03 Akalang Pagkidnap

2062 Words
Sunny Umabot ng alas-siete na nasa opisina pa siya ng boss niya. Wala atang balak umuwi. "Boss, anong oras na. Baka gusto mong umuwi ng makauwi na ako." Napatingin ito sa orasan at sa labas ng opisina. "Sorry... masyado akong tutok sa papeles, pero tara na bukas ko na lang tatapusin ito. " Tumayo ito at kinuha ang attache case. Sumunod naman siya nang lumabas ito, hindi talaga siya hinintay. Nasa loob na sila ng elevator ngayon at tinatanong siya nito. "Saan ba ang lugar ng bahay mo?" "Malapit lang sir dito." "Saan?" "Malapit nga lang." Umismid ito at kita niya 'yon sa repleksyon nito sa elevator. "Ihahatid na sana kita, ayaw mo namang sabihin kaya huwag na lang." Wow a, utang na loob niya pa 'yon kung sakali. Hindi nga siya nito tinanong kanina kung kumain na siya kabod na lang lumabas ng opisina 'yon pala kumain na, pero siya sa tuwing babalakin niyang lumabas, ayaw nito. Saan siya dapat lumugar? "Huwag na sir, may pamasahe akong dala para makauwi." "Really?" Nakakunot niya itong tiningnan, pero seryoso lang itong nakatingin sa harap. Sarap itulak e. Nang nakababa na ang elevator sa mismong parking ng kumpanya ay lumabas agad siya at lumakad palayo sa boss niya. Ang layo ng labasan a, maling elevator ata ang napasukan niya, pang Ceo lang ata 'yon dahil diretso sa parking e. Malapit na siyang makalabas ng tumabi sa gilid niya ang kotse ng boss niya habang nakasilip ito sa bintana. "Ayaw mo talagang sumabay sa akin?" Umiling siya habang nakatingin sa harap. "Hindi mo magagastos ang pera mo kung sa akin ka sasabay." "No thanks, sir. Lumayas ka na ng tuluyan." "Sungit mo naman." Siya pa talaga ang masungit, e mas mukha itong mas masungit sa kanya. "Ayaw mo talaga, sumagot ka na ng final, aalis na ako." "Ayoko sir, kaya umalis ka na." "Okay." Pinaharurot nito ang kotse kaya sagap niya ang usok ng tambutso nito. Napahinto siya at hindi mapigilang hindi umubo, ang baho e. Napakawalanghiya talaga! Inis siyang lumakad ulit dahil palabas na siya sa parking, at nang nakalabas siya ay pagod na pagod ang paa niya. Bukas itatanong niya kung saan ang elevator ng empleyado ng hindi siya naglalakad ng sobrang haba makalabas lang ng parking. Naglalakad na siya ngayon sa gilid ng kalsada, medyo malayo naman sa mga sasakyan ang nilalakaran niya kaya hindi masyadong maingay. Habang pokus siya sa paglalakad ay hindi niya napansin na may kotse na huminto sa likod niya. Nagulat na lang siya nang may humapit ng bewang niya at binuhat siya. "Sino ka! Bitawan mo ako!!!" Nagpumiglas siya hanggang sa makababa siya sa pagkakabuhat nito, pero ang damit naman niya ang nawawala sa ayos dahil tumataas. "Sabi ng bitawan mo ako e!!" Inaabot niya ang mukha nito, pero lumalayo rin ito sa kanya. Nakabukas na ang pinto ng kotse nito sa passenger seat kaya madali na lang siya nitong napasok sa loob, pero sigurado siya may bukol ito sa ulo dahil nang nagpumiglas siya ay tumama ang ulo nito sa bubong ng kotse. Nang sinarado na nito ang pinto ay balak niya sanang buksan ulit 'yon nang lilipat na ito sa kabilang side, pero kinabahan siya ng hindi niya iyon mabuksan. Napalingon siya sa lalaki at talagang umakyat sa ulo niya ang galit. Hinablot niya ang damit nito at pilit inaabot ang buhok nito. "Siraulo ka, sir!!" "Aray...aray ko!" "Ikaw lang pala!!" Hinaharang nito ang braso para hindi maabot ang mukha nito. "Tama na... nakakadami ka na!" "Dapat lang sayo 'yan, kahit boss pa kita makakatikim ka talaga sakin ng maraming sugat!!" Hingal na hingal siya sa pinaghalong kaba at galit para sa boss niya. Akala niya may dudukot talaga sa kanyang ibang tao. Boss lang pala niya, hindi na lang siya kinausap may pa suspense pang ginawa para lang makasakay siya ng kotse nito. "Ayaw mo kasing sumakay ng kotse, gabi na kaya mahihirapan ka ng sumakay diyan. Ihahatid na lang kita." Humalukipkip siya habang nakasalubong ang kilay niya paharap ng kotse. Naiinis pa rin siya rito. "I'm sorry. Para makabawi, kain muna tayo diyan sa isang resto." Naningkit ang mata niya pero hindi pa rin siya tumitingin sa boss niya. Gagawa talaga muna ng kasalanan bago siya ayain na kumain. Nalipasan na siya ng gutom kanina pa. "O baka isipin mo na hindi rin kita inaya kanina. Nakalimutan ko lang dahil nakatutok ako sa pagbabasa, kaya nakaligtaan kong may kasama pala ako sa loob ng opisina." Galit siyang tumingin sa mata nito. "Nakalimutan mo pa rin sir. Tao rin ako, kumakain rin no!" "Kaya nga babawi ako 'di ba. Kakain muna tayo diyan sa malapit bago kita ihatid sa bahay mo." Hanggang sa makarating sila sa sinasabi nito ay nakabusangot ang mukha niya at walang kasiyahan na makikita dahil makakakain na siya ng kanin, finally! Ang boss niya na ang pumili ng lahat ng kakainin nila, habang naghihintay siya. Wala siya sa mood para pumili pa dahil sa ginawa nito sa kanya. Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya, seven thirty na, at baka makauwi siya mga alas-otso pa. "Tapos ka na bang mamili? Ang tagal mo naman, kahit kamatis lang at kanin ay okay naman ako." "Sandali na lang 'to. Ayaw mo kasing pumili e, dapat tinutulungan mo ako." "Wala ako sa mood, kaya bahala ka diyan. Pag ako nainis oorder ako ng kanin na lang ng makauwi na." "Ang init ba ng ulo mo. Hindi naman magpapakulo ng tubig diyan." Napanganga na lang siya sa sinabi nito. Ibig niyang sumagot pero pinipigilan na niya. Napupuno na siya e konting patak na lang talaga. "Nakapili na ako. Ubusin mo lahat 'yon a." "Gaano karami?' "Mga apat na putahe 'to, big size na plato." Tumawag ito ng waiter at sinabi ang order. "Kakain ka rin 'di ba?" tanong niya. Nagsalubong ang kilay nito. "Ang damot mo naman kung hindi mo ako pakakainin, e ako ang magbabayad." Napuno na talaga siya. Ilalabas na niya ang galit niya dito. "Pero para sayo talaga 'yon. Sasalo lang ako dahil anong oras na rin, para pag-uwi ay magpapahinga na lang ako at matutulog." Natikom niya ang bibig niya na dapat bubuka na at magsasalita. Naging malumanay kasi ang pagsasalita nito sa kanya. Dumating ang waiter na dala ang malalaking plato na may laman na iba't-ibang putahe. Tama ang boss niya malalaki nga ang plato, may lobster na sobrang laki, talangka, hipon na lahat ay big size, meron ding soup na umuusok pa na nasa dalawang mangkok. Parang 'yon lang ang kaya niyang ubusin. "Bakit ang lalaki naman nito? Tao tayo hindi alien." "Mauubos mo 'yan, masarap naman silang magluto e. Ako nga minsan ay nakakadalawang lobster pag dito ako kumakain." "Lalaki ka e, kaya mauubos mo talaga 'yon." "Wala sa gender 'yon pag gutom, kaya sige kumain ka na." Tiningnan niya muna isa-isa ang nasa lamesa. Hindi naman niya alam kung paano kainin yung talangka at lobster, hipon na lang ang kinuha niya at yung soup. Malinamnam ang hipon dahil ang laki ng laman, pati yung soup. "Ito tikman mo. " Tinuro ng boss niya ang lobster. "Paano alisin ang laman nito?" "Ako na lang, ibibigay ko na lang sayo, pati yung talangka." Napangiti naman siya. Mabait din pala ito. "Pero sa isang araw imasahe mo ako bilang kapalit." Nawala ang ngiti sa labi niya. May kapalit pa pala, pagbabalat lang naman ng kakainin din nito. Napailing siya at pinagpatuloy ang pagkain habang ang boss niya ay naghihimay ng lobster at talangka. "Sir." "Oh..." "Anong pangalan mo?" Naging estatwa ito saglit habang nakataas ang kamay nito dahil ang laki kasi talaga ng lobster. "Tinanggap kita bilang secretary ko, pero ang pangalan ko na nagsusumigaw sa ibabaw ng table ko ay hindi mo pa nakita? Ilang beses kang lumapit doon, tapos tatanungin mo ako kung ano ang pangalan ko?" Nakasubo sa kanya ang isang hipon habang nakatingin sa boss niya na hindi pa rin talaga gumagalaw sa pagkakahinto nito. "Hindi ko nabasa." "Ikaw na dapat ang maglagay ng salamin sa mata mo dahil ang laki-laki no'n tapos hindi mo nakita!" Napangiwi siya dahil medyo lumakas ang boses nito kaya napalingon siya sa mga kasama nila sa resto. "Sa mukha mo ako nakatingin sa tuwing lalapit ako. Paano ko makikita?" Napatingin na ito sa kanya, pero hindi pa rin talaga nito binababa ang hawak nitong lobster, kaya hinawakan na rin niya iyon at inalalayan na ibaba sa plato. "Sinusubukan mo ba akong pakiligin ha, Sunny?" Siya naman ang napahinto sa sinabi nito. Ano ang iniisip ng boss niya, gusto niya ito? "Ano bang sinasabi mo diyan, sir? Hindi no." Kinuha niya muli ang isang hipon niya dahil 'yon na lang ang nasa plato niya. Hanggang ngayon kasi hindi pa ulit nagbababa ang boss niya ng laman ng lobster sa plato niya. "Akala ko ay inlove ka na sa akin." Nasamid siya. "Ang bilib mo naman sa sarili mo sir. Hindi kita type." "Wow, ikaw lang nagsabi niyan na babae." "Ayaw mo no'n, first time mong na reject." Ngumisi ito. "For now." Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain niya, maging ito ay kinukuha na ang laman ng lobster. "Pero yung totoo, Sunny. Hindi mo talaga nakita ang pangalan ko sa table?" "Jarix William." At muli siyang sumubo ng kanin. Malapit na nga nilang maubos ang malalaking inorder nito. "Trip mo rin talaga ko e no." Ngumiti siya, parang ang tagal na nilang magkakilala ng boss niya kung magbiruan silang dalawa. Walang ilangan na naganap sa pagitan nila e. Parang hindi nga niya boss kung sagot-sagutin niya. "Dapat lang akong gumanti. Una sa namamanhid mong paa, pangalawa sa pagpapabuga mo ng usok sa tambutso ng kotse mo, pagdukot sa akin, at ang pang huli ay ang pag pilosopo sa akin kani-kanina lang." "Ang dami naman?" "Aba, magrereklamo ka pa, e ikaw ang nag-umpisa no'n, kaya dapat lang talaga akong gumanti sayo." "'Di bale, dadagdagan ko pa 'yon sa susunod na araw." Nagsalubong ang kilay niya. Kinuha naman niya ang inaabot nito sa kanya kahit naiinis siya, sayang ang pagkain kung tatanggihan niya, madalang pa naman siyang makakakain no'n. "Kumain ka na rin, ako na lang ang kumakain e." "Sige, pero ito muna yung huling laman ng lobster." Nilagay nito ang laman sa ibabaw ng plato niya saka ito nag-umpisang kumain. Nang natapos siya at nakapaghugas ng kamay ay pinagmasdan na lang niya ang boss niyang kumain. Gwapo pa rin kahit kumakain ito habang may sauce sa gilid ng labi. Napangiti tuloy siya, pero nalito rin sa ginawa ng labi niya, kaya inalis niya ang pagkakangiti sa labi niya at pinagsawa na lang ang sarili sa pagtingin sa boss niya, pero nang tumunghay ito ay mabilis pa sa paglipat ng sandata ng orasan ang mata niya. "Nakita 'ko 'yon." Patay malisya siyang kunwari na may kinukuha sa bag niya. "Ang alin sir?" "Nakatingin ka sa akin. Pinagtatawanan mo siguro ako?" Nagsalubong ang kilay niya, at kumuha ng tissue sa ibabaw ng lamesa. "Ito ang tissue, punasan mo ang sarili mong labi. Lumagpas na ang sauce diyan sa gilid ng labi mo." Asar pa nitong kinuha iyon. "Sabi na nga ba e, kaya ka nakatingin sa akin." "Hindi naman ako tumatawa a." "Sus, baka tapos ka na ng tumingin ako." "Magpunas ka na nga lang, ang dami mo pang sinasabi. Nagbibintang ka pa wala ka namang ebidensya, nakita mong naka poker face ako tapos sasabihin mong pinagtatawanan kita." Nagpunas ito ng gilid ng labi habang lukot ang noo, masama pa ata ang loob sa kanya. "Tapos ka ng kumain 'di ba? Halika na uwi na tayo." Aya niya sa boss niya. Tiningnan niya ang lamesa walang natirang laman ang lahat.Mga balat na lang. "Tara na, pero grabe ang time na naubos natin dito, alas-nuebe na." Nagulat siya at tiningnan niya ang oras sa cellphone niya. Oo nga, ang tagal naman no'n. Mabilis niyang sinukbit ang bag niya at tumayo. May trabaho pa siya bukas, anong oras na. "Halika na sir." "Sandali magbabayad lang ako." "Okay." Hinintay na lang niya ang boss niya sa labas. Malamig na pala, disyembre na kasi. Napangiti siya dahil wish come true bago magpasko ay may trabaho na siya. Akala niya ay mauubos ang ipon niya bago pa siya makahanap ng trabaho, kaya thankful talaga siya sa boss niya ngayon kahit puro pagtaas ng dugo ang inaabot niya dito kahit kakakilala pa lang niya ang boss niyang si Jarix William.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD