HINDI na rin nagtagal si Messiah at nagpaalam na siyang uuwi na. Hinatid ko siya sa labas at tinanaw ang pag -alis niya. "Pasok ka na sa loob, baby," aniya pa sa akin pagkapasok nito sa loob ng sasakyan. Hinalikan niya pa ako sa noo ko. Tumango naman ako sa kanya. "Mag-iingat ka, Messiah..." "I will baby. I love you." "I love you too..." Napangiti ako. Pagkaalis ni Messiah ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Matapos kong i-lock ang pinto ay dumiretso na ako sa kwarto ko at saka nahiga. Iniangat ko ang kamay ko at tiningnan ang promise ring na binigay ni Messiah. Napangiti ako. Hindi maiwasang kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Napabuntonghininga ako. Sana nga talaga. Sana si Messiah na ang makasama ko habang buhay. Napangiti ako at saka pinikit ang mga

