Sunny
"Tara na."
Lumakad sila ng boss niya papunta na ng kotse nito. Naglakbay ng ilang oras bago niya pinahinto ang kotse sa tapat ng bahay.
"Ito ba ang bahay mo?"
"Oo."
"Ikaw lang ba ang nakatira dito?"
"Ako lang mag-isa."
Tumango-tango ito. Narinig niya na nag-click ang lock ng pinto sa gilid niya. Binuksan niya iyon.
"Salamat boss, sa pagkain at paghatid."
"May kapalit 'yon, masahe."
Umirap siya. Hindi talaga makalimutan ang masahe na kapalit. Tuluyan siyang bumaba ng kotse at tumayo sa harap ng bahay.
Binaba nito ang salamin ng kotse at sumilip. "Pasok ka na."
"Mauna ka sir umalis."
"Ikaw na ang mauna, bago ako umalis."
Bumuntong-hininga siya bago lumakad palapit ng bahay at sa likod pumunta. Nang nag-stay siya ng ilang minuto doon ay sumilip siya sa harapan, wala na ang kotse ng boss niya doon. Muli siyang lumakad para pumunta sa tabi ng kalsada, at kumpirmado wala na nga, kaya naglakad na siya palayo sa bahay na 'yon. Hindi talaga niya bahay ang pinaghintuan nitong tapat, niloko lang niya ang boss niya. Ayaw niyang malaman nito ang tunay na bahay niya dahil kay Apollo, mahirap na baka magkaroon pa ng gulo kung sakali na makita ni Apollo ang boss niya.
Ang layo din ng nilakad niya, saka ang dilim na sa daan dahil ang mga tao ay nasa kanya-kanya ng loob ng bahay, kaya ang ilaw sa labas ng bahay ng mga ito ay nakapatay na. Huminto siya ilang hakbang pa ang layo sa bahay niya. Nakita niyang nakasindi na ang ilaw ng bahay, mukhang nasa loob na naman si Apollo. Kung puwede lang na huwag ng umuwi, gagawin niya huwag lang itong makita.
Binuksan niya ang pinto at nakitang malinis sa sala, himala walang bote na nakakalat na naman. Sinarado at pupunta sana siya ng kusina para uminom, pero may humablot ng braso niya at isang sampal ang sumalubong sa kanya. Hindi niya napaghandaan 'yon hanggang sa namanhid na lang ang pisngi niya. Masama niyang tiningnan si Apollo.
"Ano na naman ang pumasok sa kokote mo para saktan ako?!"
"Saan ka galing?!" Namumula ang mata nito sa galit, amoy alak din ang bibig nito.
"Wala kang pakialam kung saan ako nagpunta! Wala ka ring karapatan na basta na lang akong saktan kung gusto mo!"
"May karapatan ako, Sunny. Girlfriend kita!!"
Tumawa siya ng mahina na naging pagngisi. "Ilang taon na tayong wala, Apollo. Hindi mo na ako girlfriend at hindi na rin kita boyfriend!"
Tinulak niya ito para makadaan papunta sa kusina, pero habang umiinom siya ng tubig ay hinila siya nito kaya ang tubig na nasa baso ay tumapon at umagos papunta leeg at dibdib niya.
"Bastos ka talaga!"
"Dahil pinasasakit mo ang ulo ko, makakatikim ka sa akin!"
Dinala siya nito sa kwarto at tinulak pahiga sa kama. Tumama ang likod niya ng sobra sa higaan kahit medyo malambot naman iyon.
"Pagod ako, kaya umalis ka na dito!"
Sinakal siya nito. "Bakit? Nakipag-s*x ka sa iba kaya ka ginabi, walang puwedeng makinabang sayo kung hindi ako lang, Sunny, tandaan mo 'yon!"
Binitawan nito ang leeg niya at nagtanggal na ng sinturon ng pantalon nito, at inumpisahan na alisin ang lahat ng saplot niya. Habang siya ay nakatulala lang sa kawalan habang kung saan-saan dumadapo ang kamay ni Apollo. Hindi niya ito inaawat sa tuwing gusto nitong makipag-s*x sa kanya, dahil pag ginawa niya 'yon, bubugbugin siya nito hanggang sa hindi na siya makabangon. Naranasan na niya iyon dati, halos hindi siya makadilat at makabangon dahil buong katawan niya ay may pasa, para siyang pininturahan ng iba't-ibang kulay sa katawan dahil sa pasa niya no'n. Kaya hinayaan na lang niya ito sa gusto nito, pero hindi nasisiyahan ang katawan niya kahit i-massage pa nito ang dalawang dibdib niya, laruin ang p********e niya, o ipasok nito ang alaga sa p********e niya, si Apollo lang ang nasisiyahan sa ganun, siya simula ng makipaghiwalay, wala nang naging epekto ang katawan niya sa ginagawa nito.
Para na lang siyang mannequin na hinahalay ng isang tao na baliw, dahil nakadiretso lang siya at walang makikitang ibang emosyon sa mukha niya habang naglalabas pasok ang alaga ni Apollo sa kanya. Manhid na siya sa ganito, at tinanggap na lang niya ang kapalaran niya na kung walang magliligtas sa kanya ay habang buhay na siyang isang laruan na pinaglalaruan na lang ni Apollo.
Muli nitong hinawakan ng mahigpit ang leeg niya. "Sa akin ka lang... walang ibang lalaki na makikinabang sayo, ako lang!" Habang sinasabi ni Apollo iyon ay gumagalaw ito sa ibabaw niya.
"Walang nagmamay-ari sa akin, Apollo. You can ruin my body, pero hindi ako magiging sayo!"
Ngumisi ito. "Subukan mong maghanap, Sunny, parehas ko kayong dadalhin sa hukay ng buhay. Yung tipong humihinga pa kayo, pero nandoon na kayo sa ilalim ng lupa, at doon na tuluyang bawian ng buhay."
"Hayop ka!!"
"Kaya huwag mong balakin na may lalaking mapalapit sayo, ikaw rin, kasalanan mo kung sakali na madamay siya dahil lumapit ka." Tumulo ang luha niya sa mata dahil sa galit. "Kung hindi ka rin sa akin mapupunta ng buong-buo, Sunny, ay mandadamay ako ng iba, at sa tingin mo ba may tatanggap sayo e laspag ka na!"
Nagwala siya habang nakapasok pa rin ang alaga nito sa kanya, pero pinisil nito ng madiin ang isang dibdib niya kaya huminto siya. Ang sakit, sobrang sakit no'n.
"Kaya kung ako sayo mag-behave na lang ako, dahil kung hindi baka mangyari sayo ang nangyari noon na hindi ka makatayo dahil sa pasa sa katawan mo."
Pinagpatuloy nito ang pagtaas-baba sa p********e niya hanggang sa labasan ito sa labas. Ayaw nitong pinuputok sa loob dahil ayaw ni Apollo ng responsibilidad kung sakali na mabuntis siya. Pinagpasalamat niya iyon dahil ayaw niya ring magka-anak kay Apollo, pero umiinom pa rin siya ng pills para sigurado. Hindi natatapos sa isang labasan lang si Apollo, umaabot ng sampong round ang ginagawa nito sa kanya, kaya pagod na pagod na siya pagkatapos, pero si Apollo ay hindi man lang makikitaan ng pagod sa katawan.
Nang natapos si Apollo sa pang-sampo na pagpasok sa p********e niya ay humiga ito sa gilid niya, ilang saglit pa ay nakatulog na ito. Dahan-dahan siyang tumayo at pumunta ng banyo para doon ibuhos ang lahat ng luha niya habang nililinisan ang sarili. Daig pa niya ang nagtatrabaho sa bar, pero mas okay naman sila kaysa sa nararanasan niya kay Apollo.
Bukas hindi niya alam kung ano ang magiging itsura niya pag pasok sa opisina, mukha na naman siguro siyang may sakit dahil sa pagod at may mugto na mata. Hinugasan niyang mabuti ang tiyan niya dahil doon lahat nilagay ni Apollo ang katas nito, parang nakadikit na ayaw maalis. Nang natapos siya ay lumabas siya ng banyo na nakahubad, hindi na siya nag-abalang magbalot ng tuwalya hanggang sa makapasok ng kwarto at doon na rin nagbihis.
Tumingin siya kay Apollo na hubad pa rin hanggang ngayon. Nakatayo pa rin ang alaga nito na hindi naman bumababa kahit ilang beses ng labasan at gamitin. Hindi siya nag-abalang takpan ang katawan nito, kumuha siya ng unan at doon siya matutulog sa sala, sa mahabang upuan. Hindi siya tumatabi kay Apollo sa tuwing nandito, ayaw niya at hindi mangyayari. Tama na ang paggamit nito sa katawan niya, pero ang tumabi pa dito ay ayaw na niya.
Kinabukasan...
Nang nagising siya tulog pa rin si Apollo sa higaan niya. Nagbihis lang siya at hindi na naligo pa dahil baka magising si Apollo at may mangyari na naman. Umalis siya sa bahay na hindi nag-almusal.
Habang sakay ng taxi papunta ng kumpanya ay nakatulala lang siya, kung hindi pa siya tinawag ng taxi driver hindi siya magigising sa pagkatulala. Nagbayad siya at bumaba ng taxi, tumingin siya sa taas ng building ng boss niya. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na may trabaho na siya, at sa malaking kumpanya pa. Sa buhay na meron siya , ito na lang siguro ang masasabi niyang maganda pati ang magulang niya. Pero ang sarili niya mismo, ay wala ng pag-asa pang maging maganda.
Lumakad siya ulit at pumasok sa loob, para siyang namamasyal sa gitna ng isang hardin. Lumilipad kasi ang isip niya at kung saan-saan napupunta na parang sa libro ng pantasya habang naglalakad papunta sa elevator.
Huminto siya at tumingin sa katabi niya.
"Excuse me, Miss."
Tumingin naman ito sa kanya. "Yes?"
"Ito ba ang elevator ng mga empleyado?" Tinuro niya kung saan siya nakahinto.
"Hindi diyan, kay sir at sa ibang directors lang ang puwede diyan. Dito ka kasama ko, anong floor ka ba?"
"Sa floor ng boss, hindi ko alam kung anong floor 'yon e."
"Ikaw ang new secretary ni Sir?"
"Oo ako."
"Akala ko ikaw ang girlfriend niya. Nakita ko kasi kayo kahapon na kumakain sa resto."
Lihim siyang napangiwi. "Kakain kasi siya nakita ako kaya sinabay na ako sa kanya."
"Ang bait naman ni sir, sabagay mabait naman talaga si sir kahit noon pa man." Bumukas ang elevator sa tapat nito. "Pasok na tayo, abot naman 'to hanggang sa floor ni sir."
"Okay."
Parehas na silang pumasok sa loob, may mga humabol pa kaya medyo naparami sa loob, pero siya ang huling lalabas ng elevator dahil nasa pinakatuktok pala ang floor ng opisina ng boss niya, nakita niya yung number sa elevator.
Paglabas niya ng elevator ay diretso na siya sa desk niya na wala ng tao dahil last day na ng secretary kahapon ni sir. Malinis at naka-ayos na ang lahat doon, kaya umupo na lang muna siya dahil kailangan pa niyang basahin ulit ang nasulat niya kahapon kung ano ang uumpisahan niyang gawin ngayon.
Habang nagbabasa ay napatulala siya, dahil parang ayaw gumana ng katawan niya at utak dahil sa pagod. Magkaka-trangkaso pa ata siya, kinuha niya ang isang file, pero hindi rin makapag-focus ang utak niya doon, parang nakalutang sa ere at gusto man niyang ibalik ay hindi kaya, kailangan niya ng pahinga. Mag rent kaya siya ng bahay para malayo kahit saglit kay Apollo, kung hindi niya gagawin 'yon baka araw-araw hindi niya magawa ang trabaho niya. Sisante agad ang mangyari kahit kakapasok lang niya, pero naisip din niya na ang laking gastos din no'n dahil sa kuryente, tubig, bayad ng bahay, at pagkain pa niya.
Pinilit niyang ituon ang isip muna sa trabaho hanggang sa kahit paano ay nakapag-focus siya sa papeles na dapat niyang ayusin muna bago ibigay sa boss niya. Nang nawala na naman siya sa focus ay kinuha niya ang phone niya, hindi nga pala alam ni Apollo ang bago niyang number, kaya walang sisira ng araw niya dahil tawag ito ng tawag, lalo pa ngayon hindi nito alam na may trabaho na siya, kaya mapipilitan pa ata siyang maghanap ng bahay na puwedeng rentahan talaga, bahala na sigurong maubos ang ipon niya, mababalik naman pag sumahod na siya.
Hindi pa nga pala niya natatawagan ang magulang niya, mamaya na lang siguro. Matagal na rin pala ng huli siyang nakapagpadala ng pera, kaya mamaya din ay magpapadala siya pag oras na ng tanghalian.
"Sunny."
Gulat siyang napatunghay. "Boss, ikaw pala."
"To my office," sagot lang nito bago umalis sa harap niya. Kanina pa ba nandito ang boss niya, wala kasi siyang napansin na may dumating dito sa floor na 'to, o sadyang lumilipad lang ang utak niya, literal na sa kung aan-saan talaga.
Tumayo siya at urong-sulong, kung kukuhanin ba niya ang file sa ibabaw ng table o huwag muna, pero para sure ay kinuha niya iyon lahat at dinala sa opisina ng boss niya. Nilapag niya iyon sa table nito na kinagulat naman nito, tumingin sa file sa harap nito habang nakakunot ang noo.
"Bakit dala mo 'tong lahat?"
"Baka kasi kailangan mo na kaya dinala ko lahat."
Napahilot naman ito sa sintido, mukhang mali siya ng ginawa sa pagdadala ng file na sobrang dami. Hinati niya iyon sa dalawa para hindi bumagsak dahil hindi pantay ang pagkakapatong, baka bumagsak sa mukha ni sir, magalit pa ito sa kanya. Nang okay na ay tumayo siya ng tuwid at hihintayin na lang kung ano ang sasabihin nito sa kanya na importante. Importante 'yon dahil hindi naman siya papapasukin sa opisina nito kung hindi importante.