3rd Confrontation

2028 Words
TYRUS couldn't believe the range of emotions this Lilac Alonzo managed to make him feel in less than ten minutes. For a pure mortal, that was a feat. Nang dumating si Lilac, una niyang naramdaman ang gulat dahil sa mabilis at malakas na pag-atake nito kina Hyacinth at Saffron gamit ang orasyon ng mga malalakas na salamangkera. Pangalawa, nakaramdam siya ng paghanga nang hindi natinag si Lilac sa pagbabanta ni Onyx. Nadagdagan 'yon nang ihagis pa ng babae ang mayabang niyang tauhan. Naramdaman niyang hindi niya ito mapipigilan kaya hindi na siya nagtangkang kumilos. Sa kabutihang palad, hindi rin kumilos ang kakambal niyang si Eton at gaya niya, binantayan lang din nito ang mortal. At pangatlo, awa. Nang sumigaw si Lilac na puno ng sakit at bumagsak ito habang umiiyak, nakaramdaman siya ng kirot sa puso niya. Nang magsimula naman ang mortal na buhayin si Marigold Hamilton, parang may sumuntok na sa dibdib niya. Dahil do'n, natinag ang damdamin niya. Kaya nga pinigilan na ni Tyrus si Lilac sa ginagawa nitong orasyon. Totoo ang sinabi niyang madudurog na ang puso ni Marigold Hamilton kapag hindi pa ito huminto. Ginawa niya 'yon dala ng simpatya. Empathy was something he thought he had forgotten a long time ago. Hindi tuloy niya alam kung ano ang mararamdaman ngayong binuhay ni Lilac ang isang klase ng emosyong hindi siya komportableng maranasan uli. "Hindi na dapat ako umalis sa tabi mo," umiiyak na bulong ni Lilac kay Marigold. Muli, may sumuntok na naman sa dibdib ni Tyrus. Hindi niya gustong marinig ang bulong ni Lilac sa kaibigan nito. Pero dahil sa matalas niyang pandinig, hindi niya naiwasan 'yon. "I'm sorry, Marigold. I should have protected you while keeping you beside me. I'm so sorry..." Hindi alam ni Tyrus ang nangyayari sa kanya, pero kusang umangat ang kamay niya at akmang ipapatong 'yon sa balikat ni Lilac. Pero nanigas siya na parang estatwa nang bigla na lang bumangon ang mortal mula sa pagkakayakap sa kaibigan nito, sabay lingon sa kanya. He was stunned by her wonderful ash gray eyes. When she entered the condo, he was sure that she had dark orbs. But right now, they were the color of one of the lightest shades of gray he had seen in his long life. It felt like he was staring right through the window of her soul. He could almost see dark forming clouds, and the tears falling from her eyes seemed like tiny raindrops. Beautiful, yet sad. "Ilang half-breeds ang kasama mo?" deretsang tanong ni Lilac sa kanya. Irritation. That was the fourth emotion this mortal made him feel in a span of eight minutes. Binaba ni Tyrus ang kamay niya na balak sanang makisimpatya sa Lilac Alonzo na 'to, pero mabuti na lang at mabilis siyang natauhan. Nagtagis ang mga bagang niya habang kinakalma ang sarili. Hindi nga rin niya alam kung bakit sumagot pa siya sa mortal na 'to. "Lima kaming Bloodkeepers na nandito ngayon. You knocked three of us down, so only my brother and I are left standing." Kumunot ang noo ni Lilac, pagkatapos ay may itinuro ito sa tabi ng salaming bintana. "Then, who's that half-breed?" Nagsalubong ang mga kilay ni Tyrus at nilingon ang tinuro ni Lilac. Pero wala siyang nakita o naramdamang ibang Bloodkeeper sa paligid. Imposible namang may makita o maramdaman ang isang mortal na hindi niya kayang tukuyin. He was a squad captain, for f**k's sake! "You're just hallucinating," deklara ni Tyrus. "Alam kong shocked ka sa nangya– hey!" Tumayo si Lilac at tumakbo ng mabilis papunta sa salaming bintana. Napatayo rin si Tyrus nang bigla-bigla ay may naramdaman siyang malakas na Bloodlust sa direksyong tinatakbuhan ni Lilac. Without thinking twice, he ran after her fast, then grabbed her by the waist and used his own body to protect her. If he had been a minute too late, she would have been badly hurt. Sa paghakbang kasi ni Lilac kanina, biglang nabasag ang bintana at nagtalsikan ang mga matatalim at matatalas na piraso niyon na ngayon ay nakabaon sa likod at iba pang parte ng katawan niya. Pero hindi naman siya nakakaramdam ng sakit kaya bale-wala lang ang mga 'yon sa kanya. "I can't breathe!" reklamo ni Lilac mayamaya. Nang tumingin si Tyrus pababa kay Lilac, no'n lang niya napansin na nakapalupot pala ang mga braso niya sa mga balikat ng babaeng mortal. Hindi niya alam kung mahigpit ba 'yon para sa payat at malambot nitong katawan, pero para sa kanya, sapat lang ang lakas na ginamit niya para maramdaman ang malaking pagkakaiba ng isang babae at isang lalaki, mortal man o hindi. Lilac's softness was a beautiful contrast to his solid body. And this mortal smelled so sweet that she was actually making him feel thirsty, which no mortal had ever made him feel before. Labag man sa kalooban niya, bigla siyang napatingin sa payat at maputing leeg ni Lilac. Dahil sa maputlang balat ng mortal at matalas niyang paningin, nakikita niya ang mga ugat nito kung saan dumadaloy ang dugo ng babae na para bang napakasarap inumin... Bigla siyang sinampal ni Lilac sa pisngi ng pagkalakas-lakas. Siyempre, hindi natinag si Tyrus dahil ang pakiramdam ng palad ni Lilac sa pisngi niya ay para lang may paru-parong dumapo sa mukha niya. But he was absolutely shocked that a mere mortal slapped a Bloodkeeper like him. A squad captain at that. Napangiwi si Lilac, halatang nasaktan ang kamay. Ang ginawa nitong pagsampal sa kanya ay katumbas naman ng paghampas sa isang bakal na poste. Mangiyak-ngiyak na nga ito sa sakit. She even held her right wrist as if she was nursing the pain. "Puwede mo ba kong dalhin sa rooftop?" The desperation in her voice and the pain in her eyes snapped him out of his trance. Niluwagan na ni Tyrus ang pagkakahawak niya kay Lilac, saka niya binuhat ang babaeng mortal. Nilingon niya si Eton na sing bato niya rin, pero tumango ang kakambal niya na para bang sinasabing ito na ang bahala sa biktima at sa mga kasamahan nilang wala pa ring malay. Without further ado, he bolted out of the room while carrying Lilac in his arms. Sa emergency exit niya piniling dumaan. Ginamit din niya ang mala-kidlat niyang bilis para akyatin ang hagdan papuntang rooftop. Sigurado naman siyang mas mabilis siya kaysa sa elevator. Sa sobrang bilis niya siguro kaya biglang pinalupot ni Lilac ang mga braso sa leeg niya at sinubsob nito ang mukha sa dibdib niya. Napalunok naman si Tyrus. Ngayong ganito kalapit si Lilac sa kanya, mas lalo niyang naaamoy ang matamis nitong dugo. Hindi nga lang niya alam kung ilusyon lang ba niya o ano, pero parang naririnig na rin niya ang malakas at mabilis na t***k ng puso ng mortal na babae. Or was it his own? "Bakit mo nasabing sa rooftop papunta ang bampirang nakita mo?" tanong ni Tyrus para maiba ang direksyong tinatahak ng mga iniisip niya. "Nakita ko siyang nagpunta sa balcony pagkatapos niyang basagin ang bintana," sagot naman ni Lilac na napansin niyang mas humigpit ang yakap sa kanya na parang natatakot ito sa bilis nila. "Pagkatapos, nakita ko naman siyang tumalon pataas. Malakas lang ang kutob ko na sa rooftop siya papunta. May helipad ang building na 'to kaya naisip ko na puwedeng may escape route siya ro'n. O baka mas madali para sa mga tulad niyo ang magtatatalon sa mga building kaysa maghabulan sa kalsada kung saan maraming mga ordinaryong mortal ang posibleng makakita sa inyo." Tumahimik si Tyrus. Hindi niya aaminin, pero humanga siya sa talas ng pag-iisip ni Lilac. Kung magsalita ito, para bang kilalang-kilala nito ang mga tulad niyang may lahing-bampira. "We're here," anunsiyo na lang niya, saka niya binagalan ang takbo niya bago siya tuluyang huminto. Then, he kicked the door open. Helipad nga ang rooftop pero wala namang nag-aabang na chopper gaya ng inaasahan niya. Wala rin siyang maramdaman kaya naglakad siya papunta sa gitna ng rooftop. "No one is here." Nag-angat ng tingin si Lilac at tumingin sa paligid na parang may hinahanap. Pagkatapos, tumingala ito. Ilang segundo itong nakatitig lang sa itaas hanggang sa bigla itong suminghap. "Above us!" Wait, what?! Sa pagkagulat ni Tyrus, piningot ni Lilac ang kaliwa niyang tainga na para bang sinasabi nitong sa direksyong 'yon siya tumalon. Labag man sa kalooban niya, sumunod ang katawan niya sa tahimik na utos ng babae. Pero nagpapasalamat siya na ginawa niya 'yon. Dahil sa eksaktong lugar kung saan siya nakatayo ilang segundo pa lang ang lumilipas ay pinagbagsakan ng tatlong mga Bloodsucker na halatang uhaw na uhaw at wala sa sarili. Black eyes with golden pupil, frenzied thirst for blood, barcode marks on the neck. It's time to work. Maingat na binaba ni Tyrus si Lilac, saka siya pumuwesto sa harap ng babae para protektahan ito mula sa mga Bloodsucker na masama ang tingin sa mortal. Kung siya ngang Bloodkeeper na nasa matinong pag-iisip ay naakit sa amoy ng dugo ni Lilac, ang mga mabababang uri pa kaya ng bampira? "Stay close to me," utos ni Tyrus kay Lilac. Hinawakan niya ang marka sa likod ng tainga niya at inipon niya ang lakas niya sa pagpapakawala ng kapangyarihan niya. "Remove." As soon as Tyrus said the "magic word," he felt his power unleash. Nagdulot ng malakas na hangin sa paligid niya ang pagkawala ng kanyang Bloodlust na nakadirekta sa tatlong mababangis na Bloodsucker dahilan kung bakit humagis ang mga ito at tumama sa balustre ng rooftop. Naramdaman niya ang mabilis na paghaba ng kanyang mga pangil at kuko. Mas doble na rin ang lakas at bilis na taglay niya ngayon. Maging ang senses niya, mas makapangyarihan na. Biglang tumakbo si Lilac palayo sa kanya. Iritadong umangil si Tyrus at nilingon si Lilac. Patakbo ang babae sa isa sa mga sulok ng rooftop at may kung sinong sinuntok sa ere. Pero mukhang tumama naman ang kamao nito sa hindi nakikitang nilalang dahil ang kilos ng mortal, halatang solido. Hindi ito basta nag-sha-shadowboxing lang. Lilac Alonzo was fighting against an unseen enemy and she was actually putting up a decent fight. Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang maramdaman niya ang pagsakmal ng Bloodsucker sa kanyang leeg. Pero bago pa bumaon sa balat niya ang mga pangil ng nilalang ay pinataas na niya ang Bloodlust niya para ihagis muli ang kalaban. Nang nasa ere na ang baliw na bampirang kumagat sa kanya, tumalon siya ng mataas para habulin ito. Bago pa malaman ng Bloodsucker ang nangyayari, nadukot na niya ang puso nito sa mabilis at makinis na pagkilos. The moment he crushed the low ranking vampire's heart in his hand, the bastard turned into ashes and instantly vanished with the wind. Only his clothes with awful smell were left on the ground. Pagtapak pa lang ni Tyrus sa sahig ay sabay na siyang sinugod ng dalawang Bloodsucker na pareho pang umaangil. Pero sa pagkagulat niya, nilagpasan lang siya ng mga kalaban niyang bampira. Mabilis siyang pumihit paharap sa direksyon ni Lilac. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakalutang sa ere ang babae at nakaporma ang mga kamay na para bang may kinakalmot ito. Sa porma ng mortal, para bang may hindi nakikitang nilalang na sumasakal dito ngayon. Ang mas masama pa, pasugod na rin kay Lilac ang dalawang Bloodsucker. Tyrus knew he had to move fast. But just when he was about to run, his knees suddenly went weak. Biglang umikot at nanlabo ang paningin niya. Sa saglit na pagkakataong 'yon, natagpuan na lang niya ang sariling nakaluhod at nakatukod ang mga kamay sa sahig. Dinig din niya ang malakas na pagkalam ng sikmura niya. Gayunman, nilabanan niya ang gutom na nararamdaman niya. Not now. Not ever. I will never drink human blood again! Nang narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Lilac, nag-angat siya ng tingin. Napamura na lang siya sa isipan nang makitang humagis ang mortal at tumama ang likod nito sa pinto ng rooftop. Nang bumagsak ito, hindi na ito gumalaw. Siguro ay nawalan ito ng malay. Ang mga Bloodsucker naman, pasugod na kay Lilac. Sa estado ng katawan ni Tyrus ngayon, siguradong mabagal na siya at hindi aabot sa oras kung tatakbo siya para pigilan ang mga baliw na bampira. Kaya sumigaw siya at pinuwersa ang sariling tumayo sa kabila ng panghihinang humihila sa kanya ng mga sandaling 'yon. Pagkatapos, gamit ang mahaba at matulis niyang kuko, ay hiniwa niya ng malalim ang kanyang magkabilang palad. Saka niya tinapat ang mga 'yon sa dalawang Bloodsucker. At himbis na dugo, apoy na kulay violet ang lumabas mula sa malalim na hiwa ng kanyang mga palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD