Sunny Nang sumapit ang alas-singko ng hapon kahit nakatutok pa rin siya sa planner para sa company party. Hinila na siya ng boss niya, kaya todo pagpapabigat niya para lang makuha ang planner at bag niya, baka maiwan at hindi madala. Bukas na sila babalik ulit sa kumpanya para pumasok. May bukas pa bang malaking grocery pag pagabi na? Sabagay meron atang mga malalaking store na 24/7 na bukas kaya meron siguro. Habang nasa kotse sila, nakatutok lang ang paningin niya sa planner, naduduling na siya kung paano pagkakasyahin ang araw para magawa itong lahat, pero bigla na lang nawala sa kamay niya ang planner niyang hawak. Lumingon siya sa boss niya. "Bakit mo kinuha?" "Tama na muna ang trabaho. Ipahinga mo naman nag utak mo, baka sumakit ang ulo mo." Naningkit ang mata niya. "Magiging m

