Faye.
Tulad nga nang sinabi ni Hermiane na may magtuturo sa akin kung paano gawin ang posting ay naging madali na lang sa akin. Sinunod ko lang ang gusto ng photographer, habang ang mga kasama ko nakamasid lang sa ginagawa ko ay pawang mga nakangiti lang.
"WOW! She's really good."
"Grabe ang ganda-ganda n'ya."
"Mas ganda yata s'ya sa hindi dumating na model natin."
They murmured, like as if I didn't know and heard what they talking. Pero kinatuwa ko naman ang mga comment nila tungkol sa ginagawa ko. Syempre aminado akong tila ka'y gaan ng trabahong ito para sa akin.
What I mean is, parang gamay na gamay ko na ang ganitong gawain at tila madali lang ang lahat, basta sumusunod lang ako sa utos o gusto ng photographer.
"We're done. Good job Miss, Faye!" Sigaw ng photographer nang matapos akong kunan ng larawan.
Ngumiti ako at tumango. Hindi ko na tinama ang tawag nila sa aking Miss, kahit may asawa na ako. Besides I'm stranger for them at kapalit ng model nila.
Lumapit agad sa akin si Larry nang tuwang-tuwa. Dahil bakas na bakas naman ang saya sa lapad ng ngiti niya.
"Ang galing mo don!.. Yong una nag-aalalangan pa kami na baka tatagal ang shoot kasi nga baka mahirapan ka. Pero girl, ibang level ang ginawa mo. Winindang mo kaming lahat sa galing mo." Komento niya habang inaayos ang buhok ko.
Napakunot naman ng husto ang noo ko at naiiling siyang nginitian... Hindi ko nga alam kung bakit tila ang gaan ng loob ko sa kan'ya kahit hindi kami close. Iyong feeling na parang sanay ako sa mga ganitong tao. Maingay, madaldal at makulit kahit halos ang tagal kong nasa Isla at nasanay na si Aling Bibeth, Rosa at Alice lang ang kausap.
"Ano ka ba! Ginawa ko lang naman ang sinabi ng photographer noh!" Sagot ko, habang nilalakbay ang dressing room. Nandon kasi ang gamit ko at tsa'ka damit. Dahil kung hindi ako magpapalit ay baka magtaka si Noah.
"Iyon na nga Miss Faye... Ginawa mo lang ang sinabi nila, pero may ibang aura ka. What I mean is, mas may dating at style ang posting mo. Bagay na bagay kang maging model sa totoo lang."
"Tssk! Nasasabi mo lang yan, dahil ang Sabi mo kanina may kamukha akong model."
"Yeah! That's true naman, pero iba ka, at iba s'ya girl and I'm telling the truth."
"Thank you for the compliment Larry, and at least I experience this kind of work. I love it by the way." I said in a happy way.
"S'ya nga pala, pahingi ako ng number mo para may contact tayo if ever man na may ganitong eksina at nawalan kaming model or hindi dumating matatawagan kita di'ba? Ako kase ang in charge dito. Pwedi ba?"
Nahinto ko sa paglalakad at napaisip kung ibibigay o hindi. Alam kong nakaramdam ako ng saya sa puso dahil sa trabahong ito. Pero baka ito na rin ang huli kong punta dito sa siyudad.
"H-Ha? Pero kasi baka ito na ang una at huli kong gagawin. Tsa'ka baka hindi ako papayagan ng asawa ko." Sagot kong may pag-alinlangan.
"Ohhhh! May asawa ka na pala!?.. That's why Hermiane call you Mrs Dalvin." He said and sigh with disappoinment.
Hindi ko alam kung para saan ang pagbubuntong hininga niya.
Dahil ba sinabi kong may asawa na ako o tumangging ibigay ang phone number at sinabing hindi na mauulit ang pagiging extra model ko?
Ngumiti siya sa akin and he said "I understand." Saka nagpaalam umalis para magreport sa deriktor nila.
_____
Nang matapos magbihis, sinilip ko ang selpong bigay ni Noah kung may text message galing sa kan'ya, pero wala. Bumuntong hininga na lang uli ako at binalik sa bag ang cellphone.
Baka busy talaga siya, kaya hindi na ako na text pa..... Now it's time to leave and rest, dahil feeling ko napagod ako sa ginawang paggala at sa pagpost-post kanina.
Pero baka hindi lang ako sanay sa trabaho, dahil sa Isla wala akong ginagawa kundi ang magbasa ng novel, manuod at makipag kwentohan sa mga kasambahay ni Noah.
Bumuntong hininga uli ako ng ilang beses saka tumayo para magpaalam sa mga staff. Hinanap ng mata ko si Hermiane para sana magpaalam pero si Larry ang nagpakita.
Nakangiti siya at nagmamadaling tumakbo sa akin.
"Girl, you save us from disaster. Thank you so much!" Sambit niya sa tuwa.
"Ha? Bakit?" Tanong ko at pagtataka.
"Basta! By the way, here's your credit card. Don't worry pangalan mo ang nakalagay d'yan then yong password nandito na din, syempre na transfer na din namin d'yan ang 100k money for your work with us." Nakangiti pa niyang sambit habang ang mata ko namilog ng husto dahil sa gulat.
"Seryoso 100k ang bayad sa akin?" Gulat na gulat ngunit mahinang saad ko.
He chuckled and nodded.
"Hindi ba kalabisan ang bayad n'yo para sa sandaling ginawa ko?"
Muli siyang tumawa ng mahina at umiling.
"No! Maliit pa nga yan. Pero possible na madadagdagan pa yan if ever na maging tampok ang bagong brand ng wine namin. Kaya nga sa ayaw at sa gusto mo, kukunin ko ang number mo para makuha mo ang sinasabi ko.. Tsa'ka ito ang role sa company namin. Don't worry ako lang ang tatawag sayo." Aniya.
Wala na akong nagawa kun'di ang ibagay ang cellphone number ko at tanggapin ang credit card na bigay niya. Nanginginig pa nga akong Kunin ang card dahil sa laki ng perang nakalagay. Kaya tinawanan ako ni Larry at biniro.
"First time mo bang makahawak ng 100k na pera para manginig ka d'yan? Tssk!"
Tumango ako sa kan'ya ng wala sa sarili.
"Hayy naku, Miss Faye! Lalaki pa yan kung gusto mo talagang magtarabaho. Tsa'ka sa panahon ngayon kung may asawa ka dapat maging praktikal habang wala pa kayong anak. Iba parin ang babaing may kinikita at hindi umaasa sa kinikita ng asawa. Mas masarap sa puso kung ikaw mismo ang nagtarabaho ng kinita mo at nabibili ang gusto ng walang pag-aalinlangan, dahil ikaw ang naghirap."
Ngumuso ako sa kan'ya nang tila ba pinagsasabihan niya ako.
"Girl, it's not what you think. What I mean is, you realized what I said. Tsa'ka wag mo namang sayangin ang ganda mo para lang maging sunod-sunuran sa asawa, kung pwedi mo namang pagkakakitaan sa tamang paraan para makatulong sa kan'ya. Right!??" habol pa niya bago umalis.
Naging isang malaking palaisipan sa utak ko ang mga pangaral ni Larry, at tila pinarealize ang takbo ng buhay sa akin.
Nang makabalik sa room namin ni Noah ay bagsak kong hiniga ang katawan sa kama.
Habang nakahiga inilibot ko ang mata sa magandang kisame at bumuntong hininga ng paulit-ulit. Pinikit ko ang mata dahil sa bigat ng nararamdamang ng hindi ko maintindihan.
NAALINGPUNGATAN ako nang marinig ang ingay nang lagaslas na tubig galing sa banyo. Dahan-dahan kong minulat ang mata at napansing madamilin na. Bumangon ako at napansin ang kumot sa ibabaw ko.
May pagtataka man pero hindi iyon naging dahilan para ikabahala ko, nang mapansin ang mga gamit ni Noah sa itaas ng table. Kapansin-pansin rin ang mga paper bag sa ibaba. Pero bago pa man ako tumayo ay nailuwa na si Noah galing banyo. Tapis lamang ang pang-ibaba niyang tuwalya.
Nagkagulatan pa kami at parehong nahiya. Pero pareho ding hindi pinahata, ayaw ko ring isipin niyang nag-aalalangan ako kahit ang totoo ay oo.
Lihim akong napalunok ng laway nang makita ang basa niyang katawan at nahiya. Aminado akong maganda ang pangangatawan niya dahil alaga sa exercise, at first kong makita siya ng ganito. Pero hindi ko alam kung bakit nahihiya akong makita siyang gan'yan kahit pa asawa niya ako.
"You're awake Faye!.. I'm sorry!"
"Huh? F-for what?? A-ano ka ba! S-sige magbihis ka muna, pupunta lang ako sa kusina para uminom ng tubig." Alibi ko na lang para hindi naman awkward.
Ngumiti siya at tumango na lang. Agad naman akong umalis para makabihis siya dahil kung hindi ako aalis baka ano pa makita ng mata ko.
Matapos magbihis ni Noah, lumabas na rin siya at naligo na rin ako. Iyong laman pala ng paper bag ay mga gamit ko na bili niya, at ang isa doon ay isusuot ko mamayang dinner meeting nang mga investor ni Noah.
"You always beautiful my wife!" Noah's comment when I'm done and out in our room.
"Tssk, buliro!" Nakangiti kong tugon.
We both chuckled.
Kung maka beautiful siya ng comment, parang subrang ganda ko na sa suot na black simple dress at simpling make up lang din. Iyong tama lang ng ayos para iligante tingnan sa iba.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit marunong ako mag-make na parang lagi ko nang ginagawa. Hinyaan ko na lang at baka nga.
"Shall we?" Aniya at may pa hand respect pa siyang ginawa kaya napangiti na lang uli ako.
Sabay na kaming bumaba sa ground floor dahil naruruon na raw sa restaurant ang kausap niya at hinihintay kami. Mabuti nga lang at dito na lang din sa hotel ang dinner meeting nila, at hindi na kailangan magbyahe kung saan.
Nang marating ang pwesto kung nasaan kaupo ang mga kausap niya ay agad rin niya akong pinakilala.
"Kaya naman pala ayaw mong ipakilala ang asawa mo sa amin Mr. Dalvin, e ang ganda pala niya. Kahit siguro ako kung kasing ganda ng asawa mo ang asawa ko ay itatago ko rin siya." Komento ng isang investor sa pabirong salita.
Siniko siya ng asawang tabi at kunwaring nagtatampo.
"Tigilan mo yan, Edwardo. Ganyang-ganyan ka dati sa akin... Tumanda lang tayo saka mo ako sinasama sa ganito tssk!" Pabiro din niyang sambit sa asawa, kaya napuno ng tawanan ang pwesto namin.
May mga humirit pang tuksuan, kaya mas lalong umingay. Naging kampanti naman ang pakiramdam ko bigla na kanina lang ay kinakabahan. Lalona't halos may edad na ang mga nakausap ni Naoh.
Nang makalipas din ang halos dalawa at kalahating oras na pag-uusap, ay siya ring pamamaalam nila.
"I'm glad to work with you Mr. Dalvin." Sambit ng isang kausap niya.
Nagpaalam na rin ako sa mga kani-kanilang asawa na tuwang-tuwang makipag-usap sa akin.
"See you again hija, kung may time ka dalaw ka sa bahay ko para naman makabonding tayo." Pamamaalam ni Mrs. Malacad
Ngumiti ako at tumango kahit walang kaseguradohan kung may pagkakataon pa bang magkikita kami.
Lumapit si Noah sa akin nang makaalis na silang lahat. Ngumiti ako sa kan'ya.
"Thank you Faye!" He said.
"For what?"
"You save me and my company."
I smiled and shook my head. "Don't say that Noah. I'm your wife at dapat nagtutulungan tayong dalawa hmm!?" Tugon ko.
Ngumiti siya at nahihiyang tumango. Then I realized na talagang tama ang sinabi ni Larry. Mas mabuti ngang may gagawin din ako para sa asawa ko. Dahil kung hindi ko siya tinulungan makipag-usap may posibilidad na mahihirapan at malugi ang company ni Noah.
Pero bago mangyari yon, dapat may gawin rin ako. Pero paano at ano?
"We have a time. Gusto mo bang mag-shopping bago umuwi bukas?"
Saglit akong tumingin sa phone para makita ang oras. He's right. Maaga pa para bumalik sa room namin. Gusto ko ring mabilhan nang mga pasalubong sina Aling Bibeth, Rosa at Alice.
"Sure!" Sagot ko.
Habang nasa byahe papunta sa mall. Na kwento ko sa kan'ya ang nangyari sa akin ngayon araw. Nagulat pa siya at tila namutla sa nalaman. Kalaunay sinabi na lamang na huwag na raw sana mauulit iyon nang hindi niya alam.
"You don't have to do that Faye. It's not good for you. Besides your not good. Sumasakit pa bigla ang ulo mo."
"But--"
"No but, Faye." He seriously said.
Hindi ko alam kung bakit ganyan na lang ang reaksyon niya. Hinayaan ko na lang at baka nag-aalala lang sa kalagayan ko.
"I understand!" I said.
Bumuntong hininga na lang ako at hindi na nakipagtalo pa.
______
Nang marating ang mall na halos ang tagal din naming nilakbay ay agad na akong niyaya ni Noah sa loob. Sabi niya nasa Manila na raw kami kaya hindi na ako magtataka kung ang daming tao sa mall kahit gabi na.
Hinila ko na agad si Noah, nang makita ang isang store na sa tingin ko nandoon na lahat ng kailangan kong bilhin. Wala na siyang magawa kun'di ang sumunod na lang akin.
"Kunin mo lahat ng gusto mo, ako na ang magbabayad lahat hmmm!!" Sambit ni Noah na abala din sa paghahanap na kung ano.
"O-okay." Nahihiya ko namang sagot.
Pero hindi pa man kami tumatagal, lumapit siya sa akin at nagpaalam. Pupunta lang daw siya sa kabilang store. Wala daw kase ang hinahanap niya rito kaya tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
Magtetxt o tatawag na lang daw siya kung saan siya banda. Nagpaaiwan pa siya ng isang bodyguard para may babantay sa akin.
Hindi na ako kumuntra para iwas ang pag-aaway.
Sakalukoyang magbabayad na ako ng mga pinamili ko, nang may napansin akong isang bata. Babae siya at nakatitig sa isang black,pink na bag. Nang hahawakan na sana niya agad naman siyang sinaway ng kan'yang Lola.
"Huwag mong hahawakan at baka marumihan. Wala tayong pang bili kung sakaling masira iyan Aning." Saway sa kan'ya.
"Tinitingnan ko lang naman po La, hindi ko naman po sisirain o dudumihan." Malungkot namang tugon niya.
Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng habag sa bata at tila ang bigat ng puso kong makitang nalulungkot siya.
"Here's your card ma'am. Thank you and come again po!" Sambit ng sale lady.
Saka lang ako natauhan at lumingon sa kan'ya para ngumiti. Nang lumingon uli ako sa kinaruroonan ng maglola ay palabas na sila. Saglit kong pinuntahan ang gusto ng bata at kinuha iyon, sinamahan ko na rin ng damit na alam kung kakasya sa kan'ya, at agad binayaran sa counter.
Agad kong binigay ang credit card kong bigay ni Larry para mabayaraan ang binili. Nang matapos mabilis akong lumabas para hanapin kung saan sila pumunta.
"Nandon po sila Ma'am Faye!" Turo ng isang bodyguard ni Noah sa hinahanap ko.
Nang makita sila ngumiti ako at nagmamadaling humabol.
"Pwedi bang pakihabol, susunod ako." Pakiusap ko nang mapansing ang bilis ng lakad nila.
Lakad, takbo na ang ginawa ko para lang maabutan sila.
Sa pagmamadali ko nga hindi ko na napansin ang taong sinalubong ko.
Naipikit ko na lang ang mata nang bumangga ako sa likod niya at hindi sinasadyang masiko ang tagiliran niya.
"Arayyy!" mahinang winika ko dahil sa lakas ng pagkakabangga ko sa kan'ya.
Nang maimulat ang mata napasinghap ako ng malakas nang makitang kumalat sa sahig ang pinamili niya, pero agad din niyang pinulot.
"Ohhhhh goshh!..... I'm sorry sir..... I'm really sorry. It's all my fault." Paumanhin ko.
Tumingin ako sa kan'ya para magsorry pero nakatalikod siya. Sa hiya ko pinulot ko agad ang isang malaking teddy bear at lumapit sa kanya.
Humarap siya sa akin pero hindi ko man lang makita ang mukha niya dahil sa hawak kong teddy bear.
"I'm really, really sorry sir... Here!" Muli kong bigkas at agad binigay ang hawak ko.
Nang makuha niya sa akin ang binigay ko. Saka ko lang nakita ang mukha niya, at ganon na lang ang pag-awang ng bibig niya at pamimilog ng mata.
Maging ako man ay napaawang ang bibig at bahagyang naibuka pa nang makita siya.
Ang gwapo niya.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang naging reaksyon niya nang makita ako. Bagay na nakaramdam din ang puso ko ng pagkalabog at subrang bilis.