“Nangyari ang naisip ko. Benjamin left her for another woman. Her whole world was shattered. Halos hindi siya makakilos sa sobrang kamiserablehan. Hindi ko alam kung paano siya aaluin nang mga panahong iyon. It was like watching Mom being miserable because of Dad all over again. Galit na galit ako sa lalaking `yon. All I could do at that time was to be with her. Sinikap kong tulungan siya. Sinikap kong maging matibay na pader na maaari niyang sandalan kahit wala sa karakter ko ang pagiging tipikal na supportive. “I don’t want her to end up like Mom. She’s too special to me. I’m not twelve anymore. Hindi na ako kasing-helpless noon. I wanna save her. Sa totoo lang, gusto ko siyang ilayo kay Benjamin. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi na niya kailangan ang lalaking iyon dahil nasa tabi n

