Night’s POV
It’s a Friday night and Villaine is nowhere to be found. Ngayon sana ang isa sa main events niya para lumaban ulit pero hindi siya sumulpot at hindi rin nag-text kung ba’t ‘di siya makapunta. I am a bit worried kahit gaano pa man kalakas iyon makipaglaban.
“Dude, if you’re worried sick, ba’t di mo nalang kasi tawagan? Para kang tanga kung makatingin sa cellphone mo kada segundo,” pagsasalita ni Stan sa tabi ko habang katabi ang flavor of the night niya.
“Paka pagkamalan akong clingy.”
“Walang malisya sa kanya ‘yon kasi hindi naman kayo magsyota.”
Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa lang ang loko. Minsan kahit magkapatid kami at siya na lang ang bukod tanging pamilya ko, ang sarap niya pa ring bugbugin. Bago pa man ako makaisip ng ganti kay Stan, saktong tumunog ang cellphone ko at akala ko si Villaine ito pero si Aunt Oriyah pala. Agad ko namang sinagot.
“Ba’t napatawag ang pinakadyosa kong tiyahin sa balat ng lupa?” panimula ko nang maisara ang pintuan sa opisina namin ni Stan dito sa LC bar.
(Ang baduy ng tiyahin, Night Perseus. Pag hindi niyo ako tatawing Oriyah or Auntie, itatakwil ko kayong dalawa ng babaero mong kapatid at susunugin ko lahat ng gamit niyo sa itaas.)
Natawa lang ako kasi kahit ilang beses namin siyang asarin nang ganito ni Stan, walang sawa rin siyang napipikon.
“Yes, Goddess Aunt Oriyah. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?”
(Andito si Zix kaya huwag ka nang mag-alala. Nakatulog siya sa sofa ng Chalice.)
“Mind-reader ka ba, Nana? Paano mo alam na hinahanap namin siya?”
(Oh c’mon Night. Imposibleng hindi ko alam ang whereabouts niyo lalo na tuwing biyernes ng gabi pati weekends tsaka huwag mo ng idamay si Stan sa kakahanap kay Zix.)
Of course. Hinding-hindi ko pa nalulusutan ang katalinuhan nitong si Auntie Oriyah. Siya ang bukod-tanging guardian namin ni Stan simula pagkabata at ang nag-iisang pamilyang naiwan.
“Oo na po. Pupunta ako riyan ngayon din, auntie. Pakihanda ako ng pagkain. Salamat!”
Hindi na siya sumagot pa at agad akong binabaan ng telepono. Iba talaga kapag maagang nab-byuda. Ma-attitude. Tssk.
***
Sumakay ako sa motor kong si Knight, oo pinangalan ko siya sa’kin kasi hindi naman maipagkakailangang maganda ang pangalan ko na kasingpogi rin ng motor kong sinundan nung anghel na walang pakpak na karibal ko. Tss. Kailangan ko na talagang bumwelo kung ayaw kong maunahan ng simpleng kaklase lang.
Malamig ang simoy ng hangin at wala ng traffic kaya mabilis akong nakarating sa tapat ng Chalice. Pagkabukas ko ng pintuan, hindi na ito naka-lock at ang unang napansin ko ay ang mahimbing na natutulog na si Villaine.
Saan kaya si Aunt Oriyah? Baka tulog na. Buti naman nang may pagkakataon akong pagmasdan ang mahal na prinsesa. Maingat akong kumuha ng upuan sa isang mesa at itinapat it okay Villaine. Pansin ko ring may benda ang kanang kamay niya. Napaaway ba siya nang hindi namin alam? Kamusta kaya ang araw niya?
“It is rude to stare. Baka malusaw iyang si Zix my beloved nephew,” may nagsalita mula sa likuran at pagkalingon ko, ayon nga si Aunt Oriyah at nakasuot pa ng cooking gloves. Nagluluto pala siya kahit gabi na. Iminwestra niya ang kanyang kamay para sundan ko siya sa kusina at sumunod na rin lang ako kesa magising namin si Villaine na mahimbing ang tulog.
Pagkaupo ko sa kitchen counter, saktong binuksan ni Aunt Oriyah ang oven at umalingawngaw ang bango ng kung anumang niluluto niya.
“Para sa’kin ba ‘yan, auntie?”
“Hindi lahat. Dalhan mo rin ang babaero mong kapatid. Here, eat up. Nangangayat ka na kakalakwatsa.”
“Grabe naman ang term na lakwatsa goddess auntie. Huwag mo na akong sermonan ngayon kundi magkaka-wrinkles ka,” pagbabanta ko sa kanya kaya agad nanlaki ang mga mata niya at mabilisang napalitan ng maamong ngiti ang pagkasimangot. See, takot siya sa wrinkles. Hah.
Habang kumakain ako, naupo siya sa tapat ko habang umiinom ng black brewed coffee.
“Hindi na kayo umuuwi rito. Pag ako talaga kinalimutan niyo, isusumbong ko kayo kay Olivia at Constance.”
Natawa ako sa tampo sa boses niya at sa akmang pagsusumbong sa mga magulang naming namayapa.
“Kahit kelan talaga, sobrang matampuhin niyo goddess auntie. Ba’t hindi ka nalang kasi mag-asawa ulit? Pero dapat kikilatisin naming tatlo ni Stan at Zix kung mangyayari man ‘yon.”
“Stop meddling with my lovelife, kiddo. Super faithful ako sa asawa ko kahit wala na siya sa mundong ibabaw. Kesa ako ang kulitin mo, ba’t kasi hindi ka pa umaamin kay Zix?”
Napainom ako ng tubig tsaka sumenyas na hinaan niya ang boses kasi baka marinig nga ni Villaine.
“Auntie naman! Takot akong mabasted. Kilala nating dalawa si Zix at kung gaano siya kailap.”
“Really? Kung ganoon nga siya kailap, paano niya nagawang kaibiganin si Levi? Have you met the new guy? I’m quite fond of him actually. Dinala siya rito ni Zix kahapon.”
Pagkarinig ko nun, agad kumunot ang noo ko dahil mukhang hindi nga nagbibiro si auntie. Pati ba naman dito, nakabuntot ang lalaking ‘yon?
“Nakilala mo siya? Huwag mong kaibiganin ‘yon, auntie. Karibal ko siya kay Zix at walang dudang mas gwapo pa ako dun.”
“Gwapo rin ang batang iyon. Hindi nagkakalayo sa inyo ni Stan na tinaguriang mga prinsipe ng karamihan. I think you’re getting left out, Night. Kung ako sa’yo, kumilos ka na ngayon din.”
Kung matatalo man ako, hindi pwedeng walang laban kahit nakikita ko ng malabo. Tama si auntie dahil mas dehado ako sa kakapal ng mukha at kakulitan nung si Levi. Kailangan ko rin bang maging makulit? Pero hindi ako ganon.
“Just be yourself.”
“Huh?”
“Your face says it all. Subukan mong yayain si Zix ng date. First step.”
“Paano pag tumanggi auntie?”
“Paano pag hindi? Malalaman mo ba pag ‘di mo itatanong?”
“Pero kasi…”
“Wala ka bang tiwala sa kagwapuhan mo ha, Night Perseus? Huwag mong sinasayang ang magandang lahi natin. My gosh, sa ganda kong ‘to, kahit hindi ganoon kagwapo ang uncle niyo, nakuha niyang maging first in line sa dami ng manliligaw ko nung kabataan.”
“Sus. Nakita ko kaya ang picture ni uncle at sobrang kisig na lalaki. Baka ikaw pa ang nanligaw sa kanya auntie, wag ka nang mahiya.”
Sa sinabi kong ‘yon, sumimangot ulit ang mukha niya kaya natawa ako.
“Night? Anong ginagawa mo rito?”
“Zix! Kanina ka pa riyan?” tarantang tanong ko at napatayo mula sa upuan upang harapin siya na kumukusot pa ng mga mata. Doon ko ulit napansin ang benda sa isang kamay niya na nakalimutan kong itanong kay auntie.
“Got thirsty.”
Iyon lang ang sinabi niya at dumiretso sa ref tsaka nagsalin ng tubig sa baso niya.
“Gusto mo bang kumain muna bago matulog ulit, Zix?”
“Nah, I’m full thanks. Punta na ako sa kwarto ko.”
Napalingon ako kay auntie at marahan siyang tumango kaya kahit kinakabahan, sinundan ko si Villaine bago pa man siya makaakyat sa taas.
“Zix, teka.”
“Ano? You need something?”
“Uhh… kasi ano. May gagawin ka ba bukas?”
Napataas siya ng kilay na may pagtataka sa mukha na parang sinasabing ano nga bang kailangan ko bukas at ba’t ko pa tinatanong.
“Kasi… magpapasama ako. Tama! Magpapasama ako.”
“Can’t you go with Stan?”
“Hindi raw siya pwede at may lakad siya bukas. Pwedeng ikaw nalang, please?”
“You’re acting weird, Night. You on drugs tonight?”
“No, hindi ah! Kinakabahan lang.”
“You’re going in circles. Ano nga kasi?”
Shit. Ang hirap. Akala ko sakto na ang lakas ng loob ko pero hindi pala talaga madali. Bago pa ako makapagsalita ulit, humikab na si Villaine.
“I’m really sleepy. Talk to you later.”
At ayon na nga. Wala na akong nagawa pa kundi kumaway sa kanya. Napasapo ako sa noo at naisipang dito na lang din matulog ngayong gabi. Kailangan kong makapag-isip kung paano ko haharapin ulit si Villaine bukas. I need to be first in line kaso hindi ko alam kung paano manligaw. Argh. Kainis!
***
Constantine’s POV
Kanina pang nakaalis ang torpe kong kapatid at sigurado akong si Zix ulit ang pupuntahan niya nang mag-text si auntie kanina. Kung gayahin na lang niya sana ang lifestyle ko, mas masaya pa kaso mas pinipili niyang magpapakaulol sa isang babae and much worse, kay Villaine Zixovia, ang nag-iisang prinsesa naming tinuturing na hindi nangangailangan ng prinsipe.
“Babe, ba’t hindi mo ako kinakausap? Nabo-bored ka ba sa’kin?” nakapout na tugon ng babaeng katabi ko ngayon. I think her name’s Ellie? Ella? Elise? Ewan at wala nakong pakialam basta’t siya ang putahe ko ngayong gabi.
“Napaisip lang ako kung saan kita pwedeng dalhin ngayong gabi. I want us some privacy away from this crowd,” bulong ko sa tainga niya. She giggled in delight tsaka yumakap sa’kin at naglakbay ang isang kamay niya paibaba. Shameless, isn’t she? Just my type.
“I would love that babe,” sambit niya ulit at akmang aabutin ang labi ko para humalik pero dahil maliit siyang babae, ang leeg ko lang ang kaya niyang abutin na sinimulan niya ring halikan at hindi siya nagreklamo nang hapitin ko siya sa beywang para mas mapalapit sa’kin.
She is currently planting a hickey on me when my eyes caught this emo girl in the middle of my crowd, somewhat searching. Nakasuot siya ng puting shirt na sinapawan ng denim jumper at naka sneakers na puti rin. Is this a lost minor inside my bar? Ang liit niyang babae but looking at her front and when I had a better view of her back, she looks like a grown woman to me and I’m sure I’m not mistaken but I can’t see her face. Natatabunan ng bangs sa pixie cut niyang buhok pero kahit makulay ang ilaw dito sa loob, klarong-klaro ang kutis niyang mala-porselana. Interesting. I might want a more behaved girl tonight.
“I think that’s enough for tonight, babe. Drinks are still on me,” nakangiting tugon ko sa babae na agad akong sinimangutan at lalong nagmukha siyang clown dahil sa smudged lipstick.
“Uuwi na ba tayo sa bahay mo, Stan?”
“No, I’m rejecting you tonight. May nakita lang akong iba. Catch up later!” kumaway pa ako at hinanap ulit ang maliit na babaeng naka-jumper.
“Asshole!” rinig ko pang sigaw nung nagbigay ng chikinini sa’kin. Oh well, at least nagka-chance pa siyang matikman man lang kahit leeg ko. Libong-libong babae ang nangangarap na kunin ang atensyon ko kaya dapat pa niya akong pasalamatan. I am like a living God. Tama na nga muna ang kakapuri ko sa sarili ko at nawala nga bigla iyong babae pero dahil kabisado ko naman ang lugar, hindi ako nahirapang matagpuan ulit siya sa may casino. Akmang may kakalabitin pa siyang top bidder ko pero nasangga ko na ang kamay niya. Hindi ko kilala ang lalaking nakatalikod pero ang mga taong nakaupo sa area na ito ay VIP.
“Don’t disturb my player sweetheart,” bulong ko sa kanya at hinila siya palayo sa casino, patungo sa hindi mataong sulok.
“Sino ka ba at ba’t ka nakikialam?” galit na bulyaw niya matapos hilahin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
“Feisty little girl. Akala mo ba playground itong bar ko?”
“Bar mo? Isa ka ba sa mga lalaking nagkukunyaring may-ari para makakuha ng babae? FYI, hindi kita type!”
Natawa ako sa sinambit niya dahil isa iyong malaking joke. Wala pang hindi nagkaka-type sa’kin lalo na sa loob mismo ng teritoryo ko.
“You might actually be my type for tonight. What’s your name?”
Mukhang gulat pa siya sa pagiging straightforward ko at nangungutya niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Wala akong panahon para sa mga katulad mo kaya tigilan mo’ko, okay? Go find someone else to f**k. Manyak!”
Amusing. Natawag akong asshole at ngayon naman, manyak. Mas matindi pala ang manyak pero medyo may katotohanan naman kaso pwede pang kamanyakan with consent. Pasado siguro ano?
“Teka lang, Snow White!” iyon ang tinawag ko sa kanya kaso hindi na niya ako nilingon at binalikan iyong lalaki kanina na kulay blonde ang buhok na tantsya ko ay chinese or taiwanese. Ito ba ang mga tipo ni Snow White? An ex-boyfriend, perhaps?
Hindi ko narinig ang sinabi niya pero kita ko ang gulat sa mga mata nung lingunin siya nung lalaki bago ito napatayo sa kinauupuan. Nanatili akong naka-obserba mula sa di kalayuan hanggang sa sumenyas iyong lalaki sa exit ng bar ko sa likod.
“Alam mo ang responsibilidad mo at kailangan mong magbayad kundi---”
“Oo, alam ko! Wala akong planong takasan kayo pero kailangan ko pa ng oras. Pupwede bang humingi ulit ng palugit kahit isang buwan pa?” magaling naman palang magtagalog si intsik kaya paniguradong matagal na rin siya rito sa Pinas.
“Palugit ang hinihingi mo pero sinusubukan mo kaming takasan? Sinong niloloko mo?”
“H-Hindi talaga! Kahit ibigay ko pa ang buong address ko ngayon, gagawin ko! Isang buwan please, Miss Eva!”
Eva, huh? Iyon ang pangalan ni Snow White pero ang nakapagtataka lang, kung utang pala ang sinisingil, ba’t mukhang takot na takot itong lalaki sa liit ng kaharap niya? What a coward man. Ano bang trabaho nitong si Snow White? Nasa lending company? 5/6? Anak ng loan shark? Mhmm.
“You.”
“Me?!” nasambit ko bigla sa gulat nang makita ko na siya sa harapan ko habang nakatago rito. Tapos na pala silang mag-usap dahil nawala na ‘yong lalaki. Napatikhim ako at umayos ng tayo tsaka hinarap ulit siya at saktong lumakas ang ihip ng hangin kaya nahawi ang bangs niya sa mukha at naaninag ko ang buong mukha niya saglit.
Wait. I think her other eye is with a different color or baka namalikmata ako? Hindi ko na natitigan pa nang natakpan ulit ang halos kalahati ng mukha niya ng bangs.
“Sinusundan mo ba ako?”
“Nope. Sinundan ko ‘yung lalaki dahil baka anong gawin mo. Concerned citizen here. Saan na pala ‘yon?”
Umirap siya at akmang iiwan ulit ako pero tumakbo ako sa harapan niya para humarang sa daan. Why on earth am I doing this though? Curiosity, I guess.
“Stan darlinggg! We have guests!” pagkalingon ko sa may exit, nakilala ko agad ang isa sa mga regulars ko na paniguradong may mga babaeng ipapakilala ulit sa’kin. Tumakbo siya papalapit sa’kin at binati ako ng halik sa labi.
I was about to decline but when I looked at where Snow White was, nawala na siya.
What the… saan na ‘yon?
‘Stupid Casanova Dwarf!’
Shit. Parang may narinig pa akong bulong pero iba ang sinasabi nitong si Jane habang hinihila ako pabalik sa loob ng bar.
Baka lasing lang ako o sa utak ko lang ‘yon. Iba ang tama ng tequila ngayong gabi.
Kaka-snow white ko ‘to eh. Tsk.