Jarix Kinabukasan... Magaan ang katawan niya ng nagising siya, tuloy-tuloy kasi ang naging tulog niya kagabi kaya nasa mabuting kondisyon ang katawan niya. Tumayo siya para pumunta ng kusina, pero pag labas at daan sa tapat ng pinto ng kwarto ni Sunny ay nakabukas na 'yon. Sumilip siya, akala niya gising na natutulog pa pala na nakasandal sa ulunan ng higaan. Hindi man lang inayos ang pagkakahiga bago matulog. Lumapit siya at inayos ang higa nito. Nakita rin niya ang planner na binigay niya dito, talagang pursigido na matapos ang task na binigay niya. Kinumutan niya ito, siguro hindi muna sila papasok ngayon dahil late na rin naman at tulog pa si Sunny. Pumunta siya ng kusina par a magtipla ng kape, at habang nagkakape ay inayos na rin niya ang pinamili nila kahapon. Nilagay niya sa

