Chapter 6. Faye and Stranger

2097 Words
Faye.. Ngumiti ako sa kan'ya, awkward nga lang dahil sa paninitig niya. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano. Tsa'ka kanina pa ako nag-so-sorry pero hindi ko man lang narinig ang boses niya. Kahit man lang sabihin n'ya na "It's okay, or ayos lang." Bahala na nga basta nagsorry na ako. Nagpalinga linga ako para hanapin ang maglola. Nang makitang papaliko na sila namilog ang mata dahil malayo na. Binalingan ko uli ang lalaking kausap na hanggang ngayon titig na titig sa akin. Napalunok ako ng laway dahil mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa uri ng tingin niya. Aminado akong subrang gwapo niya, matipuno ang katawan, matangkad at mabango. Kaya kahit sinong babae mapupogian sa kan'ya. Ako man ay nagagwapohan eh, what if pa kaya ang ibang girls? May pagkaseryoso lang at parang stress ang itsura, pero hindi naman halata. "Pasensya na uli Sir." Saad ko uli at agad siyang tinalikuran para habolin ang sadya ko. Pero nang akmang aalis na ako agad naman niya akong hinila at niyakap. Iyong yakap na subrang higpit at parang ayaw akong pakawalan. Namilog ang mata ko sa gulat kasabay ng pagrarambulan ng t***k sa puso dahil sa ginawa niya. Iyong kaba ko sa dibdib kanina ay mas dumuble pa. Amoy na amoy at nanuot sa ilong ko ang pabango niyang pamilyar. Saan ko nga ba iyon na amoy? Hindi naman ganito ang amoy ni Noah. "Finally your back my wife.... I-i miss you so much Love... I really, really miss you." Halos hirap na hirap niyang bigkas sa katagang iyon at mas lalo pang humigpit ng pakakayakap. "T-teka!... Teka lang sir. N-nagkakamali yata kayo ng akala." Halos hirap ko ring tugon dahil sa higpit ng yakap niya. "Damn no!!! Hinding-hindi magkakamaling tumibok ang puso ko Love.. I miss you." Aniya. Biglang suminghot at humikbi. Nanginginig pa ang buong katawan. Ano bang promblema ng taong to? Hindi ko alam kung maiinis o maawa ako sa kan'ya. Pero nang makita ko ang bodyguard ni Noah na pabalik na kasama ang maglolang hinahanap ko. Kinabahan ako na baka makita kami at maisumbong ako kay Noah. Kaya agad kong tinulak ng malakas ang taong yumakap sa akin. Duble-duble na ang kaba ko sa hindi alam ang dahilan. "I'm sorry sir. Pero baka nagkakamali lang kayo ng akala." Kabadong sambit ko. Nagulat siya sa ginawa ko at nagtataka. Pero wala na akong pakialam nang agad ko siyang tinalikuran. Iilang habang palang ako nang sumigaw siya. "Mrs. Sophie Mae Calliste Gifford!" Maramdaming sambit niya. Napahinto ako, at biglang napapikit ng mata sa biglang pagpintig ng ulo ko. Ang sakit bigla, wag naman sana ngayon. Saglit kong pinakalma ang sarili para maiwasan ang ano mang mangyari. Hindi pweding dito pa ako abotan ng sakit sa ulo. Sunod-sunod akong bumuntong hininga saka lumingon sa kausap. "I'm sorry! But I am Mrs. Faye Dalvin sir!" May diing tugon ko upang ipagmukha sa kan'ya na hindi ako ang taong inaakala niya. Mabilis akong umalis at mulakad para iwanan siya. Hindi ko na siya nilingon pa. Dumarami na rin ang mga tao dahil sa eksina naming dalawa kaya mas mabuting alisan na. Besides if ever man na makita ako ni Noah sa ganong posisyon baka ano ang isipin niya. Nang marating ko ang kinaruroonan ng maglola, ngumiti ako habang sila ay nagtataka. O baka natakot sa paghabol ng bodyguard ni Noah sa kanila? Halata naman sa batang kapit na kapit sa kanyang Lola. "Huwag po kayong matakot Lola. Hindi po kami masamang tao." Sagot ko bago lumingon sa nagbabantay sa akin. Mukhang napagod sa paghabol sa kanila dahil sa mahinang paghingal. "Sa mukha mo hija, hindi. Pero itong taong to oo!" Aniyang sambit habang masamang nakatingin sa bodyguard ni Noah. Ngumiti na lang ako sa tugon ni Lola at agad binigay ang binili ko. "Ano naman ito hija!?" Tanong niyang nagtataka. "Regalo ko po para sa Apo nin'yo." Sagot ko at ngumiti nang lumingon sa akin ang bata. "Naku! Nakakahiya naman sayo hija.. Hindi naman tayo magkakilala pero bakit binigyan mo kami nito?" Tugon naman ni Lola at mabilis sinauli sa akin ang binigay ko. Umiling ako na muling binalik sa kan'ya. "Para po talaga sa inyo yan.. Wala naman po akong anak para magamit yang binili ko. Tanggapin nyo na po ito." Hindi ko alam kung bakit may bigat sa puso ang sinabi kong "Wala naman akong anak." "H-Ha?? Sigurado ka ba hija?" Aniya at agad binuksan ang paper bag. "Wow... Binili n'ya po ang bag kanina La!" Masayang sambit ng Apo ni Lola. Napangiti naman ako sa naging reaksyon ng bata at bakas na bakas sa mukha ang saya, kahit tila ka'y bigat ng pakiramdam ko. Nagpasalamat ang maglola sa akin nang matanggap ang binigay ko. Inabutan ko pa sila ng 5000 pesos para may pang meryinda sila o pamasahe pa uwi. Sa una tumanggi si Lola sa bigay ko pero nang mapilit ko kinuha rin niya habang lumuluha at nagpapasalamat. Nagpakilala rin kami sa isa't-isa at nagkapalagayan ng loob. "Magpapakabait ka sa Lola mo Aning huh!? At laging susundin ang utos niya maliwanag ba?" Payo ko sa Apo ni Lola Dolores. "Opo ate Faye. Salamat po uli sa regalo, sana po magkita po uli tayo." Magiliw niyang bigkas. "Malay mo magkita pa nga tayo. Pakabait ka!" Tugon ko habang ginugulo ang buhok niya. Hindi rin tumagal ay nagpaalam na kami sa isa't-isa.. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng bigat sa puso kahit nasisiyahan ako sa pagtulong sa kanila. Nagsisimula lang ito nang sabihin kong "wala naman akong anak" kanina sa kanila. Feeling ko tuloy parang may tinatanggihan akong tao na dapat naman ay wala at giguilty sa ginawang pagkakasabi at tila ba may mga tao akong nasaktan sa katagang iyon. "I'm so lucky to have you Faye!" Mahina akong nagulat nang marinig ang boses ni Noah sa likod ko. Binalingan ko siya at ngumiti. "Kanina ka pa ba?" "Yhup!... And saw everything." "Tssk!" Sagot ko na lang at ngumiti. Hindi na rin kami tumagal pa dahil nabili ko na ang kailangan kong pasalubong. Sinukbit ko ang braso ko sa braso niya at nakangiting lumakad patungo sa kotse niya. Pero habang naglalakad pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa akin. Kinuluban agad ako ng kaba at natakot ng palihim. Lihim akong nagmasid sa paligid pero wala naman akong napansin. Pakiramdam ko tuloy nangyari na sa akin ang ganitong eksina. Pero saan at kailan???? Nang luminga uli ako ay wala naman akong napansin na kakaiba. Ewan ko ba kung bakit ang dami kong nararamdaman kakaiba ngayon araw. Masaya naman ako but at the same time natatakot. "Hindi na tayo babalik ng Hotel sa bahay na lang tayo dumaretso." Pagbabasag ni Noah sa katahimikan namin habang binabaybay ang daan. Sa dami kong iniisip nakalimutan ko na ring kausapin s'ya. Tumingin ako sa kan'ya nang may pagtataka "May bahay ka dito?" Tanong ko. Dahil kung meron naman pala bakit nag stay pa kami sa hotel? "Yes we have Faye. Kinailangan lang natin mag-stay kanina sa hotel dahil doon ang meeting namin, at para na rin makapagpahinga ka sa byahe kanina. Dahil kung pupunta pa tayo sa bahay mas magiging malayo ang byahe natin." Paliwanag niya. Sabagay my point naman s'ya. Nang marating ang bahay daw namin, ay agad niya kong inalalayan na parang isang prensisa. Umiling na lang ako at natawa sa ginawa niya. Tulad nga ng bahay niya sa Isla. Malaki at mansion kung ituturing ang bahay. Mas malaki at malawak pa nga ito. May swimming pool rin, at magandang harden. Dark chocolate, black at grey ang kulay ng bahay na may pagkamoderno. May swing chair sa tabi ng pool area at mini glass table. Mataas ang bahay kaya alam kung may second floor. Nang makapasok sa loob ng bahay ay bumungad agad sa akin ang malawak na sala, magandang chandelier na umagaw sa atensyon ko at malamig na hangin dala ng aircon. Malinis at mabango pa. Tulad ng sa hotel ang pagkamangha ko sa mga nakikita na para bang ngayon ko lang nakita ang bahay namin kuno ni Noah. "Do you like it?" He murmured. Tumango ako sa tanong niya nang hindi siya nililingon dahil abala ang mata ko sa pagtingin baikot. "May bahay pala tayo dito. Pero bakit sa Isla mo ako dinala?" I curiously asked, pero wala iyon sa diwa ko. Natanong ko lang naman. Matagal siyang nanahimik sa tanong ko kaya nilingon ko na siya. "Uhmm.. It's.... just for your recovery Faye. Ang sabi kase ng doktor sa akin na it's better if you are in quite place para mas mabilis ang paggaling mo." Animo natatarantang sagot niya sa akin at peking ngumiti. "Pero bakit wala tayong picture frame together dito sa bahay o kahit picture ko?" Muli kong tanong. Bigla siyang umiwas sa akin ng tingin at napakagat ng labi para mag-isip uli ng sasabihan. Nakapagtataka lang kasi, dahil kung talagang matagal na kaming mag-asawa bakit wala man lang kaming picture o kahit wedding pictures dito? Kahit nga sa Isla wala din ni' isa. "I'm sorry, h-hindi ko pa kase nakukuha sa photographer ang mga picture natin dahil naging busy ako." Tila kabado niyang tugon na hindi ko alam kung bakit. Naiintindihan ko naman, kaya hindi na ako nag-usisa pa. Dinala na lang niya ako sa magiging kwarto nang mapansin yata niyang inaantok na ako at pagod. Tulad ng dati hiwalay kami ng kwarto pero magkatabi lang kami ng room. Iyong mga gamit namin sa hotel inuutos na daw niyang kunin sa mga taohan niya. Bago natulog nilinis ko lang ang katawan ko at pagod na pinikit ang mata. Pero pikit nga ang mata gising naman ang isipan. Pero sahalip na makatulog ay bigla namang lumabas sa isipan ko ang lalaking stranger kanina. Kasunod non ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa hindi ko alam ang dahilan. Naimulat ko uli ang mata at bumalikwas ng bangon. Hinawakan ko ang dibdib para lang pakalmahin ang pagtibok ng puso ko. Ang pinagtataka ko lang kung bakit nakakaramdan ako ng ganito sa lalaking iyon, pero hindi ko man lang naramdaman kay Noah ang ganon. Asawa ko siya kaya nga dapat sa kanya lang titibok ang puso ko. Pero wala e at hindi ko naramdaman iyon. Napopogian ako kay Noah pero never naman tumibok ng ganito kabaliw ang puso ko. Maliban nga lang doon sa lalaking nakabanggaan ko kanina. Ang weird nga lang ng nararamdaman ko ngayon. "Kaasar, bakit naman lumalaro siya sa isipan ko?" Mahinang bigkas at reklamo ko sa inis. Kanina nang hinubad ko ang damit ko ay naamoy ko pa ang kumapit niyang pabango doon. Hindi ko lang pinansin pero nang maalala hindi ko mapigilang isipin muli ang itsura niya. He's face very familiar. Hindi ko lang talaga alam kung saan ko na ba s'ya nakita. Ang itsura niya kanina ng makita ako ay subrang kuminang sa pangungulila. Baka marahil sa babaing na miss niya ng subra. Mrs Sophie Mae Calliste Gifford?? Who is she para mapagkamalan ako? Marami na ba akong kamukha? Tsskk.... Sabagay lahat naman may kamukha. Ano ba yan kakarating ko pa lang dito ang dami na agad nangyari na siyang nagpapasakit ng ulo ko. Madalas. Hindi kaya may koneksyon talaga ang buhay ko rito kaya ganon na lang ang mga nararamdaman ko? Kung meron man gusto kong manatili rito upang maliwanag ako at magkaroon ng sagot itong nararamdaman ko. _____ Halos dalawang oras na akong gising ngunit ayaw parin ako dalawin ng antok. Nang sumilip ako ng oras nakita kong alas dose na ng madaling araw. Pero hito't buhay na buhay ang diwa ko. Maya-maya pa'y narinig kong kumalabog ng mahina ang pinto sa labas na sa tingin ko'y lumabas si Noah. Ngumiti ako at agad na tumayo para lumabas din. Baka namamahay lang ako kaya hindi ako makatulog. Nang makalabas sa kwarto kumunot agad ang noo ko nang mapansing nagmamadali si Noah pababa ng hagdan. May hawak siyang cellphone na nakalagay sa tainga niya. Ngumiti ako at sinundan siya. Pero napahinto siya bigla sa gitna. Kaya napahinto rin ako at tumago sa pader. Hindi ko din alam kung bakit ginagawa ko ito kung pupwede namang lumapit sa kanya nang hindi tumatago. Lalabas na sana ako ng magsalita siya. "No! We need to go.... Damn it!... Hindi maaring tumagal si Sophie dito... Lalong hindi pweding makita siya ng lalaking yon! Kung maaari lang ikulong ko siya gagawin ko para lang hindi makita." Mahinahon ngunit nanggagalaiting bigkas ni Noah sa kausap. Namilog ang mata ko sa naririnig at napasinghap ng malakas. Agad kong tinakpan ang bibig nang mapansing lumingon si Noah sa kinaroroonan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD