"Ate," malumanay na tawag ni Krystal sa ate niya habang sinusuklayan ito ng buhok. Nasa garden sila ng Trauma Center at kasalukuyang nagpapahangin. "Uhm." Mula sa pagkakatitig sa mga paru-paro ay humarap ito at tumingin sa kanya ng nakangiti. "B-baka hindi ako makadalaw ng isang linggo, may kailangan lang akong tapusin," anang dalaga. "Gano'n ba," kumilos si Joy at hinawakan ang mga kamay ng kapatid, "Walang problema, wag mo kong alalahanin. Safe ako dito." nakangiti nitong tugon. Noon din ay gumanti ng ngiti si Krystal at marahang pinisil ang mga kamay ng ate niya. "Pagbalik ko, hindi na tayo ulit magkakalayo." seryosong sambit ni Krystal. "Aasahan ko yan, sige ka." natatawang sambit ni Joy. Umusog si Krystal sa tabi ng ate niya at niyakap ito ng mahigpit. "Magsisimula tayo ulit,

