Lumipas ang ilang araw pero hindi na nagpakita pa ulit si Christof kay Krystal. Makailang beses na rin niyang sinubukang kontakin ito pero madalas na out of coverage ang number ng binata at kung minsan ay hindi nito sinasagot ang tawag niya. Aminado si Krystal na nalulungkot siya at gusto niya sanang makausap man lang ang binata para kumustahin ito. Samantala, tumagal pa ng ilang araw sa hospital si Joy bago ito tuluyang inilipat sa Trauma Center upang doon ay gamutin ang ilang emotional at psychological problem na bunga ng ilang taong pananatili niya sa Underground Hospital at bilang Host sa pagbuo ng baby. Sinisiguro naman ni Krystal na araw araw niyang binibisita ang ate niya at kinukumusta ito habang patuloy siyang naghahanap sa nagtatagong si Henry. Patuloy silang nangangalap ng i

