"A-ang ate ko, kumusta siya?" kinakabahang tanong ni Krystal kay Christof. "She's safe. Isa siya sa mga dinala sa hospital para malapatan ng paunang lunas," tugon ni Christof. Parang nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Krystal sa narinig. Nakahinga siya ng maluwag at kahit papa'no ay nabawasan ang bigat na nararamdaman niya gayundin sina Alejandro at Sonia. "How about Henry? Nahuli ba siya?" Curious na tanong ulit ni Krystal. Bigla namang nalukot ang mukha ni Christof at napatiim-bagang. "No, nakatakas daw. Maging ang Bar ay ni-raid na din pero wala din daw si Henry doon." disappointed na sagot ni Christof. Napailing maging sina Alejandro at Sonia. Maya maya pa'y nagpaalam na ang dalawang matanda na lalabas sandali upang sa veranda na mag-usap at magpahangin na rin. Nabawasan man

