Chapter 4

1628 Words
Hindi ako tinantanan ng kambal na iyon hanggang sa magpaalam akong may aayusin na mga investment deals sa kumpanya. Kahit naman busy ako sa pagdodoktor ay hawak ko pa rin ang finance department sa kumpanya namin. Wala akong naisagot sa kanila kung hindi ang pagdedeny ko na boyfriend ko ang kahalikan kong iyon. Of course, Lloyd got mad. Bakit daw ako magpapahalik kung hindi ko naman boyfriend? Well, inisip kong kapag sinagot ko iyon ay mas lalo lang mag-aalab ang galit niya. So, I remained silent and firm to my stand. Besides, I’m telling the truth. Lucas Gabriel isn’t my boyfriend. “Doc?” Tanong ng sekretarya kong si Kim habang nakaupo ako sa swivel chair sa clinic, nag-aayos ng mga papeles para sa brewery. Tinuon ko ang tingin ko sa kanya. “Nandito po si Attorney Bautista.” Kagat niya ang labi niya habang binubuksan ang pinto para kay Luke. Tinaas ko ang kilay ko nang makita kong napaka-casual ng suot niya ngayon. He’s just wearing a white shirt and jersey shorts over his pair of Jordans. Medyo pinagpapawisan rin siya. Ngumisi siya at lumapit sa akin. “Missed me?” He raised his brow. Napangiwi ako at napairap. “It’s just been hours.” Sagot ko at binaling muli ang atensyon ko sa mga papeles. Naramdaman kong dinudungaw nga ang mga papeles. “You’re in a hospital but you’re doing your office work.” Aniya. “Pwede pala iyon?” Tumango ako. “My shift is quiet at night. Kaya nagagawa kong tapusin nang maayos ang mga gawain ko sa opisina.” Sagot ko. Nagbuntong hininga siya at hinila ang upuan sa tabi ko. Gusto ko siyang itulak palayo dahil ayokong madikit sa pawis niya ngunit nang maamoy ko ang pabango niya ay halos bumigay ang tuhod ko. “You’re too busy, Deonna.” Aniya. “Andami mong responsibilidad.” I looked at him. “Ikaw? Wala?” Tanong ko. He smirked. “Wala. Ikaw lang naman.” Nanliit ang mata ko sa sagot niya. Ako? Nagpapatawa ba siya. “Maligo ka nga!” Bulyaw ko upang mailipat ang topic naming dalawa. “Samahan mo ako?” Mapaglaro ang ngiti niya sa mga labi. Umirap ako. “You’re almost twenty-nine, hindi ka pa rin marunong maligo?” Pang-aasar ko sa kanya. Ngumisi siya. “Alam kong maligong mag-isa. Pero habang nandito ka naman, samahan mo ako. You know? Conserve water, shower together.” Halakhak niya habang pinapalo ko ang braso niyang pawis na pawis. “Saan ka ba galing at pawis na pawis ka?” Tanong ko. “Now, you’re interested.” Ngisi niya. I scoffed. “Never mind, then.” Irap ko at tumingin ulit sa mga papeles sa harap ko. Bahagya siyang tumawa at iniyakap ang braso niya sa baywang ko, hinihila ako palapit sa kanya. “Selos ka na naman agad?” Aniya. Sumikip ang dibdib ko. Selos? Why the f**k would I get jealous? Wala naman kaming relasyon! Saan ba niya napupulot iyang mga pinagsasabi niya? “I was just with my cousins. Bumisita sila dito galing Cebu para sa honorary event ni Mommy next week.” Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit siya nagpapaliwanag. But otherwise, pinakinggan ko. “We just played ball.” Hence, his sweaty clothes. Hindi ko malaman kung bakit parang may mainit na dumadaloy sa puso ko. This warmth…why am I feeling it now? Dumampi ang mga labi niya sa balikat ko. “You’re coming with me sa honorary ni Mommy next week. Saturday.” Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “Bakit?” Simpleng tanong pero may napansin akong pagkadismayang lumandas sa mga mata niya. Suminghap siya nang parang wala siyang narinig sa akin. “As my date, of course.” Sagot niya. Nagtaas ako ng isang kilay. “Why me? Marami namang iba diyan.” Maagap kong sagot. “Ikaw na ang nagsabi, busy akong tao.” Ngumisi siya at hinila pa ako lalo sa katawan niya at dali-dali naman akong umapila. “’Yung pawis mo naman, Luke!” Pero hindi siya tumawa. “I don’t like hearing those words again, Deonna.” He uttered in a voice without any humor. Napakaseryoso ng boses niya. Nanliit ang mga mata ko at tumikhim. “Kung ayaw mong marinig ang mga iyon, maligo ka—” Hindi na ako natapos sa sasabihin ko dahil bigla niyang pinaglapat ang mga labi namin. His eyes are closed while mine were wide open. His lips didn’t move. They were static above mine for five whole seconds. “I’m not pertaining to the sweat, Deonna.” Aniyang napakalapit pa rin ng mukha sa akin. “It was your words before that.” His dark brown eyes pierced through mine. This is not the first time that I have gazed into these beautiful pair of eyes but it’s just now that I’m amazed at how enchanting they are. Ang mga mata niya ang pinakamagandang pares ng matang natitigan ko sa balat ng lupa. “Sure! Maraming iba diyan pero ikaw ang gusto kong kasama sa honorary as a date.” Halos pabulong ang pagkakasabi niya kaya naman parang mawawala na ako sa sarili ko. Shivers rushed through my system. “Siguro naman kahit maraming iba diyan, may karapatan akong piliin kung sino ang gusto kong isama?” Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at para akong mababaliw nang makita ko iyon. “So, Deonna Myrcelle Dela Fuente, can I have you as my date?” Walang halong biro ang pagkakasabi niya. Sa sobrang lapit ng mga mukha namin ay halos mawala na ako sa wisyo. “What if—” Hindi na naman niya pinatapos ang mga sasabihin ko dahil siniil na naman niya ako ng kanyang maiinit na halik. Kung kanina ay mababaw lamang, ngayon ay halos ayaw niya na akong huminga sa sobrang pusok ng halik niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagsimulang tugunan ang mga halik niya. Ang kamay niya ay nasa pisngi ko habang ang isa ay lumipad sa batok ko, hinihila ang mukha ko upang mas lalo pa kong mapalapit sa kanya. Mas lalong lumalim ang halik niya ngunit natigilan kami nang bumukas ang pinto. Nakatayo roon ang isang nurse na may hawak na isang chart at si Kim. s**t! Agad akong kumalas kay Luke na ngising ngisi sa tabi ko at itinuon ang atensyon sa nurse. “Yes?” “Uh…” hindi makatingin sa akin nang diretso ang nurse. “Doc, wala po kasi iyong residente kaya sa inyo ko na lang po irerefer iyong pasyente ni Doctor Gonzalo.” Maliit ang boses niya. Tumango ako at inanyayahan siyang umupo sa upuan sa harap ng mesa nang maramdaman ko ang kamay ni Luke na dumapo sa hita ko. Nanliit ang mata ko habang tumitingin sa kanya pero kinagat niya lamang ang labi niya, itinatago ang sisilay na ngiti. Ibinalik ko ang atensyon ko sa nurse na naiilang na umupo sa harap ko. “Ito po kasi doc…” Panimula niya at ipinaliwanag ang nangyayari sa pasyente. Halos mapaungol naman ako ang maramdaman kong hinahaplos ni Luke ang hita ko, pataas at pababa. Kahit na naka-maong ako ay damang dama ko pa rin ang haplos niya. “Pupuntahan ko na siya.” Ani ko sabay tayo kaya naman napaatras si Luke sa tabi ko. “Let’s go.” Hindi ko pinansin si Luke sa likod ko. The nurse led the way while I followed. We were nearing the elevator nang makita kong sumusunod sa akin si Luke. Nilingon ko siya at pinandilatan. “Why are you following me?” I hissed. He smirked and wrapped his arm around my waist. The people—both visitors and some patients—stared at us like we’re doing something wrong. “They’re looking.” Mahina ngunit mariin kong sambit sa kanya. Lumingon pa siya sa paligid. “So what? They can stare all they want.” Aniyang walang pakialam sa lahat ng tao sa paligid.’ He only let me go when we entered the elevator. Nang makasakay kami ay nakita ko si Theo, ang isang kaedad ko sa Internal Medicine. “Hi, doc.” Aniya. Ngumiti ako at tumango. “Hi, Theo!” Bati ko pabalik. “Night ka rin?” Theo shook his head. “Galing akong convention. Bibisitahin ko lang ang pasyente ko.” Aniya at saka napatingin sa taong nasa tabi ko. Nanliit ang mata niya nang umakbay sa akin si Luke. Tumikhim si Theo nang lalo akong inilapit ni Luke sa kanyang katawan. I wanted to elbow Luke so bad but there are more than five people inside the lift. Ayoko naman siyang ipahiya sa harap ng maraming tao. “Stop talking to him.” Bulong niya sa akin ngunit alam kong rinig iyon sa buong elevator. Sinamaan ko siya ng tingin. Why is he possessive all of a sudden? Hindi ba ay wala naman dapat kaming pakialam sa isa’t isa. We’re getting what we need from each other—the hot s*x, the burning physical desire. Tumikhim ako at hindi na nagsalita. Sa pintuan ng elevator ay kitang kita ko ang iritasyon sa mukha ni Theo. Narinig ko naman ang pagngisi ni Luke sa tabi ko. Wala talaga siyang pakialam. Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ang nurse na maghahatid sa amin sa pasyente. Sumunod ako at hinayaan si Luke na sumunod rin kahit na iritang irita na ako sa kanya. “Hi, doc!” Bati ng mga nurses at iba pang hospital aides na dinadaanan namin. Ngumiti lang din ako at bumati pabalik. “Oh my god! Ang gwapo!” Hindi nakatakas sa pandinig ko ang daing ng isang bantay ng pasyente. Napalunok ako dahil alam ko namang si Luke ang tinutukoy niya. Umiling na lang ako at nagbuntong hininga. Iba talaga ang karisma niya sa mga babae. Hindi ko naman iyon maipagkakaila dahil kitang kita ko naman. Pumasok ako sa silid ng pasyente at sinimulan na ang pagpapalit sa dressing ng sugat niya sa ulo. Hindi naman pumasok si Luke sa loob, isang bagay na ipinagtaka ko ngunit agad ko ring isinantabi. Ang gulo ko rin. Kaninang sunod siya ng sunod, naiirita ako. Ngayong nagpaiwan siya, nagtataka ako. Nang matapos kong palitan ang wound dressing ay agad na akong nagpaalam sa pasyente at lumabas. Halos mangitim ang paningin ko nang makita ko si Luke na nakikipagkamayan sa isang parang modelong babae. Humugot ako ng malalim na hininga at saka naglakad nang mabilis. Palayo. f**k!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD