Naramdaman ni Krystal ang malambot na pinaglapagan sa kanya. Nagulat siya sa huling tinuran ni Henry pero hindi siya nagpahalata. Ipinagpatuloy niya ang pagpapanggap na nahimatay. "She's pretty, isn't she?" boses 'yon ni Henry. Naramdaman ni Krystal ang pagdantay ng mga kamay nito sa kanyang pekeng mukha. "Oo boss, simple pero katakam-takam!" bulalas naman ng isang lalaki. "This face looks familiar to me," mahiwagang saad ulit ni Henry. "T-talaga boss? Pero ngayon lang naman tayo nagawi dito sa Batanes." takang tanong ulit ng isang lalaki. "Yeah, I know that. I just feel something strange. " bahagyang diniinan ni Henry ang pagkakapisil sa baba ni Krystal. "W-what do you mean, boss?" "Just be prepared." dominanteng utos ni Henry sa lalaki. "Yes boss!" mabilis na tugon naman nito. N

