DINALA ni Lavender si Cassandra sa tahanan ng mga Munis. Gusto kasi niyang makalaro nito si Sebastian, ang limang taong gulang na anak ni Ate Elizabeth. Noong una ay nahihiya pa si Cassandra at hindi nakikipaglaro kay Sebastian, ngunit dahil bibo at masayahin ang batang lalaki, agad itong nakapalagayan ng loob ni Cassandra. Hindi nagtagal ay masaya nang naglalaro ang dalawang bata sa malawak na hardin. Kakuwentuhan niya ang yaya ni Sebastian habang pinapanood niya ang mga batang naglalaro. Nang mapagod ang mga ito ay pinakain na nila ng merienda. Mayamaya lang ay naghahabulan na naman ang dalawa. Pumapailanlang ang malutong na tawa ni Sebastian. Ngiting-ngiti si Cassandra. Biglang lumapit sa kanya si Cassandra at hinila siya. Tila nais siya nitong isali sa laro. Nagpahinuhod siya. Nakipa

