CHAPTER 12 Masayang nagpasalamat si Ash sa mga bisitang dumalo sa kasal nila ni Isla. Kanina pa namamasa ang mga mata ng asawa niya dahil sa hindi ito makapaniwalang ganito karami ang bisita. Nakipagkamay pa siya sa kaibigang si Vahn. May kasama itong babae. Nagugulat pang napatayo nang maayos ang asawa nang makita si Vahn at ang kasama nito. "Bakit magkasama kayo?" nakangusong tanong ng kanyang asawa sa kaibigan nito. "Why? What's wrong with them being together?" naguguluhan niyang tanong rito. Para bang gulat itong makita na may kasamang babae si Vahn. "Wifey, masanay ka na. Ganiyan talaga si Vahn," pagbibigay-alam niya sa asawa. Dahil doon ay nakatanggap nang malakas na pagsiko si Vahn mula sa babae kaya mas naguluhan siya. "What's wrong with you people?" naguguluhan niyang ta

