NANG mapadaan sina Lavender sa malaking carousel ay napansin niyang hindi maalis ni Cassandra ang mga mata nito roon. “Do you wanna try it?” tanong niya. Tumango ito. Kaagad niyang inalam kung paano makasakay roon. Pagkatapos niyang magbayad at makakuha ng ticket ay pinasakay na niya roon si Cassandra. Halos hindi nito pakawalan ang kamay niya. “Cassie, Tita Lavender will be just here. Hindi kita iiwan, promise,” aniya habang nakataas pa ang isang kamay. Nagpahinuhod ito. Hindi nagtagal ay ngiting-ngiti na ito habang nakasakay sa isang kabayo at nakahawak sa pole. Hindi niya napigilang ilabas ang cell phone niya at kinunan ito ng larawan. She was just so pretty. “You’re unbelievable,” wika ni Pablo na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya. “Masyado mong ina-attach ang saril

