NANG samahan uli ni Lavender ang mga bata ay nadatnan niyang hindi na nanonood ng TV ang mga ito. Nakasalampak ang mga ito sa sahig na natatakpan ng makapal na rug at parehong abala sa pagdo-drawing. Sumalampak na rin siya ng upo at nakisilip sa ginagawa ng mga ito. “Wow, ang galing n’yo namang dalawa,” nakangiting sabi niya. Sebastian beamed. “Thank you, Tita!” Hinagkan pa nito ang pisngi niya. Ngiting-ngiti sa kanya si Cassandra. Nagniningning ang mga mata nito dahil pinuri din niya ang drawing nito. Hinagkan niya ang tungki ng ilong nito. “Ang galing-galing ng aking little miss.” “Liar.” Naiinis na nilingon niya si Pablo na nakikiusyoso na rin sa mga drawing. Pinukol niya ito ng masamang tingin. Ano ba ang inaasahan nito sa mga drawing ng bata, maging katulad ng mga obra nito? “I

