Chapter 5

1677 Words
At kung kailan naman kailangan mong tumakas, tsaka pa busy ang sasakyan mong elevator. Iritang irita ako habang pinapanuod kong tumitigil sa halos bawat floor ang lift. Nakakaasar! “Hindi mo man lang ako hinintay.” Napairap na lang ako sa boses na narinig ko. How does he expect me to wait for him when he’s busy flirting with someone else? Ugh! I don’t like this. I sound like I’m a possessive girlfriend. I am not. I am not! “Why would I wait for you?” Tanong ko sa kanya. Narinig ko ang pagsinghap niya sa tabi ko. “Well, I went with you here.” Walang bahid ng joke sa boses niya. “You followed me here.” “Still the same. I followed you so I went with you.” Maagap niyang sagot. “What’s wrong?” Halos pumiyok ang boses niya sa tanong na iyon. I glared at him. “What’s wrong?” I scoffed. “Why are you even here?” Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa nakita ko sa kanya. He stared at me, silent and biting his lower lip. Parang hirap na hirap siyang itago ang ngiting sisilay sa labi niya. What the? Natatawa pa siya?! “I smell jealousy. I wonder why…” diretso ang tingin niya sa akin habang binibigkas ang mga salitang iyon. Jealous?! At saan naman niya napulot ang ideyang iyon? “I really wonder where you’re getting all your confidence.” Asik ko sa kanya. I am not jealous! I am just…ugh! Ngumiti siya sa akin. “I wonder where you’re getting all your jealousy…” Sagot niya. Tumikhim ako at tumingin palayo. Bwisit! Why does he keep on pushing that subject? Hindi ako nagseselos! Ano ba?! Tumunog ang lift at sumakay ako roon. May apat na babae sa loob na tantya ako ay mga bantay or bisita ng mga pasyente. Kitang kita ko ang pagkinang ng kanilang mga mata nang nakita nilang sumakay si Luke sa loob. Dinig na dinig ko ang mahinang hagikgik nung babaeng may kulay gold na buhok. Hindi ko maisip kung saan ko ba siya nakita ngunit pamilyar siya. Isa ba siyang artista? Hindi ko alam. “Hi,” malanding sambit ng katabi ng humahagikgik na babae. Kitang kita ko ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi niya habang malagkit na nakatingin kay Luke. Nilingon siya ni Luke at ngumiti. I really wanted to scoff at him pero hindi ko ginawa. It’s not right to mess with someone else’s business. Buhay niya iyan. Kaya na niya iyan. “Hello,” ngiting ngiti siya sa pagsagot ng bati ng babae. Halos mabingi ako sa tili ng mga babae sa elevator. Seriously? Ganito ba sila kadesperado para sa atensyon ng isang lalaki? “You’re Attorney Lucas Gabriel Bautista, ‘di ba?” Tanong ng may kulay gold na buhok. Tumango si Luke. “Yep. At your service…” Malanding sagot niya. Halos hindi ko mapigilan ang pagtikhim sa paglalandiang naririnig ko. Hindi magkamayaw ang ngiti ng mga babaeng ito habang pinapaunlakan naman sila ni Lucas Gabriel. Once a playboy, always a playboy. “I have a problem…” simula ng babaeng may maikling buhok. Ang hirap pigilan ng pag-irap ko habang naririnig ko ang mga malalandi nilang boses. “My husband and I are about to get annulled—” Hindi ko pinatapos ang sasabihin ng babae dahil tumunog na ang lift sa ground floor. I rolled my eyes when I realized what that woman was saying. She’s married and I think she likes Luke to handle the annulment case. Well, not that I really care about Luke’s job pero seriously? Kapag naging abogado siya ng malanding iyon ay malamang mamatay naman siya sa harassment. Sa itsura pa lang no’n ay parang lalamunin niya si Luke nang buhay! Dali-dali akong naglakad papunta sa clinic ko nang hindi lumilingon. Hindi ko alam kung sumunod ba si Luke sa akin o ano but that’s not my business. Hindi naman niya ako kailangang sundan. True enough, fifteen minutes na ang nakakalipas ay wala pa ring Luke na nagpakita sa office ko. Malamang ay sumama na iyon sa mga malalanding babaeng iyon. I shouldn’t care. I really shouldn’t, right? Pero bakit kahit anong pilit kong ituon ang buong atensyon ko sa mga papeles sa harap ko ay hindi ko magawa? I closed my eyes and leaned on my chair. Ang isiping sumama siya sa mga malalanding iyon ay nagpapabigat sa dibdib ko. Why am I this affected? I shouldn’t be affected but…damn! Umayos ako ng upo nang marinig kong may kumatok mula sa pintuan. “Come in,” mahina kong sabi habang hinihilot ang sentido. Pagbukas ng pintuan ay halos lumundag ang puso ko nang makita ko si Luke na nakatayo doon, may hawak na supot. Ngumiti siya habang naglalakad papalapit sa akin. Tumikhim ako. “What are you still doing here?” Nagtaas ako ng kilay. Itinaas niya ang kamay niyang may hawak na supot. “Midnight snack?” Ngiti niya sa akin sabay lapag ng supot sa mesa ko. Tiningnan ko siya. “Who told you to buy me food?” Masungit kong tanong. Suminghap siya bago umupo sa harapan ko. “No one needs to tell me. I have a mind of my own.” Sagot niya at saka binuksan ang supot. Inabot niya sa akin ang burger. “And besides, I told you I’d eat midnight snacks with you.” Tinitigan ko siya habang hinahawi niya ang mga papeles na maaaring mabasa sa tulo ng pawis ng baso ng iced tea. “Eat.” Aniya. “Bangag ka na nga, hindi ka pa kumakain.” Tumikhim ako bago sumisim sa iced tea. Suddenly, nakaramdam ako ng gutom. Hindi naman ako nagugutom talaga pero nang matikman ko ang iced tea ay gusto ko nang kumain. Nangingiti siyang nakatitig sa akin. Hindi ko alam ang iniisip niya pero habang nakikita kong ganito siya ay parang gusto ko siyang suntukin. “Have some fries.” Aniya habang inilalapit sa mukha ko ang isang pisaso ng fries. Umirap ako at matalim siyang tinignan. Humalakhak lamang siya. “Ang sungit mo! Ang sarap mong halikan pag nagsusungit ka, e.” Tawa niya na halos mabulunan pa sa fries na sinubo niya. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nakakainis! He really just couldn’t keep his thoughts to himself. Leche! Binato ko siya ng fries na nasa harapan ko nang hindi pa rin siya tumitigil sa paghagalpak sa tawa. Ano bang nakatatawa? At bakit ba ako nagsusungit? “Shut up!” Singhal ko sa kanya. Umiling lamang siya at tumingin sa akin. “Bakit ka muna nagsusungit?” Hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi niya. “Hindi ako nagsusungit, alright?! Wala lang talaga ako sa mood!” His lips thinned as he looked at me. “Wala sa mood?” Tila nanunuya niyang tanong. “But, Deonna, you were kissing me just fine kanina. Bigla ka lang namang nagsungit noong may kinausap akong ibang babae.” Hindi ko maiwasang mapansin ang ngiting gustong sumilay sa labi niya. I hate it! I hate it when he smiles like he knows something about me that even I don’t even know about. “Admit it, Doc. You’re jealous.” Halos malukot ang mukha ko sa pagkakakunot nang marinig ko ang sinabi niya. “Excuse me, your honor! Masyado ka naman atang nag-i-ego boost ngayon?” Tanong ko. “Me? Jealous? And why would I be?” He shrugged. “Yeah, why would you be? Wala ka namang dapat ikaselos dahil wala lang naman iyon. I was just being a nice guy by entertaining them.” Ngumisi siya. Napangiwi ako sa narinig ko sa kanya. “Wala namang dapat ikaselos dahil wala rin naman tayong relasyon.” Ani ko. “So what if you kiss other woman in front of me? That’s nothing!” I could notice his surprise in my sudden outburst. And why am I this angry? Wala naman siyang ginagawang masama. He could talk and have s*x with any other girl all he wants and I would not even blink an eye on that! Pero bakit…damn! Kitang kita ko ang pag-igting ng bagang niya sa sinabi ko. “You know I wouldn’t kiss anyone in front of you.” Walang halong biro niyang sagot. “Oh, I’m sure!” Halakhak kong hindi natitinag sa seryoso niyang pahayag. He pursed his lips in a thin line at tumitig sa akin. “I won’t.” Malamig niyang sabi. Suminghap siya at tumingin sa iced tea. “Just eat. Masyado ka nang madaming nasasabi.” Nanliit ang mata ko sa kanya ngunit hindi na ako nagsalita. Alam kong seryoso siya sa mga sinsabi niya. Kumain na lang ako nang tahimik. Minutes passed and no one still dared to talk. I’d like to think that we’re just busy eating but I could not deny the awkward atmosphere between us. Ngayon ko lang naisip na baka nga mali ang pagkakasabi ko sa mga bagay na iyon sa kanya. Of course, even it’s true, sana ay itinikom ko na lang ang bibig ko. “Thank you pala.” I was the one who broke the silence. I feel so guilty for rubbing on his playboy side. Honestly, hindi ko naman alam na ayaw niya palang naririnig ang mga iyon. He looked at me with narrowed eyes. Umismid ako. “For the food, I mean.” He let out a deep sigh and nodded. “You don’t have to thank me.” Malamig pa rin ang boses niyang nagsalita. “I don’t really like starving you. And I said I would eat midnight snacks with you.” Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang lalong pagka-guilty sa tono ng boses niya. Kasalanan ko naman. Even if I’m just telling the truth… “Don’t worry. Aalis na rin ako pagkatapos nito.” Aniya habang pinupunasan ang labi niya. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong tumayo siya sa upuan. Parang may dumadagan sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga habang iniisip kong galit siya sa akin. I’ve never felt this way before but I just want everything to be alright between us. Akmang maglalakad na siya papuntang pintuan nang tumayo ako at sumunod sa kanya. Damn. I want him to stay here. I don’t want him to go. Iniisip ko pa lang na aalis siyang masama ang loob sa akin ay para na akong nasasakal. I held his arm before he opens the door, pulling his face towards mine and giving him a deep kiss. Ramdam ko ang pagkagulat niya pero I don’t give a damn. This just feels better.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD