Faye.
Mula sa loob ng kadilimang silid may bukod tanging pinto na umaaakit sa akin na gustong pagbuksan. Maliwag at nakakasilaw ang liwanag na nagmumula roon na tila ba kumakaway sa akin na siya ay puntahan.
Lumingon ako sa paligid ngunit kadilimang ang bumabalot sa paningin ko. Wala akong makitang kahit ano dahil sa dilim, maliban sa pintong may liwanag. Hindi ko rin alam kong ano ba ang mayroon doon at tila ba inaakit akong pumaroon.
Dahan-dahan akong lumakad patungo sa liwanag upang matukoy kung ano nga ba ang meron doon.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ang pinto. Akala ko sa paglapit ko rito ay matingkad ang liwanag na bubungad ngunit hindi pala.
Nakipag titigan ako sa puting pinto na may pagtataka. Sa paghawak ko ng doorknob, bigla namang kumalabog ang puso ko sa kaba. Kaya napabitaw ako, lumayo ng ilang hakbang at nag-alinlangang bukas ang pinto. Ngunit nawindang ako sa mga boses na nanggagaling roon.
"Mommy!" Hiyaw ng masayang bata na babae na sa tingin ko'y nanggagaling sa loob ng puting pinto.
Muling umusbong ang matindi kong kaba at kagustohang makita kung sino ang tumatawag. Ngunit sahalip na bukasan ang pinto, minabuti kung inilapit ang tainga sa pinto upang pakinggan silang nag-uusap.
"Mommy.. Come here!" Hiyaw naman ng isa pang bata ngunit lalaki ang kaniyang boses.
Halatang-halata sa boses nila ang masayang nagsisigawan at tila naghaharotan. Ayon sa pandinig ko dahil dalawang boses ng bata ang nangingibabaw.
Hindi ko alam kung bakit napangiti na lang ako bigla ng wala sa katinunaan ng marinig ang mumunti nilang tinig at parang ka'y ang sarap makihalubilo sa kasiyahan nila.
"Daddy... Where's Mommy?" Muli saad ng batang babae.
Kumunot ang noo ko nang itanong niya kung nasaan ang Mommy niya. Dala ng kuryosidad may kaba sa dibdib kong pinihit ang doorknob upang silipin sila. Ngunit na mangha ako sa mga nakita at tila na silaw sa liwanag at ganda ng paligid dito. Ibang iba sa pinanggalingan kong silid.
Mula sa madilim na silid bumungad sa akin ang luntiang harden at puno ng mga makukulay na bulalak at mataas na puno.
Sa hindi kalayuan natanaw ko ang pinanggagalingan nila. Nakatalikod silang tatlo at magkahawak ang kamay na nakatayo sa ilalamin ng punong mangga. Kung titingnan para silang isang pamilya. Ngunit kulang dahil wala ang ina.
Iyon marahil ang minamaktol ng bata sa ama nang hanapin ang Ina ngunit hindi nila kasama.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng lungkot sa para sa kanila.
"She's over there baby." Boses ng lalaking tiyak kong ama nila. Kasabay noon ng pagbilis ng t***k nang puso ko sa boses niya.
Pamilyar sa pandinig ko ngunit hindi ko alam kung kailan at saan narinig ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ng puso ang nangungulila sa boses niya nang hindi ko maintindihan.
Hindi ko naman siya kilala?
Sino ba siya at bakit nakaramdam ako pangungulila? Alam kung hindi tama itong nararamdaman ko dahil may asawa ako at dapat sa kan'ya ko lang maramdaman ito at hindi sa ibang tao.
Naiyuko ko ang ulo at umiling upang nang saganon ay magising ako sa panaginip na ito.
"Mommy! You're here!"
Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakayuko nang muling marinig ang boses ng muting tinig ng bata. Ngunit kasabay noon ang pamimilog ng mata ko sa gulat nang makita ang sarili o kaparis ko nakangiti papalapit sa kanila na nanggagaling sa likod ko.
May pagtataka akong nakatingin sa kanya.
Paanong maging dalawa ako?
Nawala ang paningin ko sa kanila dahil natuon ko ang sarili sa babaing kahawig ko.
Gosh!... She's really my look a like. Walang bawas, walang kulang. Mula sa buhok, mukha, tangkad at kulay ng balat ay magkapareho kami. Even the way she smiling is the same with me.
Napailing ako at agad siyang sinundan upang pigilan. Dahil kung ako man siya hindi maaring pumunta sa kanila dahil may asawa na ako.
"Heyy.! Stoped!" Sambit ko ngunit tila wala siyang narinig.
Nang hahawakan ko siya lumusot lang ang kamay ko. Kinabahan ako sa nangyari.
Kaluluwa na ba ako?
Inilang ulit ko pa ngunit ganon pa rin. Napahinto lang ako nang huminto rin siya. She still smiling with them, kaya pikit mata ko silang nilingon.
Napasinghap ako ng malakas nang makita silang walang mukhang nakatitig rin sa akin. Umawang ang bibig ko at ilang ulit kinurap ang mata sa mga nakikita.
"Sophie..... Sophie.... Sophie.... Sophie!" Sigaw ng mga taong paparating patungo sa amin, kaya napalingon ako sa kaliwang gawi ko.
Tulad ng nakita ko sa katabi mga wala rin silang mukha. Ngunit mga nakatingin sa akin habang tinatawag ang pangalang "Sophie!"
Umiling uli ako sa mga nakikita. Gusto ko silang makita ng buo, iyong may itsura at tanungin kung bakit "Sophie" ang tawag nila sa akin?
"SINO KAYO!? LAYUAN NYO AKO!" Isang malakas kong sigaw sa kanila dahil papalapit sila ng papalapit sa akin.
Natatakot na ako ng subra, kinakabahan sa nais nilang gawin sa akin.
What if saktan nila ako?
Natataranta ako kung saan pupunta, ngunit may nararamdaman akong kamay na humila sa siko ko at agad akong niyakap at kinulong sa mga bisig niya.
Nagulat man pero mainam na ito. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaluwalhatian pansamantala at nawala ang takot sa mga taong wala namang mukha. Sinubsob ko ang mukha sa dibdib niya upang kamalma ako ng tuluyan.
"It's okay. I'm here Love!" He whispered.
Damn it, his voice sounds familiar, at itong puso ko nagrarambolan naman sa sa pagtibok.
Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito kay sa asawa ko pero bakit pagdating sa kan'ya.. Ohh My!
Kung hindi ako nagkakamali sapalagay ko'y siya ang lalaking kausap ng mga bata kanina.
Upang masiguro ang hinala. Kumuha ako ng kaunting ispasyo upang makita siya. Dahan-dahan kong inangat ang paningin mula sa leeg niyang ang sexy at kalmado ang paghinga, hanggang sa panga niyang nakakaakit pagmasadan.
Napalunok ako ng laway at hindi alam kung bakit sumasabay rin ang pagtibok ng puso ko habang ninanakawan siya ng tingin.
Pinagpatuloy ko ang ginawa. Tumungo ang mata ko sa mapula niyang labi, patungo sa ilong niyang matangos hanggang sa mata niyang mapupungay patungo sa makapal niyang kilay.
Napangiti ako pero agad din nawala nang lingunin niya ako.
Napalunok ako ng laway nang tuluyan siyang makita ng maliwan.
Finally I saw him.
Hindi ko maitatangging napaka gwapo niyang lalaki at makisig. Halata naman sa malapad at matigas niyang dibdib.
"Faye!?"
"Faye? Wake up!"
"FAYE DALVIN!"
Naimulat ko ang mata nang marinig ang boses ni Noah na sumabay sa panaginip ko. Bumalikwas ako ng bangon nang makita siyang tuliro at nag-alaala.
"Goodness! Are you okay? You scared me again Faye!" Nag-aalalang saad niya.
It's was a dream? Again? Pero bakit parang totoo ang lahat ng mga iyon?
Napapikit ako ng mata nang biglang sumakit ang aking ulo kasabay ng pagpintig ng malakas napagsipol sa tainga ko, sa subrang lakas parang mabibingi ako.
Nagmamadaling kinuha ni Noah ang nakahandang gamot at tubig sa lamisita ko malapit sa akin kama na naroon palagi.
"Here take this!"
Ininom ko ang bigay niya para kumalma ang pakiramdam ko.
Pagkalipas ng ilang menuto. Saglit kong tinitigan si Noah nang maging maayos ang pakiramdam ko, at nagtataka kung bakit hindi niya kahawig ang lalaking nakita ko sa panaginip? May pagkadismaya at guilt akong naramdaman bigla. Hindi ko alam kung bakit pero umasa ako na sana si Noah nalang siya dahil siya ang aking asawa at hindi ang ibang tao.
"Are you okay?" He asked me again.
Sahalip na sumagot, mabilis akong yumakap sa kanya. I really felt guilty about my dream.
Dahil feeling ko kahit isa lang iyong panaginip parang niluko ko na rin siya. Na dapat iyong paghanga at pagtibok ng puso ko sa ibang tao ay sa kan'ya ko lang maramdaman dahil siya ang asawa ko.
"Heyyy! It's okay Faye. It was a dream hmmmm! Forget about your dream is all nothing." He said and he hug me back.
Umiling ako at biglang lumuha. "I'm sorry... I'm really sorry Noah!... Sorry!" Sagot ko na lang bahang patuloy ang pagluha ko sa mata.
"What's wrong? Tell me everything Faye hmmm! I'm here. Don't cry my wife."
Maslalo akong nanlumo at nanghina sa boses niyang kay lambing. Gusto kong sabihin sa kan'ya ang mga napanaginipan ko. Pero hindi ko alam kung bakit parang may umudyok sa'kin na huwag sabihin. Kaya iniyak ko na lang bahang pinapatahan niya ako.
"Are you okay now?" He asked me again and I nodded.
Ngumiti ako sa kan'ya habang tinitingnan ang kan'yang mata.
"Bakit mo ako tinitingnan ng gan'yan hmmm?" Tanong ni Noah na naiilang.
"Wala ang ganda lang ng mga mata mo, hopefully na if ever na magkaanak tayo gusto kong magmana ang mata nila sayo." I said with a fake smile, dahil nagsinungaling nanaman ako.
Dahil gusto ko lang makita kung pariho ba sila ng mata doon sa lalaking laging lumilitaw sa panaginip ko. Pero malayong-malayo ang mata niya sa kan'ya.
Hayyts.. Bakit ko ba pinaghahambing silang dalawa?
Ngumiti siya ng may pag-alinlangan at biglang natahimik. Bumuntong hininga siya at iniling ang ulong ngumiti uli sa akin.
"I love that Faye. But the question is? You want it?" Seryoso niyang tanong.
Ako naman ngayon ang natameme sa tanong niya at napayuko.
Gusto ko ba?
He chuckled. "Im joking Faye... But if you want it. Why not? Ikaw lang naman ang hinihintay ko." Pabiro pa niyang sambit Bago tumayo at tumungo sa drawer ko.
Ngumuso ako sa kan'ya kahit hindi niya nakita.
Oo nga't mag-asawa kaming dalawa pero magkahiwalay ang kwarto naming dalawa. Nakakapagtaka man dahil ang alam ko ang mag-asawa ay tabi sa kama pero iba ang set up namin ni Noah. Simula ng magising ako mula sa paka-cuma eight months ago ay hindi na kami na kami magkatabi.
Ayon naman sa kan'ya kahit raw mag-asawa kami nirerispito parin niya ako. Magbigay lang daw ako ng signal kung pwedi na kaming magsama sa iisang kama ng walang ilangan.
Pero mag-aapat na buwan na kaming magkasma sa iisang bahay hindi parin kami nagtatabi.
Ewan ko, hanggang ngayon kasi hindi parin ako kumportable.
Hindi ko alam kung bakit? Pero sa tingin ko naman, he keeps his promises.
Hindi naman nagmamadali si Noah at ramdam ko ring naiilang siya sa akin maging ako rin naman sa kan'ya. Yong una akala ko dahil lang sa nawalan ako ng alaala pero nitong huli nagtataka na ako dahil kahit anong pilit ko na alalahanin siya kahit kaunting alaala hindi ko magawang alalahanin. Bagkos ibang tao ang mga nakikita ko. Ngunit lahat nang iyon malabo at hindi klaro. Isa na sa paulit-ulit na lumitaw sa panaginip ko mga taong nakita ko kanina.
Hindi ko mawari kung panaginip nga ba iyon? O parti ng mga alaala ko?
Apat na buwan na akong naririto kasama ang tatlong katulong na si Aling Bibeth, Rosa at Alice kasama rin ang nagkalat na taohan ni Noah sa buong Isla. Ngunit wala naman silang nababangit o mga tanong tungkol sa pagsasama namin ni Noah.
Ang weird lang kasi sa tuwing magtatanong ako iniiba nila ang usapan.
"Basta ang alam ko mahal na mahal nyo ang isa't isa Ma'am Faye," sagot ni Aling Bibeth nang magtanong ko kung gaano na nila ako katagal na kakilala.
Simula rin nang gumaling ako hindi man lang ako pinapatulong sa gawaing bahay. Lagi nilang inaagaw ang ginagawa ko, na para bang takot silang masaktan ako o ano?
Pilit ko silang inintindi dahil iyon ang utos ni Noah sa kanila.
"Naubos mo na ba ang gamot mo?"
Tumingin ako kay Noah na abalang kumakalkal ng gamot sa drawer ko. Last medicine ko na iyong ininom ko kanina.
"Uhmm!.. Sorry hindi ko agad nasabi sayo, dahil busy ka kanina." Mahinahong sagot ko.
Lumingon siya sa akin na may pag-aalala parin.
"It's okay.. Ipag-uutos ko na lang na bibilhan ka bukas. Pero ayos ka lang ba if ever na bumalik ang sakit ng ulo mo?"
"Yes Mr. Dalvin..Kakayanin ko for you." Nakangiti kong sagot.
Ngumiti na lang siya kahit bakas sa mukha ang pag-aalala. Hindi na rin siya tumagal nang magpaalam para bumalik sa kwarto niya.
Nang makaalis siya naging sunod-sunod ang pagbuntong hininga ko. Pinatay ko ang ilaw sa kwarto at tumungo sa balcony.
Sa pagbukas ng glass door sumalubong agad sa akin ang malamig na hangin na nagmumula sa labas. Magmamadaling araw na ngunit madilim parin ang paligid. Ngunit nakakatuwang tingnan ang mga ilaw na nagmumula sa kamaynilaan mula rito sa Isla.
Hilaw akong ngumiti patungo sa grills dala ang mga iilang katanungan sa sarili habang nililibot ang mata madilim na kalangitan.
Sino si Sophie? Sino ang lalaking nasa panaginip ko? Sino sila at bakit paulit-ulit ko silang nakikita sa panaginip ko?
Pagak akong tumawa ng mahina at umiling. Mukhang hindi tumalab ang gamot ko ngayon para kumalma ang sarili at mawala ang mga napanaginipan kanina lang.
Sa ngayon ang tanging hiling ko lang na sana bumalik na ang mga alaala kong nawala. Nang sa ganon ay masagot lahat ng aking katanungan.
Ilang menuto lang ang sinaglit ko nang maisipang pumasok na sa kwarto.
Itutulog ko na lang siguro ito baka sakaling gumaan pa ang pakiramdam ko.