HINDI inasahan ni Pablo na magugustuhan niya ang pambatang pelikula na iyon. The movie was about monsters scaring children. Mula sa tili ng mga batang tinatakot ng mga monster ay nagkakaroon ng enerhiya sa monsters’ world. Kahit pambatang pelikula iyon, may mga bagay rin siyang natutuhan. Gaya ng may mga paraan para ma-overcome ng isang tao ang takot nito. Tuwang-tuwa sina Sebastian at Cassandra sa panonood. Nakaupo sa sahig si Sebastian at katabi naman niya si Cassandra sa sofa. Paminsan-minsan ay sumisiksik ito sa kanya. Inakbayan niya ito at sinubuan ng popcorn. Pagkatapos nilang panoorin ang Monsters, Inc. ay napatingin siya kay Cassandra. Nakatingala ito at nakangiti sa kanya. Tila hindi pa ito inaantok. “Boo,” pabirong sabi niya. Iyon ang pangalang ibinigay ng blue monster na si Su

