Matapos maihatid si Krystal sa tutulugan nito at masigurong napalitan ng maayos ng mga nurse na babae ang damit ng dalaga ay pansamantala niya itong iniwan, siguradong bukas pa ito magigising. Hiling ni Christof na sana ay maunawaan siya nito sa ginawa niya. Tinungo ng mga paa ni Christof ang office ni Adolf. Kailangan niya itong kausapin at makumbinsi.. Marahang binuksan ni Christof ang pintuan ng office ni Adolf, sapat lang para matanaw ang doktor na noo'y nasa loob, nakita niyang nakaupo ito sa swivel chair habang kausap si Henry sa selpon. Nanatili siyang nakikinig lang sa tapat ng pintuan, nang matapos sa pakikipag-usap ang doktor ay walang paalam na pumasok siya sa loob at naupo sa silyang katapat lang ng lamesa nito. Nagulat man ay hindi nagpahalata si Adolf, nginitian pa siya

