Chapter 15: Self-proclaimed Drunkard Angel

3292 Words
Villaine’s POV May nakasalubong ako sa daan na sinabing may naghahanap sa’kin sa labas ng parking lot at wala naman talaga akong pakialam but then the girl mentioned that idiot who declared himself as my friend. The self-proclaimed drunkard angel. Iyon na ang titolo ko sa kanya at saktong tanaw ko na sila, nakita ko kung paano siya sinapak nung pangit na lalaki. For some reason, my blood boiled and that sight ticked me off. May isa akong salita at sumang-ayon akong kaibiganin siya kaya walang sinuman ang pwedeng dedehado sa kanya. Akalain mo nga namang marunong palang sumuntok ang lasinggerong anghel na ‘to. Plano kong durugin ang mukha nung tinatawag nilang boss at nagdidilim ang paningin kong pinauulanan siya ng suntok pero nang marinig ko ang mahinahon boses ni Levi, napatigil ako. What’s this guy doing to me? Did he cast a spell or something? Hindi ako kailanman nagpapaawat o sumusunod sa kung sino, not even my parents, but this boy is certainly up to something I can’t figure. “Villaine, Villaine, Villaine. Bakit Villaine ang pinangalan sa’yo?” and speaking of the idiot, he’s still following me. Muntik ko nang makalimutan kakaisip ng kung ano-ano. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. “Should I repeat what I said earlier?”  “Yung alin? Yung eto? Ehemmmm. ‘None of your business’,” panggagaya niya sa tono ng boses ko pati ang pagseseryoso ng mukha pero para lang siyang nagpipigil ng utot hanggang sa natawa siya sa sariling kalokohan. See, ang babaw. Ba’t ko hinayaang kaibiganin ako nito? Tss. “Stop following me and go home,” pagtataboy ko sa kanya at nagsimulang maglakad ulit. “Teka ba’t ka ba lakad nang lakad? Saan ang motor mo? At kung wala kang sasakyan ngayon, balik na lang tayong parking lot at ihahatid kita kung saan mo gusto.” Ang totoo niyan ay nasa shop ang motor ko at ayokong gumamit ng ibang sasakyan. Pinili ko na ring maglakad just so I can unwind and my apartment unit is just nearby, around 5 more minutes pero heto at mayroon pa akong human-sized buntot. “Okay lang ako at kaya kong maglakad kaya pwede ka nang umuwi, drunkard angel.” “Hala ba’t naman may drunkard pang kasama kung bibigyan mo lang din ako ng endearment, kaibigan ko???” “Anong endearment? Hindi ‘yan endearment, gago.” “Endearment ‘yan kasi ‘di ko pangalan ‘yan eeh! Pero ang sweet pa rin pakinggan kasi galing sa’yo. Heheh. Pasaan ka muna pupunta? Sama ako!” I was about to chase him away when I heard a familiar voice calling me out. “Zix!” there I saw Aunt Oriyah but she prefers being called on first name basis. Nakababatang kapatid siya ng mga magulang nina Stan at Night kaya kami nagkakilala. Turns out, we have some things in common and I got comfortable with her, being that she’s the only woman I trust. She’s already in her late 30s but she looks as if she’s 20 something dahil sa ganda niya. Brunette hair, slim body, flushed cheeks, and skin that seems clearer than mine because of her healthy way of living. “Oriyah. Pauwi na rin sana ako,” sambit ko at niyakap niya ako bago dinampian ng halik sa pisngi bilang greeting. She grew up with a western culture kaya nasanay din ako sa pagiging clingy niya. “I can see that and who’s this handsome young man?” curious na tanong niya at hinarap ang kasama kong buntot. “Hi! I’m Levi, a friend of Villaine,” nakangiting asong pakilala nung isa at nakipagkamay siya kay Oriyah. “A friend? That’s new! Paano mo nakumbinsi ang napakatigas na puso nitong si Zix?” manghang sambit niya and the next thing I knew, they were talking as if they’ve known each other for quite some time. Ayokong masobrahan ang pagka feeling close ng anghel na ‘to. “Oriyah, Levi has to go home. Naiwan pang sasakyan niya sa parking lot kaya kailangan na niyang umalis, hindi ba?” tiningnan ko ng makahulugan si Levi pero nagtataka ang mukha niyang tumingin sa’kin pabalik tsaka ngumiti at binaling ang tingin kay Oriyah. “Actually, mayroon akong private pass kaya kahit kinabukasan o next week na kunin ang sasakyan ko, okay lang. Hindi ba’t may coffee shop po kayo? Gusto ko munang subukan ang best seller niyo, hehehe.” “Of course! Tsaka huwag mo na akong pino-po, nagmumukha akong matanda. You can call me Aunt Oriyah or Oriyah is even fine. Sa ganda ba naman ng pangalan ko at sa ganda kong ‘to, diba?” and there she goes bragging about her name again like how she does with every person she’s fond of. Wala na nga akong nagawa nang nasa tapat na kami ng vintage style coffee shop ni Oriyah. Chalice. That’s what she named it at nasa ibaba ng apartment ko ang coffee shop niya and literally have to go down a few steps kaya kung madadaanan lang ang lugar, makikita agad ang malaking logo ng shop, a goblet styled coffee cup with the word Chalice engraved on it. I stared at it for a while remembering the time when I first got here nung bago pa lang kaming magkakilala nina Night at Stan. The place gives off a certain ambiance that somehow made me feel safe and at ease at lalo na nung nakilala ko si Oriyah, ayaw ko rin sa kanya noon at akala ko pinepeke lang niyang gusto akong alagaan kagaya nung pagpalaki niya kina Stan pero persistent siyang kilalanin ako hanggang sa isang araw, I just found myself trusting her somehow. I didn’t want to live in my parent’s empty mansion all the time so when she offered me a vacant apartment that she owns beside hers, hindi na ako nag-alinlangang tanggapin ang offer. When I had enough money that I earned on my own, I paid the unit without second thoughts. Hindi ako tumatanggap ng libre dahil lahat ng bagay, may kapalit. Lahat ng sinasabi nilang kabutihan, sinisingil sa huli so I never believed in that type of shitty mindset by some brainless people that some good deeds are purely done out of will.       Levi’s POV Kita ko mula rito sa glass window kung paanong nakatulala lang si Villaine sa tapat ng coffee shop. She seems mesmerized lost in her own thoughts and at the same time, she looks mesmerizing. “Lovely, isn’t she?” bigla akong nahiya sa pagtitig kay Villaine at napakamot sa batok na napatingin kay Aunt Oriyah. “Don’t worry, I don’t judge. Hindi ako magtataka kung bakit ka nabighani sa kamalditahan ni Zix. Believe me, I’ve experienced all sorts of stubbornness she’s showing you right now pero mabait ‘yan. Matagal nga lang bumibigay.” Sabi niya habang ginagawan ako ng kape kaya napatingin din ako sa paligid. May iilang tao na tahimik umiinom ng kape at may nakaharap sa laptop o kaya’y nags-scroll sa cellphone at ako lang ang narito sa stool katapat ng counter. “Matagal na ba kayong magkakilala ni Villaine, Aunt Oriyah?” naitanong ko dahil sa paraan ng pakikitungo niya kay Villaine, para niya itong kamag-anak kung ituring. Inilapag niya sa harapan ko ang tasa cappuccino coffee pati isang slice ng tiramisu cake. “She was only 13 when I met her and now that she’s turning 18 this year, Almost 5 years niya na akong kilala. My nephews introduced her to me at sobrang nahirapan akong kunin ang loob ni Zix noon but eventually, nahulog din siya sa charms ko kaya hinahayaan niya na akong alagaan siya kagaya ng pagtrato ko sa dalawa kong pamangkin na mga lalaki. Nadagdagan ang sakit ng ulo ko dahil sobrang daming pinagagagawa sa buhay nung mga iyon na akala mo’y pusa na may nine lives. Gosh, kaka-stress ng beauty!” sabi niya at nagpaypay pa sa sarili na ikinatawa ko nang bahagya.  “What are you telling this idiot now, Oriyah? Can we send him home already?” bagot na pagsasalita ni Villaine tsaka umupo sa tabi ko, ay wait hindi pala dahil may one seat apart sa pagitan namin. Ay, grabe o parang quiz lang? Tssk. “Ano ka ba, Zix. Kaibigan mo siya kaya kakaibiganin ko rin siya which means, he’s joining us for dinner too! Right, Levi?” masiglang tanong nito sa’kin at bago pa man ako makasagot, sinalubong ako nang masamang tingin ni Villaine na para bang sinasabi indirectly na huwag akong pumayag kundi malalagot ako. Katakot po siya, huhu. But well. Hehehhee.   “Okay walang problema po!”     Oriyah’s POV The silly girl grunts in frustration while Levi smiled triumphantly not caring about the evil glares he’s getting. Gusto ko sanang tumawa dahil ang cute nilang tignan dalawa pero pinili kong ngumiti lang ng kaonti bago pa man mainis ng tuluyan itong isa na sobrang ikli ng temper. Tiningnan ko ang anggulo na inuupuan ni Levi at saktong tumapat ito sa pwestong gusto kong naroon siya. May kinalikot ako sa drawer sa ilalim ng cash register and there I saw the two tiny stones both swirling in pink and black. Pasimple kong tinapat ang kulay pink na gem sa kay Levi at doon ko nakita ang pamilyar na liwanag sa kanyang minsan kong nakikita araw-araw noon. I felt a tinge of pain in my heart before hiding the stone again inside the drawer. May kutob na ako nung unang kita ko pa lang kay Levi at tama nga ako ng hinala. Malungkot kong tiningnan silang dalawa dahil alam ko mismo sa sarili kong hindi sila pwede. I’ve vowed to protect Zix until my last breath and this angel must not interfere pero paano nga ba ilayo ang isang anghel sa sarili niyang kabiyak? That is even more impossible.       *** Third Person’s POV Kinabukasan, pumasok na rin si Villaine sa klase niya kinahapunan at dahil sa kaka-absent niya, hindi niya alam na may ganap na palang groupings para sa isang activity. Pinaghahati sila at may kanya-kanyang designated topics for reporting at project. Mayroong seven fine art disciplines kung kaya’t pito rin ang grupo na mayroon ang klase. “Who wants to include Miss Rosevelt in their group?” tanong nung babaeng professor pero walang sumagot.  “Can I just do it alone? I don’t need these losers,” bored na sambit ni Villaine ngunit hindi nagpatinag ang propesora kahit kinatatakutan ng karamihan si Villaine kasali na ang ibang guro. “No you can’t. This is my class therefore, it’s my rules. Class, I repeat. Anyone here who could let Miss Rosevelt join the group?”     Ilang segundong katahimikan at magsasalita na sana ulit si Villaine nang may nagtaas ng kamay. “Pwede po siya sa amin, Prof.” it was the group of Angelo, Mina, and Katreena. Tumango ang professor at pinapunta si Villaine sa grupo nila.  “Hello Miss V!” nakangiting pagbati ni Mina kahit mukhang nag-aalinlangan at kumaway rin yung dalawa. “Didn’t know we’re on the same class. Ano nang gagawin at nang matapos na?” inip na tanong nito sa tatlo. “Fine Arts major din kasi kami Miss V. Hehehehe.” “Tsaka painting iyong na-assign sa atin. Sabi ni Prof, magrereport tayo sa chapter tungkol dito tapos, gagawa tayo ng sample kahit basic lang. Hindi pa man din ako magaling sa painting, kainis!” reklamo ni Katreena. “My gosh ako rin! Ba’t kasi hindi literature o kaya poetry or dance ang na-assign sa’tin? Hindi mo kasi inayos ang pagbunot, Mina!” pagsisi ni Angelo s***h Angela s***h Angel sa kaibigan. “Uy gaga! Malay ko bang iyon mabubunot ko ha? Baklang ‘to!” “Can you guys quit it? I can paint alright. Why don’t you do the reporting part and I’ll paint? Are we done?” pagputol ni Villaine sa argument ng tatlo na siyang sabay na napatingin sa kanya na may galak sa mga mata pagkarinig ng sinabi niya. “Oh em gee! Painter pala ikaw, Miss V? Paturooo!” pagpalakpak ni Angelo. “What? Ba’t naman kita tuturuan? Sino ka ba?” “Hala, you forgot me na? I’m Angela! ‘Yung nahimatay nang nakitang pinatalon mo si Fafa Levi---” hindi niya natuloy ang sasabihin at napatakip sa bibig ng sapakin siya ng dalawang katabi. “Ay oo nga pala, secret iyon. Hehehehe. Tsaka diba sabi ni Fafa Levi, friends mo na rin kami? That’s what friends are for nagtuturuan ng talents! Turuan mo’kong mag-paint puhleeaaseee?” naka-pout na sambit ni Angelo at umusod katabi kay Villaine na siyang napaatras sa biglaang paglapit niya.   Halos mapasapok ng noo sina Katreena sa biglaang pagkapal ng mukha ni Angelo kay Villaine. Alam naman kasi nilang hype ito sa painting at sobrang gusto niyang matuto pero nagkakandaleche-leche talaga ang attempts niya. First year pa naman sila kaso may lahing kaatatan si bakla at gustong maging pro-painter agad-agad para mapinta niya raw ang mga crush niya at baka sakaling magkagusto sa kanya pagkatapos. “No, ayoko nga.” “Eeeeehhh, sige naaaa Miss Villaine na pinaka-pretty sa buong campus!” “No and no.” “Ipagkakalat ko ‘yung nasaksihan namin kapag hindi mo kami i-declare as friends!” pananakot ni bakla at siniguradong silang apat lang ang makakarinig. “Are you threatening me?” nakataas ang kilay na tanong ni Villaine. “Huy gaga! Gusto mo talagang mabugbog? Tigilan mo nga si Miss V!” pag-awat ni Mina.  “Group 3! Tone down your voices!” suway nung prof kaya natigil na rin sa pangungulit ni Angelo pero nakatungo ang ulo at nanahimik na parang binagsakan ng langit at lupa. Si Angelo pa naman ang leader ng grupo kaya siya lang ang makakapagsimula kung ano ba dapat ang gawin at kung ano pang detalye ng project nila. “Hey. Give me the details on what to paint.” No response si bakla kay Villaine. “I’m talking to you.” Still no response. “What the f**k. Gusto mong mabugbog?”   “Whatever Miss V. Sumbong kita kay Fafa Levi. Di kita bati,” sabay irap ni Angelo at literal na napanganga sina Katreena tsaka bahagyang nanlaki ang mga mata ni Villaine sa pagmamaldita nito. Siya rin ay mahilig umirap pero ayaw niyang siya ang iniirapan. “Tss. Fine. You can watch me paint, happy now?” Mabilis pa sa alas kwatrong napaangat ng tingin si Angelo at todo ngiting tumatango sa narinig mula kay Villaine at sa galak niya’y hinawakan niya pa ang isang kamay nito. “Oh em geeee yaaasss! That’s my girrlll!” “Don’t.touch.me.” may diin sa salita nito kaya agad napabitaw si Angelo tsaka nag peace sign. Si Villaine naman ngayon ang umirap sa kanya at tahimik na nakikinig habang masayang ine-explain ni Angelo ang ibang detalye ng gagawin nilang project. Maya-maya, natapos din ang klase. “So by Monday ang reporting natin at Friday ang deadline nung painting. Ibig sabihin ba, magha-hang out tayo bukas para makita kitang mag-paint, Miss V?” pangungulit ni Angelo kahit nasa labas na sila ng classroom at sinusundan niya si Villaine na naglalakad kaya nakasunod na rin pati sina Mina at Katreena. “Anong hang-out? Simpleng painting lang ang gagawin hindi ba? I can do that by Friday, on the deadline. You can watch before class starts.” “Eeehh? Why naman you’re in a rush Miss V? Paano ako makakapag take down notes niyan???” Saktong nilingon ni Villaine si Angelo habang naglalakad kaya hindi niya napansin ang babaeng nabunggo niya at natumba iyon sa lakas ng impact at dahil na rin maliit yung babae. “Hala, omo! Girl okay ka lang?” concerned na tanong ni Katreena at siyang tinulungang tumayo ang babae. May natanggal na kung ano sa sahig at pinulot ito ni Villaine pero biglang nabitawan din dahil parang may naramdaman siyang kuryente sa kamay. “What the f**k is that?” inis na sambit nito kaya nanlaki ang mga mata nung babae tsaka pinulot ang maliit na pouch niyang natapon mula sa pagkakabagsak. Natabunan ang mukha niya ng bangs at agad niya itong inayos ng hairclip para matuunan ng pansin si Villaine. Napatingala siya sa tangkad nito. “And why the f**k are you staring at me?” “Eva!” tawag ni Levi na nagmumula sa likuran nina Angelo kaya tanaw niya ang pamilyar na mukhang nakatulala kay Villaine. Nakasunod din kay Levi sina Weston at Claude. “Little angel?” inosenteng sambit nito na parang si Levi lang din ang nakapansin sa sinabi niya. “Anong ginagawa mo rito? Nagkakilala na pala kayo ng kaibigan kong si Villaine?” “Kaibigan mo--- siya? Paanong nangyari ‘yun? That’s weird.” “Anong problema mo sa’kin? Gusto mong ibalibag kita palabas ng skwelahan, newbie?” may warning sa boses ni Villaine at humakbang ng ilang steps ngunit dahil na rin sa pagkataranta, biglang naitaas ulit ni Evanora ang hawak niyang itim na pouch at sa di malamang dahilan, tila nakaramdam ng invisible na magkakuryente si Villaine dahilan para mapaatras siya. Wala lang sa ibang nakatingin pero pamilyar kay Levi ang reaksyon na iyon dahil nakaramdam siya ng kakaibang enerhiya sa paligid. Marahil ay proteksyon ni Eva ang nasa loob ng pouch at hindi panibago kay Levi ang mga necromancer or witches kasi mayroon sila sa ibang parte ng kaharian, isa sa mga tumutulong na panatilihin ang payapa nila. Ang pinagkakaiba lang, sigurado si Levi na ang lahat ng kilalang witches niya ay hindi nananakit ng tao kaya laking pagtataka niyang gumagana kay Villaine ang ginagamit ni Eva. ‘Hindi naman siguro black magic ang ginagamit nitong si Eva?’ isip-isip ni Levi dahil alam niyang pinagbabawal iyon pero mayroon pa ring sumusuway. “Wala lang iyon kaibigan ko! Eto pala si Evanora, ang isa ko pang kaibigan pero mamaya na ang formal introduction dahil kailangan ko pa siyang i-tour dito sa skwelahan natin. Diyan muna kayo Claude. Alis muna kami,” pagpapaalam ni Levi at naintindihan naman agad ni Eva ang ibig-sabihin nito kaya pati siya’y tumango.  “Pambihira, ambilis talaga sa chix nitong si pareng Levi. Napag-iiwanan na tayo bro,” komento pa ni Weston. “Sinabi mo pa. O ano, tara sa canteen? Libre namin!” pag-aya ni Claude sa apat pero as usual, napairap lang si Villaine at iniwan ang mga ito nang walang paalam. Saglit siyang napatingin sa direksyong pinuntahan ni Levi kasama si Eva at kita niyang nag-uusap ang dalawa na parang matagal ng magkakilala.   “He’d rather be friends with a freak, huh? Psh. Magsama silang dalawa,” bulong nito sa sarili at dumiretsong parking lot. Napatingin si Villaine sa kamay niyang ginamit para pulutin iyong pouch kanina. Napakunot ang noo niya dahil literal na namumula ito na parang napaso ng kaonti.   ‘That little b***h dares to hurt me. Walang newbie ang nakakalusot sa’kin. I’ll give you my welcoming reward.’ Isip-isip ni Villaine habang nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD