"BAWAL na talaga?" for the last time, Messiah asked me. Umiling ako sa kanya. "Bawal na..." Tumango naman s'ya saka ako niyakap sa leeg at sinubsob sa dibdib n'ya. Hindi na ako bumalik sa cafeteria matapos kong mag-walk out kanina. Hindi ko kasi alam kung ano ang ire-react ko sa huling sinabi ni Pres. Joachim. Pakiramdam ko ay napahiya ako dahil nahuli n'ya ako sa ginawa namin ni Messiah kahit wala naman talaga silang alam. Halos mangiyak-ngiyak akong pumasok nun sa klase kaya kahit ang masamang tingin ni Mutya ay hindi ko na pinansin. Lagi naman na siyang ganoon sa akin. Wala nang bago doon. Sanay na ako. Nang matapos ang lahat ng klase ko ngayong hapon ay tinawagan ko si Messiah at tinanong kung busy s'ya kasi gusto ko s'yang puntahan sa opisina n'ya. Gusto ko rin kasi siyang maki

