Matapos makapagbihis ay inilapag ni Henry sa tapat ng hinang hinang dalaga ang cheque, kalahating milyon ang nakasulat doon, "Sabihin mo sa 'kin kung may iba ka pang gusto,"anang matanda habang hinahalikan ang bawat latay na lumapat sa katawan ni Ryza. Hindi naman kumikibo si Ryza. Wala pa rin itong saplot na nakadapa habang umiiyak sa sakit nararamdaman. Nilumukos ng dalaga ang cheque na inabot ni Henry sa kanya bago 'yon ibinato sa lapag. "Hindi materyal na bagay o maraming pera ang kailangan ko!" Galit na bulalas nito sa pagitan ng paghikbi. Napaangat si Henry mula sa pagkakalapat ng mukha at labi sa katawan ng dalaga pagkarinig sa sinabi ni Ryza. "Gano'n ba, sabihin mo sa 'kin, sino ang kailangan mo?" Pansamantalang nanahimik at nag-isip si Ryza bago muling nagsalita. "Si Chris

