Faye.
"Wow ang ganda-ganda mo talaga Faye!" Namamanghang bungad ni ate Alice nang makita akong naglalakad pababa ng hagdan.
"Period ate Alice, at sure na sure akong lalag nanaman ang panga ni sir Noah mamaya kapagnakita ang napakaganda niyang asawa." Gatong naman ni Rosa bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Alice.
Nahihiya naman akong tumawa ng mahina sa compliment nila dahil lang sa suot kong summer dress na white partner ang two inches na sandals. Hanggang tuhod lang ang dress at labas pa ang likod ko. Tapos nagdala lang ako ng isang mini shoulder bag na bigay rin ni Noah.
"Hayyy naku! Puro talaga kayo kalukuhan Alice, Rosa... Paraanin mo na si Faye at naghihintay na si Sir Noah." Singit naman ni Aling Bibeth at tila madaling madali pa.
"Sige na ate Faye bye! Enjoy your day. Bilhan n'yo na lang po kami ng pasalubong-- a-aray!" Hiyaw ni Rosa nang agad siyang kinurot ni Aling Bibeth sa tagiliran.
"Tiya naman!" Reklamo niya habang kunot ang noo at hinihimas ang pinagkurutan ng tiya niya.
"Aba! Gusto mo pa bang dagdagan Rosa? Aba'y, hindi ka na nahiya kay Faye kung maka request ka akala mo kung sinong may pinatago."
Halos sabay naman kaming napatawa ni Alice sa paninirmon ni Aling Bibeth kay Rosa.
Sinaway ko na para matigil na sila, pero itong si Alice walang tigil ang panunukso kay Rosa.
"Ayos lang po Aling Rosa, sasadya naman po talaga ako, kahit hindi po sabihin ni Rosa tungkol sa pasalubong." Sagot ko para matigil na din si Alice kakatukso sa pinsan niya, at oo iisang pisa lang silang tatlo.
Mga pamangkin ni Aling Bibeth sina Rosa at Alice, kaya ganito sila kung magbibiruan. Normal lang sa isang pamilya, na siyang kinaiinggitan ko. Walang anak si Aling Bibeth at matagal ng patay ang asawa, maging ang mga magulang ng dalawa. Kaya kinuha sila ni Aling Bibeth at nangamuhan kay Noah.
Small world right? Dito pa talaga kami pinagtagpo at mukhang tinadhana kami na pinagtagpo-tapo. Magaan ang loob ko sa kanila kaya parang isa na rin kaming pamilya.
Bagay na hinihiling ko na sana may kapamilya rin ako. Pero ayon naman kay Noah. Matagal na raw na wala akong magulang at simula ng ma-coma walang kamag-anak na lumapit kahit isa.
Nang masabi niya iyon sa akin. Feeling ko ang lonely ko at iniwan na lang.
Matapos ang chekahan, hinatid nila ako sa daungan ng yate. Alam ko ring naghihintay na si Noah doon. Hindi na rin ako nagdala ng ibang gamit maliban sa dala kong mini bag. Hindi naman daw kami magtatagal at baka kinabukasan uuwi rin.
Habang naglalakad kaming apat ay napapansin ko ring na napapalingon ang ibang taohan ni Noah sa amin. I don't know kung kanino sa amin. Pero hindi ko na pinansin ng makita ko si Noah na nag-aabang na.
He is wearing a white polo shirt and cream short with sunglasses. Ang pogi niya sa porma niya ngayon. Kung tititigan para siyang foreigner.
Napangiti na lang ako dahil ang pogi pala niyang tingnan. Pero bakit ngayon ko lang na appreciate yon?
Sinalubong na niya ako sa paglalakad dala ang payong na bigay o utos niya sa taohan.
Ala una 'y media na ng tanghali at mainit pero parang hindi ko ramdam dahil sa subrang excitement. Besides I have a summer cap.
"Wow! You're so gorgeous Faye!" Aniyang may ngiti sa labi at agad akong pinayungan.
Kahit hindi ko man makita ang mata niya alam kong nakatitig siya sa akin.
Narinig ko na naman ang boses ni Rosa na nanunukso at bumubulong pero agad ding sinaway ni Aling Bibeth.
"You too Noah, you look handsome. And look at our outfit... Parang couple lang!" Naiiling at masaya kong komento ng mapansin ko ang outfit namin.
"Of course we are Faye, because you're my wife and I'm you're husband. Right Mrs Dalvin?" Agad naman niyang tugon habang malawak ng ngiti sa labi.
"Ohhhh... ang sweet naman Sir, bagay na bagay po talaga kayo! Anak na lang ang kulang."
"ROSA!" halos pasigaw namang saway ni Aling Bibeth sa kanya.
Napakunot bigla ang noo ko sa naging reaksyon ni Aling Bibeth kay Rosa, at napatingin kay Noah ng naguguluhan. Saka ko lang napagtanto nang biglang nawala ang ngiti ni Noah na kanina lang ang saya-saya pa.
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Lumingon ako kay Rosa ng may ngiti.
"Soon, makaka-baby din kami Rosa at ikaw ang una kong sasabihan." Sambit ko upang manumbalik ang ngiti ng katabi ko.
Ngunit nang silipin ko siya ay biglang ngumiti. Pero ramdam mo iyong ngiti na parang napipilitan lang at ramdam mo ang bigat ng nasa puso niya.
Yeah! We are married pero parang feeling ko hindi... Kasi kung may relasyon kaming dalawa noon pa man dapat magaan ang nararamdaman namin. Iyon bang comfortable kami sa isa't-isa... but no! Pakiramdam ko nga na may isang malaking pader na humaharang sa gitna naming dalawa.
Pader na hindi ko alam kung para saan.
____
HABANG papalapit ang yate na sinasakyan namin sa lungsod ay siya ring lakas ng kalabog puso ko. I don't know if it's excitement or something. Pero kung ano man iyon sana masaya na lang.
"Are you okay?" Tanong ni Noah sa likod ko.
Lumingon ako sa kan'ya at ngumiti. "Yes, as long as you here I'm definitely okay, and I know I'm safe with you Noah!"
Ngumiti siya akin ngunit ramdam kong tila may lungkot na dala. Lumapit siya sa akin at binigay ako ng halik sa noo.
"Of course you are safe with me Faye." He whispered.
Exactly three o clock in the afternoon na kami ay nakarating sa isang sikat na hotel dito sa Cavite. Nakapag book na rin si Noah kaya hindi na mahirap ang pagkuha ng room. Yon nga lang dalawang room lang ang request niya. Para sa mga taohan niya at sa kan'ya syempre.
Gusto pa sana niyang kumuha ng isang room para sa akin pero pinigilan ko.
"It's okay Noah! Mag-asawa naman tayo, tsa'ka baka ano pang iisipin nila kung magkahiwalay tayo ng kwarto."
"Are you sure?"
Nahihiya akong tumango sa kan'ya. Kahit gustohin ko man na hiwalay hindi pwedi. Kaya nga ako sumama sa kanya para tulungan siya di'ba?
Baka isipin pa ng iba sa'min na fake marriage kami kaya magkahiwalay ng kwarto.
Nang marating namin ang room, namangha pa ako sa mga nakikita lalo na ang isang malaking glass wall. Napangiti ako ng malawak nang tila pamilyar ang ganitong iksena sa akin.
Feeling ko may nakita na akong ganitong style. Para akong bata na kumaripas ng takbo para sumilip roon, kaya napatawa na lang si Noah.
Malapit sa dagat ang hotel kaya kitang kita ang dagat mula dito at makikita rin ang nagliitang yate, tao, puno at iba pang bagay sa baba. Nasa 54 floor kami kaya nakakalula kung titingnan ang baba.
Summer na rin kaya hindi na nakapagtataka kung maraming tao ang naliligo sa dagat or swimming pool sa mga resorts.
"I have a meeting today Faye... Uhmm would it be okay if I leave you alone here?" Boses ni Noah mula sa likod ko.
Lumingon ako sa kanya na ngayon ay nagtatanggal ng butones sa suot niyang polo.
"Sure!... No problem." Agad kong sagot sa kan'ya. "Pero pwedi ba akong mamasyal sa tabing dagat at maglakad-lakad?"
Napahinto siya sa ginagawa at biglang napaisip. Kalaunay bumuntong hininga siya.
"Sure, pero ipapabantay kita kahit isa sa mga taohan ko hmmm!?... you know what I mean Faye!" He said in a sweet tone.
"Okay po!" Sagot ko na lang.
Kumain na muna kami ng tanghalian ni Noah. Bago siya umalis binigyan pa niya ako ng isang brand new phone. In case of emergency daw e, matatawagan ko raw s'ya agad. May sim card na rin at nakarehistro na ang number niya. Just his number only. Tinanggap ko na since may point naman s'ya. Then after that he leave me.
Tulad ng sinabi ni Noah may kasunod o kasama akong bodyguard kapag lalabas. I expected that. Hindi naman siya malapit sa akin, iyong may ilang milya rin ang layo para seguro may privacy ako at ma-enjoy ang moment.
Pagkababa sa ground floor tumungo agad ako sa tabing dagat para maglakad-lakad. Medyo may kalayoan pero ayos lang dahil marami namang taong naglalakad sa paligid.
Napapangiti ako at hindi maitago ang saya. Feeling ko nakalabas ako sa comfort zone ko. Dahil sa apat na buwang pamamalagi sa Isla mas feel ko ang happiness sa labas. Mabuti na nga lang at napapayag ko si Noah na sumama ako rito.
Habang naglalakad may nadaan akong food court, at iba-iba ang tinda. May street food, dessert, Japanese food, at Korean street food. Bigla akong natakam sa amoy ng quick-quick at fishball, kaya agad akong pumunta sa tindahan at bumili ng gusto ko.
Pinagpasalamat ko na lang din dahil binigyan ako ni Noah ng pera bago siya umalis.
Nang mahuka ang binili, napansin ko ang nagbabantay sa akin, kaya bumuli uli ako.
"Here!"
Nagulat pa ang bodyguard na binigyan ko ng pagkain sa pagsulpot ko bigla.
"Ayyy naku! Wag na po ma'am!" Tanggi niya.
"Take it! Ayaw kong ako lang ang kakain kung alam kong may kasama ako."
"Wag na po Ma'am baka po mapagalitan ako ni Sir."
"Take it or else sasabihan ko sa asawa ko na umalis ka!"
Wala siyang nagawa at kinuha na lang niya ang binigay ko. Sa ilang saglit nakiusap akong huwag na niya akong sundan at baka mapagkamalan pa siyang snatcher or stalker. Yong una ayaw niya, pero sa huli napilit ko naman.
Binigyan ko siya ng pera para magliwaliw o bumili ng gamit para sa family niya. Malaking halaga ang binigay ni Noah, kaya ang kalahati binigay ko rin sa bodyguard niya.
Halos mag-iisang oras na akong naglalakad at pagala-gala ng maisipan ko nang bumalik sa hotel. Pero bago pa man ako makapasok sa elevator pumunta muna ako sa pool area.
Napansin ko kasing maganda ang view doon. Nang marating ang pool area hindi nga ako nagkakamali Pero bawal pa magpapasok ng iba maliban sa ibang staff na abala sa mga ginawa.
Napasilip ako at nakita ang naglalakihang camera, green screen at mga make up artist.
"Stupido!.... Humanap kayo ng ibang pweding kapalit ng model, para matapos na ito!.. Kaimbyerna!"
Nagulintang ang lahat ng mga staff sa sigaw na iyon kasama na ako.
Napansin kong nagsilabasan ang mga tao sa loob ng isang malaking tent, at hindi nagkanda ugaga sa paghahanap ng kung ano.
Pinagkibit balikat ko na lang at aalis na sana nang may bumangga sa likod ko.
"Ayyy hala! Sorry po!" Kabadong tuno ng babae.
Humarap ako sa kan'ya. "Ayos lang!" Sagot ko pero napasinghap siya bigla nang makita ko.
Ngumiti ako sa kan'ya at akmang aalis na pero pinigilan niya ako.
"Ikaw... Oo ikaw, pwedi kang maging model namin gusto mo ba?" Aniya.
"H-Ha? A-ako?"
"Oo ikaw nga Ms.... Wala kasi kaming model, at hindi dumating. Pero kailangan na naming matapos this day ang shoot or else malalagot kaming lahat. Kaya... Please help us Ms. Babayaran ka naman namin agad.. Promise!" Aniya at tinaas pa ang kanang kamay tanda ng pangako.
"Pero hindi ako marunong Ms." Nag-aalalangan kong sagot dahil kahit gusto kong makatulong. Hindi naman ako marunong sa pagmomodel na yan.
Totoo yon... Tsa'ka parang hindi naman ako bagay maging model.
"Don't worry maraming tuturo sayo come here." Aniya.
Hindi pa man ako pumayag pero kinaladkad na niya ako papunta kung saan man.
Wala na akong magawa kahit pana'y ang tanggi ko. Natagpuan ko na lang ang sarili na nakasuot na nang isang magandang summer dress uli. Ang pagkakaiba lang sa itsura ko, itong make ko.
Nang matapos ayosan. Namangha pa ako sa naging kinalabasan, at hindi makapaniwala sa nakita.
"Is this really me!?" I murmured.
Latina make up ang ayos ko suot ang red tubeless summer dress na may hati lang sa kaliwang hita. Nahihiya pa ako sa kinalabasan feeling ko kasi, hindi bagay ang suot ko sa akin.
"Wow!.. you look like Ms. Sophie, girl!" Komento ng baklang nag-aayos sa'kin, pero itong puso ko biglang kumalabog at kinabahan nang mabanggit ang pangalang iyon.
Sophie??
"Sinong Sophie?" I curiously asked.
"Ayyyy naku, may hindi pa pala nakakakilala sa kan'ya even she's famous!? By the way, s'ya lang naman ang naging sikat na model sa Singapore at naging model namin sa company. Sadly, she disappear 8 months from now... Guess what??? Ang bali-balita tinago ng asawa niya." Aniya habang nakangusong inaayos ang buhok ko.
Napakunot na lang ang noo ko, pero itong puso ko. Pana'y parin ang kalabog, na para bang may nais pang malaman kung sino si Sophie.
"Pero girl!.... In fairness sayo kamukhang-kamukha mo s'ya sa totoo lang. Name lang ang pinagkaiba nin'yo, akala ko nga kanina ikaw s'ya, e... Nga pala, I'm Larry."
I tsked.. with a small smile. "That's impossible, I think she's beautiful than me... I'm Faye!"
"Uhmmm maybe!?.... Ahh, wait ipapakita ko picture n'ya--"
"Mrs. Dalvin, magsisimula na po!" Sigaw ng babaing kausap ko kanina na si Hermiane. Kaya ang pag-uusap namin dalawa ni Larry naputol.
Binalik na lang niya ang phone sa bulsa ng pantalon nang tawagin ako.
"Go girl.. usap na lang tayo later... Good luck!" Aniya.
Ngumiti na lang ako sa kan'ya bago umalis papunta sa photoshoot.