Kanina pa napapansin ni Christof ang kapatid na si Christian, nangingiti itong mag-isa habang nakakatitig sa screen ng laptop nito. Curious na nadako ang paningin niya sa tinitingnan nito. Isang litrato ng babaeng naka-uniform ang nasa screen, o mas maiging sabihin na nasa wallpaper ng laptop nito. "Sino yan?" may ideya man siya kung sino 'yon ay tinanong niya pa rin ito para makumpirma kung tama ba ang hinala niya. Hindi naman siya kinibo ng kapatid, sinilip niya ang ginagawa nito ngunit gaya kanina ay nasa larawan ng babae ang paningin at atensyon ng nakababatang kapatid. Napailing iling siya sa nakita. Bihirang magkagusto ang kapatid niyang iyon. Sa idad na 20 ay isang beses pa lang ito nagpakilala sa kanya ng babae. Siya din kasi ang tanungan nito kung paano lumigaw at mapansin ng n

