MAG-AALA-UNA na ng hapon nakarating si Lavender sa bahay nina Pablo. Papasok pa lang siya sa sala ay naririnig na niya ang pag-iyak ni Cassandra kaya binilisan niya ang paglalakad. Nakita niya itong karga ni Nana Milagros. Pilit na pinapayapa ito ng matanda pero nakikita niyang nahihirapan ito. Paroo’t parito sa harap ng mga ito si Pablo. Namumula ang mukha nito sa galit. Nakakatakot ang hitsura nito. “For pity’s sake, shut the hell up!” nanggigigil na singhal nito sa bata. Nahihintakutang tumigil sa pag-iyak si Cassandra pero patuloy sa pagdaloy ang mga luha nito. Naiinis na nilapitan niya si Pablo. Paano nito nagawang singhalan ang isang munting nilalang na wala namang nagawang kasalanan dito? Marahas na itnulak niya ito palayo kay Cassandra. “What the—” “You shut up, Pablo!” sik

