao pero tao nga pala talaga ako ngayon. Aish. Hindi ko na nga muna siya iisipin at nakalimutan ko na kung ba’t talaga ako andito ngayon. Hindi ko man lang nahanap ang may-ari nung Streetfighter. Tsk.     *** Levi’s POV Sabog ulit ako ngayong umaga at si Weston ang nagmaneho ng kotse pauwi dahil siya ang pinakamatino sa’min. Nakitulog din kami dito kina Claude at kasalukuyan kaming kumakain ng almusal. “Hetong kape para sa’yo, Prince Levi. Ba’t niyo kasi pinainom kuya?” panenermon ni Jade sa kapatid niya habang nakapameywang. “Aba malay ko bang natuto nang uminom ‘yan dahil sa labidabs niya. Bleeeh! Wala kang chance kasi may nililigawan na ang utol namin!” pang-aasar ni Claude habang nakalabas pa ang dila. “Oo nga Jade. Tanggapin mo na lang kasi na basted ka ni pareng Levi kagaya nung pagkabasted ng kuya mo dun sa chix na nakilala niya kagabi. Hahahah!” natutuwang sambit ni Weston na walang hang-over at lumalamon lang nang lumalamon. Anlakas niyang kumain pero hindi siya tumataba at anlakas niya ring uminom pero hindi nagkakahang-over. Paano niya gingawa ‘yon? May technique ba? Hayst. “Hoy kayong dalawa, tigilan niyo ako. Tsaka totoo bang sinasabi ni kuya, Prince Levi? May nililigawan ka???” hindi makapaniwalang pagtatanong niya pero parang wala talaga ako sa mood ngayon na magdaldal. “Pwedeng mamaya na lang tayo mag-usap, Jade? Ansakit talaga ng ulo ko ngayong umaga, pasensya na.” “No, that’s alright. Naiintindihan ko. Kain na lang tayo nang maihatid niyo na ako sa school ko bago kayo pumunta sa inyo.” Ngumiti siya pero alam kong marami siyang gustong tanungin. Gustuhin ko mang pagsabihan si Jade na huwag na siyang magkagusto sa’kin, hindi naman napipigilan ang nararamdaman kahit gaano kaliit nito. Be it a puppy love or not, masasaktan siya kapag ginawa ko iyon kaya mabuting huwag na lang. Bata pa siya at sigurado akong may nakalaan sa kanya. Kung may pagkakataon lang sanang bumalik saglit sa langit, ako mismo ang hahanap ng mga pares nila at papanain ko basta’t nasa tamang edad na para masigurong masaya sila at wala sa maling tao.   Ang kaso nga lang, sa pagkakamali tayo natututo at kasama na roon ang pagkilala ng akala nating tunay na pag-ibig pero hindi pa pala. Akala lang. Andami kong naiisip ngayong umaga pero ayaw kong magdaldal. Hindi talaga ako natutong heto ang kalalabasan tuwing iinom. Haist.     ***  Night’s POV Andito kami sa gym ng condominium building at kasama ko si Stan. Magkatabi kaming tumatakbo sa treadmill at hindi ko pa rin maiwasang isipin ang napag-usapan namin ni Levi kagabi. “So ano nang plano mo, dear brother? Kita mo nang may potential ang karibal mo at malakas pang loob tapos pareho pa sila ng skwelahan, hanggang kailan ka mananatiling slow-poke?” natatawang sambit niya. “Alam mo minsan kahit kapatid kita, gusto kitang bugbugin. Any encouraging words instead, dear brother?” panggagaya ko sa tawag niya sa akin. Medyo maarte talaga ‘tong si Stan kumpara sa’kin at OC. “Encouraging words naman ‘yan ah. Tinutulak kitang mag first move.” “Kilala nating dalawa si Zix at alam kong alam mo rin ang isasagot niya sa’kin kapag umamin ako.” “Sinabi ko bang umamin ka agad? Sinasayang mo ang gandang lahi natin kung hindi mo alam dumiskarte, little brother. Ba’t hindi mo na lang kasi ako gayahin? The babes are all over me everyday. Gamit na gamit ko ang mukha at katawang bigay ng maykapal and at the same time, nakakapagpasaya pa ako ng kababaihan.” “Sus. Kapag ikaw talaga nakakita ng katapat, Constantine. Ibibigay ko ang motor ko.” “Oooohh, that’s a tough bet! Kapag mapasagot mo rin si Zix, sa’yo na ang kalahati ng casino ko o kahit ang kabuuan pa nito!”   “That’s the impossible bet. Pinapamukha mo sa’king hindi mangyayari iyan. Alam mong sinubukan kong makipag-date sa iba para ibaling ang atensyon ko kaso ang boring nilang lahat.” “Boring kasi hinahanap mo si Zix sa kanila. Try dating normally and get to know them, dear brother.” “Coming from you who f***s every woman in town?” asar ko pero tumawa lang ang loko at tinanggap iyon bilang compliment. Napailing na rin ako at nakitawa. Kahit gaano pa kababaero itong kapatid ko, tanggap ko siya dahil kaming dalawa na lang ang magkaramay sa mundong ito.       *** Levi’s POV Ngayon ko lang napansin na walang pang umagang klase si Villaine o baka meron pero di-nrop niya? Ewan. Magkaklase lang naman kami sa minor subjects dahil ang kinuha kong kurso ay Psychology samantalang sa kanya, Fine Arts. Hmm. Bakit kaya iyon ang kinuha niyang course, ano? Matanong nga mamaya. Hehehe. Ang klase namin ngayon ay PE 1 – Swimming, ang paborito naming tatlo nina Claude dahil kinahiligan na namin ito simula pagkabata kaya naging varsity kami ngayon. Dahil kakasimula pa lang naman, more on lessons muna at sa susunod na buwan na raw magsisimula sa pool mismo.    “Sabi ni coach, isasabak tayo agad sa susunod na buwan. One on one practice competition dun sa kabilang school. Naghahamon eh balita ko ang yayabang daw lalo na yung mga seniors nila.” balita sa’min ni Weston. “Ang bilis naman ata? Pero wala tayong inaatrasan! Tutustahin natin sila!” masiglang tugon ni Claude. “Kung ganon pala, magsimula na rin tayong mag-practice at hindi tayo pwedeng mapag-iwanan sa kabila.” Sambit ko rin at tumango pati ‘yung ibang kasamahan namin sa varsity.     Ang teacher namin sa PE ay ang mismong coach din namin kaya hinayaan niya kaming magkwentuhan at pag-usapan kung kailan ang vacant ng isa’t-isa para makapag-practice. Iba-iba kasi ang kurso at schedules pero puwede rin namang by group kung hindi talaga kaya ng sabay. Sa case namin nina Weston, mayroong swimming pool ang kanya-kanya naming bahay dahil nga alam ng mga magulang naming hiyang kami sa swimming kaya walang problema sa practice. “Okay iyon lang muna ngayong araw. Class dismissed!” sambit ni coach at vacant pa ako ng isang oras kumpara kina Weston at Claude na parehong Business Ad students kaya magkaklase sila sa lahat. Time check, 9:01am. Maaga pa naman. Punta na lang muna akong library para makapagbasa habang naghihintay sa sunod kong klase.    *** Hapon na at dapat magkaklase kami ni Villaine ng dalawang subjects pero patapos na ang ikalawang subject na sana’y narito siya pero walang ni anino niya ang sumulpot. Akala ko late lang pero wala talaga. Saan na naman kaya nagsusuot ‘yon at ang hilig umabsent o mag-cutting? Pagka-announce na tapos na ang klase, agad akong lumabas at dumiretsong parking lot para tignan kung nakaparada ba ang motor ni Villaine kaso wala talaga. Baka hindi nga siya pumasok buong hapon. Kainis, hindi ulit buo ang araw ko. “Excuse me pare, may kilala ka bang babaeng matangkad na kulay blue ang mga mata at may highlights ang buhok?” rinig kong boses mula sa di kalayuan kaya napalingon ako at pansin kong nasa may exit na pala ako ng open parking lot ng school grounds. Umiling iyong pinagtatanungan niya kaya hindi na ako nag-aalinlangang lumapit sa lalaking may kalakihan ang katawan at matangkad. “Pasensya na sa paglapit pero narinig ko kasi ang tanong niyo kanina at baka kilala ko ang babae. May kailangan ba kayo sa kanya?” Kung akala kong nag-iisa siya, mayroon pa palang tatlong kalalakihang lumapit sa kanya at mukhang nagtatanong din tungkol kay Villaine. Pare-pareho sila ng pormahan at lahat malaki ang katawan, halatang nagbababad sa gym na tipo. “Boss, may isa akong natanungan na parang kilala niya pero itinanggi rin agad,” sumbong nung isa. “Teka, kuya. Pamilyar sa’kin ang lalaking ‘to. Siya iyon! ‘Yung tumulong dun sa maangas na babaeng dalhin ako sa guidance!” sabi nung may kapayatan at maliit na lalaki suot-suot ang malaking eyeglasses na kakarating lang. Doon ko siya namukhaan at ito pala ‘yung naabutan kong sinipa ni Villaine sa soccer field. Uh-oh. Pati ako pala wanted ng mga ito. “Pasensya na sa nagawa ng kaibigan ko pero tama lang ang ginawa naming pagdala sa’yo sa guidance counselor dahil mali rin ‘yung ginawa mo.” Pangangatwiran ko na akala kong maiintindihan nung kapatid niya pero sa inis ng mukha niya ngayon, parang malabo. “Ang lakas ng loob niyong pagtulungan ang kapatid ko at sumasagot ka pa ah!” galit na bulyaw sa’kin nung lalaki at bahagya akong napapikit sa tono ng boses niya. Ayaw ko pa naman ng gulo pero hindi ata ako palalampasin nang basta-basta ng mga ito. Nakita ko ang pagngiti nung kapatid niyang nagulpi ni Villaine na para bang ang saya niya sa nasasaksihan ngayon. Pasimple akong lumingon sa paligid pero walang security guard sa malapit. Lagot na talaga ako nito. “Hindi namin intensyong saktan ang kapatid mo. Sadyang ginawa lang namin ang tama,” pirming pagkakasabi ko at pansin ko agad na pinalibutan ako nung tatlong kasamahan niya para siguro hindi ako makatakas. Sunod na ginawa nung lalaking kapatid ni payat, iyon lang muna ang itatawag ko, lumapit siya sa’kin at kinwelyuhan ako. Anla, ang baho ng hinina niya ah. “Tignan natin ang tapang mo ngayon,” sambit niya na ilang sentimetro lang ang layo sa mukha ko at literal akong napapigil hininga hindi dahil sa takot, pero legit ang sama ng amoy nung hininga niya at naklaro ko pa ang sira-sira niyang ngipin. Hindi ako nanlalait, sadyang honest lang. “Wala akong ginawang masama---” hindi ko natapos ang sasabihin dahil biglaan niya akong sinapak sa mukha at tinulak nang malakas at dahil hindi ko inexpect iyon, nawalan ako ng balanse tsaka naunang bumagsak ang pwet ko sa lupa. Aray naman. Naramdaman kong napuwing din ako dahil sa buhangin kaya napakusot ako ng mata habang ang isang kamay ay hawak iyong nasapak nung lalaki. “I heard you guys are looking for me. Why don’t you fight your own size, fucker.” Mabilis napaangat ang tingin ko at napatayo pagkarinig sa boses. “Villaine!” tawag ko sa kanya at saglit siyang lumingon sa’kin para umirap tsaka hinarap ulit yung kuya ni payat. Ay ang sungit niya pa rin pero ang ganda. Heheh.   “Anong own size eh babae ka lang at---” Kagaya nung pagputol nung lalaki sa sasabihin ko, iyon ang ginawa ni Villaine dahil agad dumapo ang kamao niya sa mukha nito. Kung titignan, mukhang ang gaan at ang liit lang ng kamay ni Villaine pero sa pagkatumba nung lalaki at pagdugo ng ilong, sobrang lakas nun. Woaaah. “Boss!! Aba gago kang babae ka ah---” hindi rin natapos nung isa ang sentence niya at nasipa siya ng mahabang binti ni Villaine at ang flawless ulit nung move niya. Pagkakita kong aatake sa likuran niya ‘yung isa, awtomatiko akong napagalaw at hinablot ang likod ng kwelyo niya tsaka sinuntok sa mukha. Self-defense ito at hindi niya pwedeng masaktan si Villaine. Saglit akong napatulala sa kamao ko at pinukaw ako ng mga daing sa sakit ng tinatawag nilang boss kaya nilingon ko kung anong nangyayari at nanlaki ang mga mata kong nilapitan si Villaine para awatin dahil kasalukuyan niyang iniipit ng binti niya ang mukha nung lalaki at pinagsusuntok na parang gigil na gigil. “How does a girl’s fist taste now, huh? Kulang pa ‘yang gago ka!” inis na sigaw niya at bago pa man siya magpakawala ulit ng suntok, sinangga ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa’kin. Bahagya akong nakaluhod para maka-level ang mukha niya. “Tama na, Villaine. Huminahon ka na, please?” mahinahong sambit ko at nawala ang kunot ng noo niya pero andoon pa rin ang lamig ng asul niyang mga mata. Doon siya napabuntong hininga at tinitigan ng masama iyong lalaki bago binitawan na parang labag pa sa kalooban. “Sa susunod na manggulo kayo, sisirain ko pati buhay niyo at hindi lang mukha.” Tumango iyong tatlo at tinulungan ang boss nila tsaka nagmadali silang umalis lahat sakay nung kotse. Napatingin ako sa kamao ni Villaine at hinaplos ito. “Masakit ba?” tanong ko at saglit siyang napatigil sa ginawa ko bago hinablot ang kamay niya. “Sanay ako rito. Why didn’t you asked for help? Magpapabugbog ka ba sa mga barumbadong ‘yon?” inis niyang tanong pero hindi ko maiwasang mapangiti na parang ewan. “Heheh, concern ka, kaibigan ko?” “Dream on.” Ayun ulit ang famous irap niya at nagsimula nang maglakad kaya syempre sinundan ko siya at tinabihan sa paglalakad. Mas matangkad pa naman ako sa kanya kaya nasasabayan ko ang malalaki niyang mga hakbang. “Pero salamat pa rin, my knight in shining skirt!” “What the f**k?” “Huy, hinay-hinay nga sa pagmumura!” “Adami mong satsat. Hindi ba masakit pagkakasapak sa’yo at dagdagan ko pa?” “Parang kagat ng langgam lang naman pero imbes na sapak idagdag mo, kiss na lang--- uyyy joke lang!” napaatras ako ng ilang steps nang akmang dadapo ang kamay ni Villaine sa’kin. “Pasaan ka, kaibigan ko? Ba’t di ka pala pumasok ngayong araw?” “None of your business.” One of her famous lines na ang ibang meaning ay dapat na akong manahimik. O, diba natututo na ako sa Villaine language. Tahimik ko siyang sinasabayan sa paglalakad at pansin kong sumisilip na rin ang buwan dahil gumagabi na. Hindi niya rin naman ako tinataboy palayo kaya kuntento na ako rito kung saan man siya pupunta. Haist. Nabuo na rin ang araw kong ‘to bago pa man matapos.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD