NATUTOP ni Lavender ang bibig niya paglabas ng pasyenteng tiningnan niya. Naalala na naman niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Pablo. Limang araw na ang lumipas ngunit sariwang-sariwa pa sa kanya ang epekto niyon. Pagkatapos ng halik na iyon ay umakto itong tila normal ang lahat sa kanila at walang nangyaring anuman na kakaiba. Pilit na sinasabi niya sa sarili na hindi dapat niya gaanong iniisip o binibigyan ng kulay ang nangyari. Pablo was vulnerable. Wala ito sa sarili nito. She just wanted to comfort him—kung normal na matatawag ang paraan ng comforting na iyon. It wasn’t like she was falling in love with him again. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi iyon maaari. Natuto na siya. Hindi na uli siya magpapakatanga sa lalaking iyon. Hindi na niya hahayaang masaktan uli siya. Ngunit

