31

1160 Words

“MAY DATE ka talaga?” tanong ni Pablo sa Ate Elizabeth niya pagpasok na pagpasok niya sa loob ng silid nito. Nadatnan niya itong nakaharap sa vanity at nagme-makeup. His older sister was very beautiful. May aura lang ito na masungit kaya nangingilag ang mga taong lumapit dito. Mabait ito, intimidating lang ang presence nito. Nagulat siya nang malaman niya na may date ito. Iyon ang unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon na lalabas ito kasama ang isang lalaki para sa isang date—hindi niya sigurado kung romantic o friendly date iyon. Mula nang malaman nito na nagdadalang-tao ito kay Sebastian ay hindi na ito nakipag-date at hindi na rin ito nag-entertain ng mga manliligaw. Ang sabi nito noon sa kanya, masaya na ito sa pagkakaroon ng anak. Hindi na raw nito kailangan ng asawa kung mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD