(Kinabukasan)
Maaga akong nagising. 5:25 na ng umaga.
"Tom! This is your happy day!" Sigaw ko sa loob ng kuarto.
Bumangon ako para maghilamos. Pumunta ako sa CR.
Pagkatapos kong mag hilamos... tinigyan ko yung phone ko. Nag massage si Shine sa group chat namin.
"Guys kami nalang ng tito ko ang magsusundo sa inyo bukas... mga 7:00 ganon... pero that time dapat ready na kayo... thank you and see you tommorow!" Chat ni Shine.
Nagready na ako chineck ko yong mga naempake ni mama. Kong kumpleto ba lahat? May mga bagay na nakalimutan ni mama na inimpake.
Lingay kona lahat sa maleta ko. Binaba kona lahat ng gamit ko.
Nadatnan ko si mama na nagluluto ng almusal namin.
"Oh! Gising kana pala anak?! Wait lang paghahanda kita ng almusal mo" Wika ni mama.
"Sige mah ilalabas ko lang yung mga inimpake nyong damit ko" tugon ko kay mama.
Linagay ko lahat sa sala namin yung mga inimpake ni mama.
Pumunta na ako sa kusina namin para mag almusal. Tocino at longganisa ang aming almusal.
"Mahh? Bakit di paba gising si samantha? Di siya nakita kagabi" tanong at wika ko kay mama.
"Hindi pa... eh kasi naman yung kapatid mo late umuwi kagabi sabi niya gagawa daw sila ng project" sagot at paliwanag ni mama.
Speakinh of the devil! Gising na yung demonyo kong kapatid. Napansin niya na may mga maleta sa sala namin.
"Mahhh! Bakit may meleta dito sa sala?" Tanong ni Samantha kay mama.
"Lalayas kana daw!" Sigaw ko sa kapatid ko.
Pumunta si Samantha sa kusina.
"Huyy?! Saan kana naman nanggaling kagabi hah?!" Pagalit kong tanong sa aking kapatid.
"Gumawa kami ng project" sagot niya.
May tumatawag sa phone ko.
Shine is calling...
"Hello Tom?"
"Oh bakit?"
"Nakaready kana ba?" Tanong ni Shine sa kabilang linya.
"Oo, ikaw nakaready kana?" Sagot at tanong ko sa kabilang linya.
"Oo naman syempre!" Sagot ni Shine.
"Ohh! Sige... sige na tatawag pa ako kina Lance at Lucas" paalam ni Shine.
"Oh sige see you soon!"
Binaba na ni Shine yung linya.
"Ay anak? Anong oras pala kayo pupunta?" Tanong ni mama.
"Mga 7:30 ganon mah? Baka kase susundiin pa namin yung mga iba namin kaibigan ni Shine ma" sagot ko kay mama.
"Ohh sige anak mag bihis kana kong tapos kanang kumain" tugon ni mama sa akin.
"Saan pupunta si kuya mah?" Tanong ng kapatid ko.
"Magbabakasyon daw sila ng mga barkada niya" sagot ni mama.
"Kuya? Bilhan mo ako ng pasalubong hah?!" Palambing na salita ng aking kapatid.
"Heh! Pasalubong mo sa mukha mo!" Padabog kong salita.
Tapos na akong kumain.
"Mah tapos na po akong kumain, punta na po ako sa kuwarto ko" wika ko kay mama.
Papunta na ako ngayon sa Kuwarto ko.
Nandito na ako sa kuwarto. Kinuha ko yung tuwalya at pumunta na ako sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo nag bihis na ako.
Sinuot ko na yung polo ko at nag casual short ako na naka rubber shoes.
Naka formal beach ako. Kinuha ko yung shades ko sa kabinet.
"I'm readeehhh!"
Papunta na ako sa sala namin. Malapit ng mag 7:00.
Nandito ako ngayon sa sala chinecheck ko lahat ng gamit ko kong kumpleto ba? Oh hindi?
Lumapit si mama sa akin.
"Wow! Ang gwapo naman ng anak ko!" Papuri ni mama.
Sinabihan talaga akong gwapo ni mama.. hayystt! Hirap talaga kapag dika pa umaamin sa mga magulang mo.
Siguro alam niyo naman ang feeling ng isang anak na hindi niya masabi-sabi sa kaniyang magulang ang totoo niyang pagkatao.
Wag kayong mawalan ng pag-asa na tuparin ang inyong pangarap. Ipagpatuloy niya lang yan at parati kayong manalangin sa kataas-taasan o di kaya ang Diyos.
Hindi ako nagreact kay mama.
"Nak heto pera mo.. pang gastos mo sa pupuntahan niyo.. basta mag ingat kayo don hah?!"
Binigyan ako ni mama ng 5k. Di ko sasabihin sa kanya na binigyan ako ni tito ng pera kahapon baka babawiin niya to! Hahaha!
"Wait nak? Diba nagkita kayo ng tito mo kahapon? Siguro binigyan ka ng pera no kaya di ka humihingi ng pera sakin?" Pagulat na tanong ni mama.
"Hindi mah! Hindi ako binigyan ni tito ng pera" sagot ko kay mama.
Di ako nagpahalata kay mama. Hayyy muntik na ako don hah!
"Ahh ganon bah? Kala ko binigtan ka" wika ni mama.
"Ohh basta mag-ingat kayo don" tugon ni mama.
"Oo mah"
Lumabas si mama.
6:58 na dalawang minuto nalang.
Biglang may bumusina na sasakyan sa labas.
"Tommmmmmm!!!!!" Sigaw ni Shine sa labas.
"Nak! Nandito na si Shine!" Sigaw rin ni mama.
"Oo mah andyan na!"
Lamabas na ako. Tinulongan ako ni mama na ilabas lahat ng mga gamit ko.
Nakoo! excited na ako.
Bumaba si Shine at lumapit sa amin.
"Hi tita! Magandang umaga po!" Wikang saya ni Shine kay mama.
"Hello! Magandang umaga din!"
"Halika kana Tom!"
"Sige po tita tuloy na po kami"
"Sige.. suge mag ingat kayo dun" wika ni mama.
Nagpaalam narin ako kay mama.
"Mah? tuloy na ako"
"Sige anak ingat kayo" sabay kiss sa noo ko.
Sumakay na kami sa Van. Linagay ni tito driver yung gamit ko sa likod. Ako nalang pala kulang. So? Ako yung huli nilang sinundo?
Naglakbay na kami papunta sa resort nila Shine. 3 hours ang biyahe papunta don sa resort.
Katabi ko Shine dito sa ikalawang upuan habang sina Lance, Lucas, at Frank naman ay sa likod namin.
"Uyyy Frank ang gwapo mo ngayon ahh!" Papuri ni Lucas.
Bakit lahat nalang gwapo di bah pwedeng cute or fresh ganon.
Ngitian ko nalang Si Lucas. Tumingin ako sa likod. Shettt! Ang gwapo ni Frank! Tumingin siya sa akin.
Nagkatitigan kami ni Frank.
"Uyyyy! Tom!" Pagulat ni Lucas.
"Bakit?"
"Ahhhhh... wala tinig nan kolang kayo"
"Dinignan! Eh bakit si Frank lang yung tinititigan mo?" Tanong ni Lucas.
"Hindi noh!" Sabay tingin sa harap.
"Uyyy! Alam mo Tom bat di nakang kayo magjowa?!" Pabiro ni Shine.
Ehem~ ehem~
Nako nagsimula nanamang magtahol yung mga aso!
Hindi ako nag react sa sinabi ni Shine.
"Btw guys, pagdating natin don maliligo tayo sa beach?!"
"Sige! Sige!"
Sumang-ayon kaming lahat sa plano ni Shine.
"Tapos bibili tayo ng mga tusok-tusok sa resort! Ahhh sarap!" Wika ni Shine.
Nakakaantok yung lamig sa loob. Pinigilan ko yung antok ko pero naaantok talaga ako. Tinignan ko si Shine. Pagtingin sa kanya tulog siya.
Tumingin ako sa likod tulog rin sila. So ako lang yung hindi tulog?
Natulog muna ako ng isang oras.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Makalipas ang ilang oras naming tulog. Huminto muna kami para mag meryenda.
"Tom! Tom! Halikana magmeryenda muna tayo" wikag pagising ni Shine.
"Malayo paba tayo?" Tanong ko lay Shine.
"Malapit na tayo.. mga... ilang minuto nalang?" Sagot ni shine.
"Halikana!"
"Oh sige!"
Bumaba na kaming lahat sa sasakyan.
Papunta kami ngayon sa restaurant.
Mukhang masarap ang mga pagkain nila. Mulha palang ng picture ang sarap na.
Umupo na kami at tinawag ni Shine yung Waiter.
"Anong order niyo ma'am?" Tanong ng waiter.
"Ahhh isa ngapong halo-halo... tapos... isang winter melon na milktea"
"Ano pa ma'am?"
"Uyyy kayo? Anong order niyo?" Tanong sa amin ni Shine.
Ang order ko ay red velvet na milktea at spaghetti. Si Lucas at Lance naman ay tig iisa silang ice tea tapos dalawang spaghetti. Samantalang, si Frank naman ay isang slice ng chocolate cake at isang Ice tea. Tapos ang order naman ni tito driver ay isang halo-halo.
"Paki hintay nalang po" wika ng waiter.
Umalis na yung waiter. Nagselpon muna ako. Samantalang sila ay naguusap-usap.
"Anong address nong resort niyo Shine?" Tanong ko kay Shine.
"Ahhh... Barangay Calingan, San juan, Ilocos Sur" Sagot ni Shine.
"Ahhh... ganon ba?"
Naginstagram muna ako. Chineck ko yung notification ko. May new post si Bright. Tinignan ko kong ano yung post ni Bright.
Ohhhhh myyyyy ghadddd.
Nabigla ako sa post ni Bright. Shootekkkk! Kasama niya yung family niya. Tapos yong location niya. Don yung pupuntahan namin!
Perook? Pano siya nakapunta don? Ehhh kahapon lang nakita ko siya sa mall tapos ngayon andon siya sa pupuntahan namin.
Napansin ni Shine yong reaction ko.
"Huyyy! Ok kalang?" Tanong ni Shine sabay pindot sa aking tagiliran.
Nagulat ako.
"Ahhhh.... oo"
"Bakit ano bang tinitignan mo sa selpon mo" wika si Shine sabay hawak sa selpon ko.
Hindi ko pinakita kay Shine yung tinitignan ko sa selpon ko. Baka kulitin nanaman ako.
Makalipas ang ilang minuto namin paghihintay andyan na yung order namin.
"Hello ma'am and sir? Eto na po yung order niyo"
Linapag na sa lamesa ang mga order namin.
"Thank you ma'am and sir! Enjoy!" wika ng waiters.
Umalis na yung mga waiters.
Nagmeryenda na kami.
Grabe! Tama ang hinala ko! Masarap nga pagkain nila dito! Hindi ako nagkamali ng hinala! Gusto ko pag uwi namin dito nanaman kami magmemeryenda or kakain.
"Ahhh... grabe ang sarap ng halo-halo nila dito!" Wika ni Shine.
"Oo nga pati itong spaghetti at milktea nila" wika rin ni Lucas.
Makalipas ang ilang minuto tapos narin kaming kumain.
Binayaran nsnamin yung kinain namin tapos pumunta na kami sa sasakyan namin.
Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan. Tinuloy namin ang paglalakbay. Malapit na kami. Ewan ko kong excited ba ako or hindi kasi akalain mo nandon si Bright sa pupuntahan namin.
Chineck ko ulit yung IG ko. May new post nanamn si Bright.
Nagulat ako shettt! Ang hot niya! Nakahubat siya tapps mag abs siya. Nalilig9 sila sa swimming pool kasama niya yung mga pinsan niya.
Grabe ang gwagwapo at ang gaganda rin yung mga pinsan niya. May lahi ba silang gwapo? Or talagang pinagpala lang sila? Hahahaha! Ewan ko sa kanila!
Sumilip si Shine sa selpon ko.
"Uyyy! si ano yan oh.... si..." wika ni Shine
Bibikasin sana niya yung pangalan ni Bright kaso tinakipan ko yung bunganga niya gamin itong kamay ko.
"Sino!?" Padabog na tanong ni Lucas.
Hindi makapagsalita si Shine.
"Wag mong sasabihin!" Padabog kong salita kay Shine.
Bakit pa kase nakita niya yung picture ni Bright.
Tuloy ko paring pinigilan si Shine. Kase tarantado ang bunganga niya.
Makalipas ilang segundo. Nakarating narin kami.
"Andito na tayo!" Wika ng driver.
Tumingin kami sa bintana. Wow! Ang ganda resort nila ang laki ng hotel. Tapos ang ganda ng swimming pool.
Binuksan na ni shine yung pintuan at bumaba na kami.
"Grabe ang fresh ng hangin dito!" Wika ni Shine sabay hinga ng malalim.
"Oo nga!"
Kinuha nanamin yung maleta at mga iba pa naming gamit sa likod ng sasakyan.
"Halina kayo punta tayo sa loob ng hotel" tugon ni Shine.
Naglalakad na kami ngayom papunta sa loob ng hotel.
Nandito na kami sa loob ng hotel.
"Hi goodmorning po ma'am Shine?" Parespeto ng taga pangalaga ng a hotel.
"Goodmorning din po... ahhh... may mga kuarto po bang available?" Wika at tanong ni Shine.
"Ah meron po kaso bal may lima pa pong available na kuarto"
"Sakto! Sige kukunin namin yun"
"Sige po... punta na po tayo sa second floor" wika ng nong babae.
Sumunod kami sa taga pangalaga ng hotel. Paakyat na kami ngayon sa second floor gamit yung elevator ng hotel.
"Kumpleto ba lahat-lahat ng gamit dun sa kuarto?" Tanong ni Shine sa babae.
"Mmm.. opo ma'am bale may kada kuarto po may aircon na" sagot nong tagapangalaga ng hotel.
Nandito na kami ngayon sa second. Papunta kami ngayon sa kuarto.
"Ma'am po yung mga available na room is magkakatabi lang po silang lahat" wika nong babae.
"Ahhh sige sige po"
Nandito nakami ngayon sa room 122.
Bale magkakatabi lang kami ng kuarto.
"Nandito na po tayo ma'am... room 122 sino po sa inyo dito?" Wika at tanong ng babe.
"Ahhh... ako nalang!" Sabi ko sa kanila.
"Paki permahan nalang po itong form at isulat niyo po ang mga pangalan niyo sa bawat room na kukunin niyo" paliwanag ng tagapangalaga.
Pagkatapos naming permahan ang form pamasok na ako sa room ko.
"Woowww! Ang ganda!" Pangaha kong salita sa loob.
Binuksan ko yung aircon. Mabango sa loob parang ka lilinis lang nila sa loob. Tinignan ko yung terris.
Huminga ako ng malalim.
"Ahhhh... fresh air!"
Grabe ang ganda ng view. Ang ganda ng vuew pag hapon kase tanaw mo talaga pag sunset.
Tumingin ako sa kabilang terris. Ohmyghad! Nagulat ako... pumasok agad ako sa loob.
"Hindi! Hindi! Totoo" wika ko sa aking sarili.
Sumilip ako sa kabilang terris.
Wag mong sabihin na magkatabi kami ng hotel ni Bright! Sa condo magkapitbahay kami tapos pati ba naman dito magkapitbahay padin kami.
Umupo ako sa kama tapos dahan-dahan akong humiga.
Tookk! tookk! tookk!
"Tom!" Sigaw ni Lucas sa labas
"Wait lang andyan na!"
Bumangon ako at binuksan ko yung pintuan.
"Bakit?"
"Halika... punta daw tayo sa beach... oh heto yung yung damit na binili natin yang stripe daw ang suotin mo.. para magkakapareho tayo" tugon at paliwanag ni Lucas.
"Oh sige, wait lang magpapalit muna ako ng damit" wika ko kay Lucas.
"Ok sige! Pati rin ako"
Pumunta na si Lucas sa room niya para magpalit din ng damit.
Makalipas ang ilang segundo kong pagpalit ng damit.
Lumabas na ako. Lumabas narin silang apat sa kuarto nila. Magkakapareho kami ng damit pero magkakaiba kami ng short pero beach short rin yung kanila pero magkaiba lang kami ng style.
Nakashades ako para maiba naman. Hahaha!
"Tayo na!" Wika ni Shine sa amin.
Papunta na kami ngayon sa beach.
Nandi na kami sa baba naglalakad kami papunta sa beach. Grabee nakatingin sa amin yung mga tao sa gilid.
"Happy reunion!" Wika nong isang foreigner.
Kalma self! Wag kang tumawa mamaya ka nalang tumawa nakakahiya ang daming tao dito!
Nong malayo na kami. Tumawa kaming lahat.
"HAHAHAHAHAHAHAHAH...."
"HAHAHA! PINAKKAMALAN NILANG MAY REUNION PUCHA!" patawang salita ni Shine.
Tawa parin kami ng tawa habang nakarating na kami sa beach.
May katok siguro yong foreigner nayon! Hahaha!
Nagcatage kami.
"Kain muna tayo guys?! Gutom na ako!" Wika ni Shine.
"Oh sige"
Lumapit yung babae.
"Ano po order niyo?" Tanong ng babae.
"Ahhh... ano po yung sikat na food dito?" Tanong ni Shine sa babae.
"Ahhh... bale po ang pinaka sikat po ditong pagkain ay empanada, ukoy, at sinuman" sagot nong babae.
"What is ukoy?" Tanong ni Shine.
Pati rin kami di namin alam yung ukoy di pa kami nakatikim non.
"Yung pasayan po hinahaluan po ng harina tapos ipriprito po" paliwanag ng babae.
"Ahhhh... mukhang masarao siya! Sige po bigayn niyo kami ng 5 ukoy tapos 5 empanada tapos yung drinks po namin ay 2 coke nalang po yung malaki" wika ni Shine.
Sinulat na sa papel yung order namin nong babae.
"Paki hintay nalang po" tugon nong babae sabay alis.
Habang hinihitay namin yung order namin. Bumili muna kami ng pampahimagas. Nakita ni Shine yung naglalako ng buko salad.
"Tom halika bili tayo ng buko salad!" Wika ni Shine.
"Ohhh sige sige" tugon ko.
"Huyy! Bilhan niyo naman kami!" Padabog na salita ni Lance.
"Oo! sige.. sige" tugon ni Shine.
Pumunta na kami ni Shine.
Nandito na kami ngayon.
"Kuya 5 nga pong buko salad" wika ni Shine sa naglalako ng buko salad.
Habang bumibili kami ni Shine. May paparating na hindi ko inaasaan. Dumikit akl kay Shine para hindi niya ako mapansin. Hallahh! Bakit pa kase bumili kami nito.
Sana hindi nalang kami bumili nito! Ayan na siya! Di ko alam kong bibili ri n sila ng buko salad may kasama siyang batang babae. Mukhang kapatid niya yun kase magkamukha sila.
Next chapter...