Kitang-kita ni Christof mula sa kabilang building ang pagbagsak ni Krystal sa lapag gamit ang telescope niya. Agad na tiningnan niya ang pinanggalingan ng bala, hindi siya nagkamali, nasa katabing building niya lang ang sniper na bumaril kay Krystal! Parang nakabantay na talaga ito doon. Nakadapa ito at tanging ang ulo nito ang natatanaw niya. Mabilis na kumilos si Christof, inihanda niya ang M39 riffle at itinutok ito sa sniper. Nahihirapan siyang asintahin ang ulo nito dahil sa magalaw iyon, idagdag pa ang katotohanang natamaan nito si Krystal. Gusto niya ng takbuhin ang dalaga at iligtas ito pero mas magiging delikado para sa kanilang dalawa kung hindi niya muna tatapusin ang sniper ni Henry. "Steady...steady.." malumanay na sambit niya sa sarili. Buo buo na ang pawis sa kanyang noo d

