Chapter 3. Faye and Noah

2123 Words
Faye. Tinanghali na ako nagising kinabukasan at mukhang hindi na ako ginising pa ni Noah. Marahil ay nag-aalala yata, gawa nang nangyari gabi, at maging ang isipan ko man gumulo rin ng mga panaginip na iyon, at pinagdarasal ko na lang na sana hindi na maulit ang bangungunot na iyon. Matapos maligo ay agad rin akong bumababa. May ngiti ako sa labi bumababa mula sa second floor patungo sa kusina. Nagbabakasakaling maabutan ko si Noah sa hapag bago siya umalis patungo sa Maynila. He had a business to manage kaya kailangan umalis, urgent lang daw, yan ang pamamaalam niya noong isang araw. Hindi ko pa man nararating ang kusina, nang masalubong ko si Aling Bibeth at parehong pa kaming nagkagulatan. Sabay ring nakatawanan ng mahina. "Ayyh jusko naman! Pasensya ka na hija." Natatawang aniya habang naka ngiti at hawak ang kanang kamay sa dibdib dahil sa gulat. Umiiling akong naka ngiti sa kan'ya at agad humingi ng pasenya. "Sorry po Aling Bibeth nagulat ko pa po kayo!?" "Ayos lang, pareho naman tayo. Kakain ka ba hija?" Ngumiti uli ako at tumango sa kan'ya bilang pagsang-ayon. "Si Noah po?" Tanong ko habang pasilip-silip sa hapag kung naroroon pa siya? "Ayy... Naku! Iyang asawa mo, buhat ng pagkagising mula kanina at tumungo sa library room ay hindi na lumabas pa. Puntahan mo nga hija nang makakain na, alam mo namang sa iyo lang sumusunod ang batang iyan." Naiiling pang sagot ni Aling Bibeth. Ngumuso na lang ako dahil totoo naman. "Sige po! Pupuntahan ko na lang po!" Naka ngiti kong sagot bago umalis sa harap niya, at siya ay umalis na rin dala ang walis ting-ting paroon sa labas. "Magandang umaga po ate Faye!" Masayang bati ni Rosa mula sa kusina na abala sa paghuhugas ng kung anong bagay. Tumigil lang siya sa ginagawa para batiin ako, at kung hindi pa siya bumati ay hindi ko rin siya mapapansin. "Good morning din Rosa!" Masayang tugon ko sa pagbati niya. Ngumiti siya at suminyas kung kakain ba ako, pero natawa lang ako sa kan'ya. "Ano bang ginagawa mo Rosa? Parang ginawa mo akong pepe!?" "Hehe! Sorry ate akala ko kase malayo ka!" "Sira tssk!" Sagot ko ng wala sa sarili. Pero bigla naman akong napahinto at nawala ang ngiti. Saglit akong napaisip at naistatwa dahil sa mga nasabi ko. "Sira tsk!???" Inulit ko pa sa isipan ko ang katagang iyan na parang biglaang may naalala dahil pamilyar siya at parang karaniwang nasasabi ko na iyon sa isang taong malapit sa akin. Pero kanino? Napapikit ako ng mariin at yumuko ng pumitik uli ang sakit ng ulo ko. "Sira tssk!...... Sira tssk!" Kanino ko ba iyon nasasabi at naririnig? "Ate Faye, ayos ka lang!?" Naimulat ko bigla ang mata nang marinig ang boses ni Rosa. Pero bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo . Ngunit agad ko ding kinalma ang sarili para hindi siya mag-alala. "H-Ha?.... A-oo!" Halos nabubulol kong sagot nang tila nagising niya ako sa saglit napagkakatulog. Goodness! Huwag naman sana ngayon sumakit ang ulo ko.. Please lang.. Wala pa akong gamot pang pakalma. Ngumiti ako sa kan'ya, para hindi siya mag-alala pa. "Paki prepare na lang ng makakain Rosa kakain kami ni Noah. Puntahan ko lang s'ya sa library." Ngumiti siya at kinikilig pang tumango sa utos ko, habang ako ay naiiling. Paano ba naman, hindi maitatanggi ang kilig niyang pinapakita para sa amin ni Noah, at dumadalas pa nga iyon kahit magkausap lang kami ng asawa ko. "Perfect couple talaga kayo ni sir Noah ate Faye." Iyan lagi ang bukang bibig niya sa tuwing makita niya kaming magkasama ni Noah. Hayttss.. parang naririnig ko uli ang boses niya ng maalala iyon, habang magksakop ang dalawang kamay na nakadampi sa pingsi tssk. Nang marating ang pinto ng library. Kumatok ako ng ilang beses pero hindi ko narinig ang boses ni Noah. Binuksan ko na lang at baka hindi lang niya narinig. Nang bumukas ang pinto nakita ko siyang naka tayo at nakatalikod, kaharap ang bukas na bintana at hawak ang cellphone sa tainga, may kausap kaya seguro hindi narinig ang katok ko. Susubukan ko sanang lumapit pero nagulat ako at napaatras dahil sa pagsigaw niya. Napasiksik ako at tumago sa likod ng malaking vase na mayroong tanim na artificial tree. "Damn it!... Ayosin mo yan Gilbert or else ako mismo ang--" Hiyaw ni Noah sa kausap ngunit natigil nang magsalita marahil ang kausap. Hindi ko marinig ang sinabi ng kausap niya dahil malayo ako sa kan'ya. "Damn No!" Mariing bigkas uli niya sa kausap. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kinilabot at kaba dahil sa uri ng pananalita niya ngayon. Dahil kadalasan naman soft and sweet siyang makipag-usap sa akin. Not until I heard him now. "No way Gilbert! Wala akong pakialam kung hindi niya permahan ang kuntrata, at hindi sila kawalan sa company ko lalong hinding-hindi ko ilalabas o ipapakita ang asawa ko sa kanila. Besides she's not okay, kailangan pa niya ng lakas at gumaling damn it!... Ang dami naman nilang pweding pagpiliang pabor pero bakit si Faye pa?" Napasinghap ako ng malakas kasabay ng paglaki ng mga mata sa gulat. Kasunod non ang pagharap ni Noah sa akin na mas kinagulat ko. Sh*t napalakas ko yata ang pagsinghap kaya napalingong siya. Dumuble pa ang kaba ko nang magtama ang mata naming dalawa. "Faye!?" Nagulat din siya nang makita ako at agad binaba o pinatay ang tawag para putulin ang pag-uusap nila ng kausap sa telepono. Lumapit siya sa akin habang ako kinakabahan ng husto. Aatras pa sana ako pero wala nang aatrasan pa. Natatakot ako ng hindi alam ang dahilan. Alam mo iyong para bang may kasalanan kang subrang malala at takot na takot kumprontahin ng iba? Ganon na ganon ang nararamdaman ko sa paglapit niya sa akin ngayon. Ngunit nawala din iyong nararamdaman kong takot nang hawakan niya magkabilaan ang braso ko at umamo ang mukha niyang nag-aalalang tumingin sa akin. "Are you okay?" Tanong niya na para bang nasaktan ako. Tsskk! Ano ba itong naiisip ko? Hindi naman masamang tao si Noah para katakutan ko ng ganito. Besides his my husband, at ang mag-asawa dapat may tiwala sa isa't-isa. Masama rin ang humusga sa iba. Ngumuso ako sa kan'ya at tumango. "Ayos lang ako.. Pero nagulat dahil sa pagsigaw mo kanina." Tugon ko. Bumuntong hininga siya at agad hinawakan ang dalawa kong kamay, yumuko habang nakatingin sa magkahawak naming kamay. "I'm sorry if I scared you... I'm just upset and--" Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita ng sumingit ako. "I'm fine now Noah!... Don't worry about me. I heard you and I want to help you as your wife." Naka ngiti kong saad. Isa pa, it's time naman seguro to help him, at ayaw kong ako pa ang magiging dahilan ng pagkalugi ng company niya, kung pwedi naman akong tumulong. Di'ba!? Pero nawala ang ngiti ko ng kumunot ang noon niya at tila nagbago ang timpla ng mood nya. "No way!" Aniya at agad binitawan ang kamay ko at mabilis humakbang papunta sa sofa. Pabagsak pa niyang iniupo ang sarili na parang pagud na pagod. Napakagat ako ng labi at nakaramdam ng kaunting pagtatampo dahil sa naging reaksyon niya. Hindi rin ako sanay na ganito siya ngayon. O baka dahil nasanay lang akong lagi siyang nakangiti? Gusto ko lang naman makatulong para naman may silbi ako bilang asawa niya. Hindi naman mahirap ang humarap sa mga tao para makipag-usap lang. Ayaw ko ding makulong na lang dito sa Isla habang buhay, kung pwedi naman akong lumabas at samahan siya. Lumapit ako sa kan'ya kahit may pag-alinlangan at agad naupo sa tabi niya. Pero hindi man lang ako binigyan ng pansin o kinibo. Muli akong ngumuso ng malaman na may ganitong side si Noah. Pero bakit ngayon ko lang napansin? Naturingan pa naman akong asawa pero hindi ko man lang nakita. Ngayon lang, feeling ko tuloy hindi ako naging asawa niya o naging girlfriend man lang noon para hindi makita ang ganitong side n'ya tssk. Bumuntong hininga ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Kaya ang ginawa ko na lang ay kumapit sa braso niya upang makuha ang atensyon ni Noah. Nagtagumpay naman ako pero--- "No Faye! Hindi ka pweding sumama sa akin dahil hindi ka pa maayos.. What if sumakit uli ang ulo tapos wala ako sa tabi mo?" Ayon nasermonan uli ako tssk.. Hindi yata madala sa palambing itong si Noah, okay di' wag! "Fine! E'di wag!" Naiinis kong sambit at agad na tumayo para alisan siya, ngunit agad din naman niya akong napigilan at yumakap sa likod ko. "I'm sorry Faye... I'm sorry!" Aniya. Napangiti ako ng lihim at nagtataka kung para saan ang sorry niya? "For what?... Hindi na nga ako sasama di'ba?? Feeling ko tuloy kinakahiya mo ako bilang asawa at ayaw ipagmalaki sa iba." Totoo yon! Dahil kung hindi, isa lang ang ibig niyang sabihin, at iyon ay kinahihiya niya ako. "No Faye!.. That's not true!" Mahinahon niyang sambit. Humarap ako sa kan'ya at nakipagtitigan sa kanyang mata, halos magkalapit na ang aming mukha at kunti na lang maglalapat na ang labi naming dalawa. Napansin kong napalunok siya ng laway habang nakatingin sa labi ko. Pero tinaasan ko siya ng kilay. "Then what? If you love me, hindi mo ako ikakahiya sa iba Noah. Besides I'm totally okay... Ano bang ikinakatakot mo?" "To lose you!" "What?.. But why?... I'm your wife Noah!" Maang ko sa hindi maintindihang aniya at dahilan. Ano bang kinakatakot niya? "Wala ka bang tiwala sa akin Noah?" Dismayadong tanong ko habang nakipagtitigan sa kanya. He sighed and shook his head. "May tiwala ako sa iyo Faye. Pero sa iba wala." "Kaya ba gusto mo na lang akong ikulong dito sa Isla? Ganon ba Noah?" "Nooo!" "Then why??? May tinatago ka ba sa akin na hindi ko dapat malaman?" Umiling siya at naipikit ng mariin ang mata saka kumawala ng isang malalamin at pagud na buntong hininga. "You don't understand Faye-- "Then tell me! Gusto kong malaman Noah!.. I'm just concerned about you, and to your company. Hindi ba ang mag-asawa nagtutulungan? Kaya gusto kong makatulong sayo, Isa pa ikaw naman ang kasama ko hindi ang ibang tao." Nag aalburoto kong bigkas na sa tingin ko ay ngayon ko lang nagawang magalit sa kan'ya. Parang naiiyak pa ako sa bigat ng nararamdaman sa dibdib. Nagbago bigla ang mood niya nang napansin akong nagagalit o nagtatampo. Kaya mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. "Fine!... I'm sorry Faye I'm just concerned about you too. But if you're feeling well, then you come with me later hmmm!! I'm sorry, don't mad at me okay?" Aniya saka ako pinakawakan sa pagyakap. Muli niya akong tinitigan ng maamo at natatakot sa hindi ko maintindihan kung bakit. "Tskkk! Kailangan ko pa bang umiyak para pumayag ka? Nakakasakit ng damdamin ang pinaparamdam mo Noah alam mo ba yon!?" Nakanguso kong sambit sa kan'ya habang pinipigilan ang mga luha kong pumatak dahil sa sama ng loob. Tinawanan niya ako ng mahina pero inirapan ko lang siya. "Heyy! What was that hmmm!?" Natatawa at pa ngiti-ngiti parin niyang bigkas. Hindi ko siya pinansin pero hinuli niya ang baba ko at pinaharap ang mukha ko sa kan'ya. "You're so beautiful the way you squealing Faye." He said while smiling at me. Hindi ako umimik. Saglit nagtitigan ang mata namin, hanggang sa unti-unting bumababa ang tingin niya sa labi ko kasabay non ang paglunok ng kan'yang laway. Sandali pa ay unti-unti niyang binaba ang kan'yang mukha sa akin. Habang ako tulala at naghihintay sa ano mang gagawin niya, kahit may idea na ako kung ano iyon. Nang malapit na malapit nang lumapat ang mga labi namin siya ring pagbukas ng pinto at niluwa si Rosa. Naitulak ko siya palayo ng bahagya sa akin at nahihiyang tumingin kay Rosa. "Ayyyy sorry po Sir, Ate!" Nahihiyang aniya at agad kumaripas ng takbo palabas. Napangiti na lang ako at naiiling makita ang likod ni Rosa. Pero nang lumingon ako kay Noah ay para naman siyang nadismaya at ngumusong tumungin sa akin. Tumawa na lang ako ng mahina at agad humalik sa pisngi niya. Nagulat pa siya sa ginagawa ko pero napangiti rin naman. "Halika na, kumain na tayo. Baka nagtataka lang si Rosa kung bakit ang tagal ko rito, kaya sumunod s'ya." Aniya ko at agad siyang hinawakan sa kamay at hinila papalabas ng library para kumain ng agahan. Pero sa tingin ko tanghalian na namin dahil alas diez na ng umaga, at ilang oras na lang magtatanghalian na. Sumunod na lang si Noah sa akin ng walang reklamo. Nang makita ko si Rosa sa kusina ay nahihiya pang tumingin kay Noah, pero ng dumako ang mata sa akin nag peace sign agad s'ya. Umiling na lang akong muli at malukong ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD