PINAGMASDAN ni Lavender ang mukha ni Cassandra. Mahimbing itong natutulog sa kanyang kama. She was so beautiful. Tiyak niyang mas gaganda pa ito kapag lumaki ito. Payapa na ang hitsura nito, hindi katulad kanina. Magkasama sila buong hapon. Nanood sila ng TV at naglaro ng mga manyika. Maigi na lang at nakatago pa ang mga manyika ng Ate Blythe niya. Nagawa nang ngumiti ni Cassandra at masasabi niyang magkaibigan na sila. Ang labis na ipinag-aalala niya ay ang hindi nito pagsasalita. Was the child mute? Hinawakan at hinagkan niya ang maliit na kamay nito. Isang araw pa lang niya nakakasama ito, pero may puwang na agad ito sa kanyang puso. May puwang naman talaga sa puso niya ang lahat ng batang nakikilala niya—nagiging pasyente man niya o hindi. Mahilig kasi talaga siya sa bata kahit na

