PINAKATITIGAN ni Pablo ang hawak niyang mga larawan na kasama sa sulat. Ilang ulit na niyang nabasa ang liham na nagsasabing may apat na taong gulang siyang anak, ngunit hindi pa rin niya maiproseso ang lahat sa utak niya. Napakahirap paniwalaan ang lahat ng iyon. It was simply absurd and totally impossible. This couldn’t be happening to him. Not at this time. Not ever. Nag-iingay si Lavender sa labas ng kuwarto niya pero hindi niya ito gaanong pinansin. Masyadong maraming bagay ang sabay-sabay na tumatakbo sa isip niya. Pinakatitigan niya ang babaeng nasa larawan. Of course, he still remembered Yuna. Nakilala niya ito nang magbakasyon siya sa Ilocos Norte at tumuloy sa beach resort ng mga ito. She had one of the most beautiful faces he had ever seen. She possessed a classic beauty that

