Chapter 16: A Witch's Protection

2113 Words
Evanora’s POV Nakatalikod na kaming dalawa ni Levi sa grupo ng mga nakabunggo namin kanina pero nararamdaman ko pa rin ang mga titig ni Villaine na parang tumatagos sa likuran ko. Napahigpit ang hawak ko sa pouch at alam kong mas magtataka siya maya-maya dahil magmamarka ang ginawa ko. It’s my way of remembering my encounters, much more, a demon. Kahit newbie pa ako, kinahiligan ko ang mga lahing kagaya niya ngunit may isa akong hindi maintindihan at baka may makuha akong kasagutan sa inosenteng anghel na kasama ko ngayon. “Eva? Heeeyyy!” tila nagising ako ulit nang yugyugin ni Levi ang balikat ko kaya napatingala ako sa kanya. “Kailangan nating mag-usap nang masinsinan. May alam ka bang lugar na malapit dito na kaonti lang ang tao?” “Meron akong alam na coffee shop sa malapit. Tara at may iilan pa akong katanungan sa’yo.” Tumango na ako at naglakad katabi si Levi. Nagflashback ulit sa’kin ang mukha ni Villaine kanina at tama ngang nakahabol pa ako bilang late enrollee kasi hindi lang isa kundi dalawa o baka mayroon pang ibang kagaya kong hindi pangkaraniwang tao. Ewan ko lang kung sadyang nawawala ang pakiramdam nitong si Levi na hindi rin basta-bastang mortal si Villaine dahil mukhang wala siyang ideya. Nabalik lang ako ulit sa ulirat nang tumigil si Levi sa paglalakad kaya napatigil din ako. “Andito na tayo. Ang ganda ng design nitong coffee shop diba? Kilala ko ang may-ari.” Chalice. Iyon ang pangalan ng coffee shop at mukhang pamilyar ang design ng goblet na kulay gold pero hindi ko na ito natitigan pa ng matagal dahil nauna nang pumasok si Levi sa loob kaya sumunod na rin ako. “Aunt Oriyah, heto nga pala ang bago kong kaibigan na si Eva.” Nakangiting bumati pabalik ang sobrang gandang babae kay Levi ngunit nang dumapo ang tingin niya sa’kin, napawi saglit ang ngiti niya at agad namang nakabawi tsaka ako kinawayan. “Hello, Eva. Kaibigan ka rin ba ni Villaine?” Kilala niya si Villaine? Sabagay, hindi rin pangkaraniwan ang ganda niya kaya baka magkamag-anak sila ni Villaine so ibig sabihin, hindi rin siya mortal? Tanungin ko kaya siya ng direkta pero sabi naman ni ina ay bawal akong magpadalos-dalos lalo na’t walang kasiguraduhan dahil baka ikapahamak lang ng tahimik naming pamumuhay. “Eva?” “Huh? Ah, sorry po. Nagkita kami ni Villaine kanina lang pero sa sama ng tagpo namin, sure akong hindi niya ako ituturing na kaibigan,” nakangiting tugon ko na ikinatawa lang ni Oriyah. Pati tawa niya parang musika sa tenga. Pambihira naman kung karaniwang tao lang siya at ganito ang itsura. Hinakot niya siguro lahat ng blessings pati height ay di rin nagkulang. Haist. Nag-order na si Levi ng iced coffee naming dalawa at pinili naming maupo sa pinakasulok malapit sa isang bookshelf na may sliding glass divider. Mythology. Pandæmonium.Angelogy. Iilan iyon sa mga nabasa ko sa binder ng libro at mukhang makaluma pa ang itsura. Iba rin pala ang hobby nitong si Oriyah at may collection siyang ganito kamamahal. Hindi ba siya takot na manakaw ang ganitong mga libro o baka imitation lang sila? Hmm. “Ilang beses ka ba nags-space out sa loob ng isang araw, Eva?” biglang tanong ni Levi habang iniinom ang kape niya at nakatukod ang isang siko sa kahoy na lamesa. “Sorry. Marami lang akong naiisip tuwing napupunta ako rito sa mundo ng mga tao. Hindi pa ako masyadong sanay makihalubilo.” “Naiintindihan ko. Kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon mo sa ganyang edad, baka malula pa ako sa pamamaraan ng mga tao dito sa lupa. So, ilang taon ka ba Eva?” “In witch years or human years?” “Both.” “89 and 18.” “Wala ka pang 100? Akala ko hindi pa pwedeng maglakwatsa kapag hindi pa umaabot ng 100.” Nagkibit-balikat ako. “Ang pamilya ko ang isa sa pinakamataas sa angkan namin kaya may exeptions. Ikaw nga ang agang pinatapon dito sa lupa eh, little angel.” Agad sumimangot ang mukha niya pagkatawag ko sa endearment na iyon pero ang unfair ulit kasi sobrang gwapo niya pa rin kahit nakasimangot. Ano nga bang ineexpect ko sa isang anghel ni kupido? “Sabing huwag mo’kong tawaging little eh. Lagpas 6 feet kaya ang height ko!” pagmamaktol niya tsaka kinagat ang straw ng kape bago uminom ulit. “Tatawagin kitang little angel kahit kelan ko gusto, little angel. Iyan na ba ang mukha mo doon sa langit?” curious kong tanong habang pinagmamasdan ang features niya. Pansin kong mag-iiba ang kulay ng mga mata ko kaya mariin akong pumikit saglit at nagbilang ng ilang segundo pero pagkadilat ko, sobrang lapit na ng mukha ni Levi kaya naipitik ko ang kanang kamay ko dahilan para matapon sa mukha niya iyong kape. “Hala, sorrryyy!” taranta akong napatayo para punasan sana siya pero natawa lang ito at kumuha ng tissue sa mesa. Maya-maya, lumapit si Oriyah sa’min para abutan ng panyo si Levi. “Akala ko sa o away ng magjowa lang nagaganap ang tapunan ng kape rito ah, pati pala sa inyo.” Pabirong sambit ni Oriyah pero tiningnan niya ako ng makahulugan bago tuluyang umalis. Ang weird o baka ako lang? Kaso natapunan ko nga pala ng kape si Levi. Aish! “Pasensya na talaga. Mabilis kasi akong magpanic pag nagugulat.” “Okay lang basta’t alam ko na ang experty mo kahit hindi pa masyadong expert. Telekenesis. Ang cool!” na-eexcite na sambit niya na parang hindi siya natapunan ng kape. Hindi ba marunong magalit ang mga anghel o baka mabait talaga siya bilang tao? “Shh! Hinaan mo ang boses mo, little angel!” “Walang ibang makakarinig tsaka kung meron man, sa tingin mo may maniniwala? Nagmukha nga akong sira nung umamin ako kay Villaine na isa akong anghel ni kupido eh,” napasimangot ulit siya bago pinagkrus ang dalawang braso. Doon ko ulit naalala ang pinunta namin dito at kung bakit kailangan naming mag-usap ng masinsinan. Si Villaine. “Gaano katagal mo na siyang kilala at bakit ka dumidikit sa kanya, little angel?” pasimula ko. “Ang direct to the point naman Eva pero kakatagpo pa lang namin ulit at kilala ko na siya nung nasa langit pa ako tsaka, may misyon ako.” “Anong misyon mo?” Sumeryoso ang mukha niya sa tanong kong iyon at tiningnan ako nang diretso sa mga mata. “Gumagamit ka ba ng black magic, Eva? Kasi nasaktan mo si Villaine kahit mortal siya at hindi kita mapagkakatiwalaan kung nakakaya mo siyang saktan. Importante siya sa’kin.” Medyo nagulat ako sa tono ng pananalita niya. Mukhang pwede palang galitin ang isang anghel sa puntong ito dahil parang handa siyang isumbong ako sa mga makapangyarihan kung sakaling gumagamit ako ng black magic kaso hindi. Hindi ako ang may mali kundi si Villaine. “Isa akong white witch kaya hindi ako gumagamit ng kahit anong hex o black magic para makapanakit ng inosenteng tao.” “Kung ganon, ba’t mo nasaktan si Villaine?” “Tanong sa tanong, sagot sa sagot, little angel. Ano munang misyon mo rito sa lupa?” “Hindi ko masasagot ang tanong mo kung hindi kita pagkakatiwalaan kaya sagutin mo muna ako.” “Pwes, hindi tayo matatapos kasi hindi rin kita pagkakatiwalaan kung isa ka ngang fallen angel na nagkasala ng malaki kaya sinadyang pinatapon dito.” “Hindi nga sabi ako fallen angel kasi mabait ako! May masama bang anghel si kupido na diyos ng pag-ibig ha, Evanora?” medyo sarkastikong sagot niya.      “Aba, uma-attitude ka na ah! Mukhang nahahawa ka na sa kasamaan ni Villaine!” “Sorry to interrupt pero narinig ko kasi ang pangalan ni Zix. I think you’re highly mistaken, young lady.” Napatigil kaming dalawa pagkarinig sa boses ni Oriyah at pansin kong kaming tatlo na lang pala ang nasa loob ng coffee shop. Nagpupunas siya sa kabilang lamesa kaya siguro narinig niya ang bangayan namin nitong makulit na anghel na ‘to. “I treat Zix like my own family kaya may karapatan naman siguro akong tutulan ang bintang mo sa kanya, don’t you think, Eva?” Ewan ko kung ako lang ulit pero may kung ano sa boses niyang nai-intimidate ako at bihira lang iyon lalo na’t tao lang siya. Tama, hindi dapat ako matakot sa kanya. “Naiintindihan ko po ang punto mo, Miss Oriyah. Sadyang marami lang akong naririnig na masasamang balita kay Villaine kaya nasabi ko iyon kaya pasensya na,” tapos yumuko pa ako ng bahagya. Kahit papaano, alam ko ring mali ako at kaya kong magpakumbaba para matapos ang usapan. Kailangan ko rin palang kaibiganin si Oriyah para malaman kung bakit umaamo sa kanya ang kagaya ni Villaine. “Not as easy as you think though.”  Nagtaka ako sa sinagot niya pero bago pa man ako makapagsalita, inunahan na ako ni Levi. “Pasensya na sa abala ngayong araw, Aunt Oriyah. Huwag kayong mag-alala at babantayan ko rin si Villaine sa mga masusungit na kagaya nitong bagong kaibigan kong si Eva. Mauna muna kami! Thank you ulit!” Hinayaan ko nang hilahin ako ni Levi palabas ng coffee shop at hindi ko mapigilang mapalingon ulit sa logo nito. Pamilyar talaga pero hindi ko mapagtanto kung bakit.     *** Oriyah’s POV That newbie brat is getting on my nerves. Ayaw na ayaw ko pa naman sa mga ma-attitude na bubwit at lalong ayoko sa mga kagaya niya na umaaligid kay Zix. Masyadong bad influence ang aura pero nakakapagtataka kung bakit hinayaan ang kagaya niyang wala pang kontrola sa sariling kakayahan na magliwaliw dito sa lupa. Hmm. Nawala tuloy ako sa mood at gusto ko munang magbasa muna ng libro kaya binaliktad ko ang signage ng coffee shop bilang ‘Closed’. The entire building is mine anyway. Hinding-hindi ako malulugi. Hinila ko rin ang lahat ng blinds sa paligid para magkaroon ng privacy at kumuha ng isang libro sa shelf tsaka naupo sa sofa katabi ng pintuan. Itinaas ko pa ang mga paa ko at kumportableng sumandal sa likuran ng sofa nang narinig ko ang pag unlock ng door knob. It was no other than Villaine sa paraan pa lang ng pagbukas niya, kilala ko na agad kaya napaayos ako ng upo at babatiin na sana siya nang napansin kong iba may mali sa kanya ngayon. “Are you okay, Zix?” nag-aalalang tanong ko. “My hand. It’s burning though it looks okay. Naiinitan din ako na parang nasu-suffocate.” Doon nabaling ang tingin ko sa kamay niyang bahagyang nanginginig kahit walang visible na sugat pero namumula ang kanang kamay niya. Sabi ko na nga ba at kanina pa ako kinukutuban pagkapasok pa lang nina Levi kanina. “Maupo ka muna rito at may kukunin ako.” Tumango siya kaya ini-lock ko muna ang pinto tsaka dumiretso sa silid ko at binuksan ang cabinet na naglalaman ng mga pwedeng magagamit kong panggamot. Bawat bote ay may label na ako lang ang nakakaalam at nang nakuha ko na ang hinahanap, dumiretso ako sa kusinang konektado sa counter ng coffee shop para magtimpla ng red tea. Nilagyan ko ito ng kaonting gamot mula sa boteng hawak ko tsaka dinala na iyon kay Zix para ipainom. Kumuha na rin ako ng cold compress para sa kamay niya kahit alam kong useless ito. “Anong nangyari Zix?” “I don’t know. Some freaky newbie bewitched me, is that even sane?” sarcastic niyang pagkakasabi kaya napailing ako. “And who’s this freaky one who bewitched the baddest girl in town?” “Evanorah is the b***h’s name. She has this pouch thing na ewan ko kung ano ang laman pero nang pinulot ko, para akong nakuryente o napaso na ewan. Would you even believe this nonsense, Oriyah? If there’s an illegal s**t in that stupid pouch, I would report her for bringing it to school at sisiguraduhin kong makakatikim siya sa’kin.” “I do believe that you’re pissed right now, my dear Zixovia. Kaya pala ayoko sa aura niya kanina nang bumisita sila rito,” patay malisyang sambit ko at nagkunyaring napapaisip. “Sila? With that self-proclaimed drunkard angel?” “Yep.” “Then don’t let them come in here again. I feel okay now so I’m sleeping. Thanks Oriyah.” Napangiti akong umalis sa couch para maayos ang pagkakahiga ni Zix. Nasa itaas lang ang kwarto niya pero isa ito sa paborito niyang spot kapag sarado ang coffee shop kaya hinahayaan ko lang. Centralized aircon ang buong building para hindi mainitan ang mahal na prinsesa.   The girl needs to calm her seemingly jealous nerves anyway.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD