CHAPTER 4

2155 Words
LEIRA'S POV HABANG PATULOY SA pagbuhos ang malakas na ulan ay patuloy ding namalisbis ang mga luha ko. Mukhang kasingbigat ng nararamdaman ko ang mga ulap kaya wala ring tigil sa pagbuhos ang ulan kagaya ng mga luha ko. Unti-unti na akong nangingiki dahil sa lamig na tumatagos hanggang sa kaibuturan ng mga buto ko. At sa lakas ng ulan, mukhang malabo pang tumila kaya nagdesisyon akong maghanap ng masisilungan. Yakap ang sarili, sumilong ako sa ilalim ng malaking punong nakita ko ilang metro ang layo mula sa gate ng mga Thompson. Umupo ako sa pagitan ng dalawang malaking ugat. Malakas pa rin ang ulan, pero hindi na ako mas'yadong nababasa dahil hindi gaanong tumatagos ang ulan dahil malago ang mga dahon ng puno. Pumikit ako at isinandal ang pagod na likod sa malaking ugat. Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha ko. At habang nasa ganoong estado, umasam ako na sana'y lumambot ang puso ni Mico at pabalikin ako sa loob ng bahay nila kahit ngayong gabi lang sana. Pero naisip ko rin na malabo 'yong mangyari dahil galit siya sa akin. "Lord, payakap naman po," sambit ko, nanginginig ang mga labi dahil sa ginaw. Ang hirap din pala kapag halos wala kang kaibigan, wala ka man lang masandalan kapag hinang-hina ka na. Wala man lang mapagsabihan kapag pakiramdam mo ay puputok na ang dibdib mo sa sobrang bigat. Mapait akong napangiti dahil wala naman akong ibang sinisisi kung bakit nararanasan ko ang ganito kundi ang sarili ko. Kasalanan ko ang lahat dahil kung hindi ko tinanggap ang alok ng demonyong 'yon ay hindi magkakaganito ang lahat. Kasalanan ko at wala akong puwedeng sisihin kundi ang sarili ko lang. Hindi ko lang in-expect na ganito kasakit ang karma sa akin. Ginusto ko lang naman na makatulong sa pamilya ko, pero hindi ko alam na ganito kasakit ang balik ng mga maling desisyon ko sa buhay. May maganda pa ring nangyari, Lei. Dahil sa desisyon mo, maayos na ang buhay ng pamilya mo, ng kakambal mo, ng mga kapatid mo. Paalala ng kabilang bahagi ng isip ko. Malungkot akong napangiti. "Oo nga... At least, mayro'n pa ring magandang nangyari. At kung sakaling hindi ko na kayanin ang bigat sa mga susunod na araw, hindi na ako matatakot na iwanan sila dahil alam kong iiwan ko silang nasa maayos na. Kakayanin na nila kahit walang ako...kahit walang ate Leira sa buhay nila basta nandiyan ang ate Keira nila." Dahil sa reyalisasyong 'yon, bahagyang naging payapa ang puso ko. Pinahid ko ang aking mga luha at pinigilan ang pagtakas ng mga hikbi. Yakap ang sarili, tumingin ako sa madilim na kalangitan. Wala na ang mga bituing naroon kanina. Pagkatapos kong pagmasdan ang madilim na langit, muli kong ipinikit ang aking mga mata. At sa aking pagpikit, unti-unti akong hinila ng antok. NAALIMPUNGATAN AKO nang makarinig ng kaluskos sa tabi ko. Pupungas-pungas na umayos ako ng upo habang unti-unting dumidilat. Muli akong napapikit nang masilaw. Iniharang ko ang mga palad sa mukha ko para gawing protekta sa aking mga mata mula sa direktang sinag ng araw. Sinag ng araw? Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na umaga na pala. At dito na ako nakatulog sa lilim ng malaking puno. Tumayo na ako para lang muling mapaupo nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Muli akong sumandal sa ugat at hinilot-hilot ang sentido. Nabasa nga pala ako ng ulan kagabi at natuyo na lang ang damit ko sa katawan ko. Minsan ko pang hinilot-hilot ang sentido ko bago nagpasyang tumayo na at umalis. Hindi pa man ako nakakalayo sa pinanggalingan ko nang makarinig ng malakas na busina ng sasakyan. Napaiktad ako dahil sa pagkagulat. "Hop in." Mariing utos ng driver niyon nang tumapat sa akin ang sasakyan. Pagtingin ko, nakita kong si Mico ang driver niyon. Bahagya akong nabuhayan ng loob nang makita siya. Umasa ako na baka nakonsensya siya sa pagpapaalis sa akin. "I said hop in." Ulit niya nang hindi ako kumilos para sumakay sa kotse niya. "Mic--" hindi ko natapos ang pagsasalita nang padaskol siyang bumaba ng sasakyan. Madilim ang mukha. "Bingi ka ba? Sabi ko, sumakay ka, 'di ba?! Hindi mo ba narinig?" Galit niyang saad sabay haklit sa kanang braso ko. Natigilan siya. Marahil dahil naramdaman niyang mainit ako. Ngunit sandali lamang 'yon at muling bumalik ang dilim sa kaniyang mukha sabay bitaw sa akin na para bang napaso. "Sumakay ka na." Malamig niyang utos, saka bumalik sa loob ng sasakyan. Nang hindi pa rin ako kumilos para sumakay ay pinaningkitan niya ako ng mga mata dahilan para kabahan ako at magkumahog na buksan ang pinto sa backseat. "Bakit diyan ka sasakay? Ano'ng akala mo sa akin, driver mo?" Angil niya na ikinalunok ko. Isinara ko ang backseat at umikot sa kabilang gilid. Sumakay ako sa passenger seat. Nagtaka ako nang hindi pa rin kami umaalis kahit nakasakay na ako. "Wear your seatbelt." Oh, kaya pala. Pero dahil natataranta ako, hindi ko maitama ang lock niyon. "Paano ba 'to?" "Tss! Marunong mangloko, mag-lock ng seatbelt, hindi?" Patuyang pasaring niya na hindi ko na lang mas'yadong inintindi dahil masasaktan lang ako. "Akin na nga!" Padaskol niyang tinabig ang kamay ko at siya ang nag-lock ng seatbelt. Matutuwa na sana ako, pero hindi natuloy dahil pagkatapos niyang i-lock ang seatbelt ko, tila diring-diri niyang pinagpagan ang mga kamay niya. At nang hindi pa nakontento ay nag-spray ng alcohol sa kamay na para bang mayro'n akong nakahahawang sakit at ayaw niyang mahawa. Sobrang na-offend ako sa ginawa niya, pero hindi ako nagpahalata. Sa halip, nagpasalamat pa ako sa kaniya at nginitian siya. Wala kaming kibuan habang daan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Natatakot akong magtanong kaya nanahamik na lang din ako. Hindi ako nakatiis, sinulyapan ko siya. Tutok na tutok sa daan ang mga mata niya. Saan kaya kami pupunta? Sa loob-loob ko. Bigla akong umasam na baka gagawin ulit namin 'yong dati. Road trip. Kasabay ng pag-asam kong gagawin ulit namin 'yong dati ay ang pagdaloy ng masayang ala-ala ng matamis naming relasyon noon. "Uhm..." Napaungol ako nang maramdaman ko ang pamilyar na kiliting gumagapang sa katawan ko. May mainit na labing humahalik sa kamay ko, paakyat sa braso ko, sa balikat hanggang makaabot sa leeg ko. "Uhm." Napangiti ako kasabay ng muling pag-alpas ng ungol sa bibig ko. "Get up, my sweet sleepyhead." Malambing na sambit ng boses na kilalang-kilala ko. Matamis akong napangiti nang pagbukas ng aking mga mata ay ang guwapong mukha ni Mico ang unang nasilayan ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinapo ko ang magkabilang pisngi niya. "Why so handsome naman this man, hmm?" Paglalambing ko. "Wala, eh. Woke up like this na." Pagsakay niya sa sinabi ko. Sabay kaming natawa, umagang-umaga. "Get up, my sweet babe." Ulit niya, saka ako hinila sa mga braso ko para bumangon. Nagpabigat ako. "Get up, my sweet babe." "Antok pa ako." Muli akong humiga at pumikit. "Bakit puyat ka? Maaga naman tayong natulog, ah." "Napuyat ako kagabi, ikaw kasi, eh." Paninisi ko. "Ako? Bakit ako? Maaga kitang pinagpahinga, ah." Dumilat ako, saka inabot ang batok niya at pinaikot doon ang mga braso ko. "Hindi agad ako nakatulog kasi maya't maya kang laman ng isip ko, Babe." Awtomatikong namula ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Pinanggigilan niyang halikan ang noo at tungki ng ilong ko. "Ikaw, ha. Marunong ka nang mambola ngayon. Saan mo natutunan 'yan, ha?" "Dito." Tinuro ko ang dibdib ko, sa mismong tapat ng puso ko. "Stop biting your lips, babe." "Bakit? Affected ka?" "Yes. Kaya bago pa ako makalimot, bumangon ka na at mag-ready." Umalis siya sa tabi ko, tila napapaso. Napangiti ako nang dumako ang mga mata ko sa harap ng pantalon niya, namumukol 'yon. Lord, I love this man, grabe po 'yong self-control niya. Kaya hindi ako takot kahit pinapasok niya ako rito sa apartment ko kapag tulog. Ni minsan, hindi niya ako binastos o hindi siya nag-take advantage sa akin. He respect me a lot. "Babe, get up na. May pupuntahan tayo." "Saan?" "Mamaya mo malalaman. Surprise 'yon." "Gano'n?" "Yup. Kaya bumangon ka na diyan bago pa ako makagawa ng isang bagay na ikawawasak ng buhay mo." Pananakot niya na ikinatawa ko nang malakas. "Bilisan mo na, babe. Lalabas na ako, sa sala na lang kita hihintayin." Sabi niya at tumalikod na, saka naglakad patungo sa pintuan. Napapangiti akong sinundan siya ng tingin. Pagkuwa'y bumangon na rin para gumayak. Pandalas na akong maligo dahil excited na ako kung saan kami pupunta ni Mico ngayong araw. Day off ko sa trabaho kaya wala akong pasok ngayon at puwede akong sumama sa kaniya kahit saan. Sobrang saya ng puso ko kaya hanggang sa matapos gumayak ay ang gaan lang ng pakiramdam ko. Bitbit ang bag ko na may wallet at cellphone na laman ay lumabas na ako ng kuwarto. Paglabas ko, agad kong nakita si Mico sa maliit kong kusina. Nilapitan ko siya. "Ready?" tanong niya nang makalapit ako sa kaniya. "Yes. I'm ready." Inabot niya sa akin ang tasa na may lamang kape. Kinikilig na tinanggap ko 'yon at sumimsim. "Ang sarap talaga ng timpla mo. The best." Sabi ko. Natawa siya. "Bolera ka talaga." "Totoo kaya. Ang sarap." "Mas masarap ako diyan, babe." Panghaharot niya na sinakyan ko agad. "Weh? Talaga ba? Patikim nga?" "Keira!" Nagbabanta niyang sambit sabay atras nang kunwari ko siyang titikman. "Tikim lang." Ungot ko, nang-aasar. "Itigil mo 'yan, babe. Sinasabi ko sa 'yo, masisira ang buhay mo." Nang umagang 'yon ay napuno ng tawanan ang buong apartment ko dahil sa umagang-umagang pag-aasaran namin ni Mico na may kasamang harutan. At bago pa mapunta sa kung saan, niyaya na niya akong lumabas ng apartment. "Wow!" Bulalas ko nang makita ang isang Ducati big bike na nakaparada sa labas. "Astig!" "Gusto mong sumakay diyan?" tanong ni Mico sa akin. "Puwede? Saka, teka, sa 'yo ba 'yon?" "Nope. Hiniram ko lang 'yan." "Weh?" Hindi naniniwalang sabi ko. "Oo nga. Hindi akin 'yan." "Kanino?" "Sa kapitbahay ko." "Mico!" "Sakay ka na para makaalis na tayo habang hindi pa mas'yadong mainit." Sumakay kami at para akong tatangayin ng hangin sa sobrang bilis. "Hold tight, babe!" Hiyaw ni Mico na agad kong sinunod. Habang daan, humihiyaw ako dahil sa pinaghalo-halong nerbiyos, excitement at saya. Dinala ako ni Mico sa Tagaytay. Sa overlooking ng taal. "Ang ganda rito..." anas ko. Yakap niya ako mula sa likuran habang nakatanaw sa breathing taking view ng Taal Volcano. "Yes, ang ganda. Sobra..." Paglingon ko, sa akin pala siya nakatingin. "Mico..." "I love you so much, my sweet babe. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin, sobrang mahal kita." Pahayag niya, puno ng pag-ibig ang mga mata. "Alam mo 'yong pakiramdam na iniisip ko pa lang na iiwan mo ako, pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Huwag mo akong iiwan, ha? Hindi ko kakayanin..." Napakurap-kurap ako sa parteng 'yon ng pagbabalik-tanaw ko. Bahagyang namasa ang sulok ng mga mata ko. Pasimple kong pinunasan, saka tumikhim upang alisin ang pagbabara ng lalamunan ko. "Mico!" Napahiyaw ako nang biglang magpreno si Mico, muntik nang sumalpok ang mukha ko sa dashboard ng sasakyan niya. "Bakit?" Nilingon ko siya, sumalubong sa akin ang nagbabaga niyang mga mata sa galit. "M-Mico..." "Baba." "Ha?" "Sabi ko, baba!" Napaiktad ako dahil sa pagsigaw niyang 'yon. "Pero, Mico, nasa gitna tayo ng highway--" "Wala akong pakialam! Basta bumaba ka!" Utos niya, saka mabilis na iginilid ang sasakyan niya. "Mico, hindi ko alam kung saang lugar 'to. Wala akong pera at kahit cellphone na dala--" "Wala akong pakialam." Malamig na sabi niya, maging ang mga mata niya ay kasinglamig ng yelo. "P-Paano ako uuwi?" Bahaw siyang tumawa, tumingin sa akin. "Hindi ko na problema 'yon. Wala akong pakialam kung saan ka makarating, basta siguraduhin mong hindi ka na babalik sa bahay namin. Wala akong pakialam kahit mamatay ka sa daan." "M-Mico!" Hindi ako makapaniwala. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Wala na 'yong Mico na minahal ko. "Baba." Utos niya, hindi ako kumilos dahil hindi ko alam kung nasaang parte ako ng Pilipinas. Kung nasa Manila pa ba ako o wala na, hindi ko alam. "Baba!" Sigaw niya. "Mico, please. Kahit ihatid mo lang ako sa may mga tao. 'Wag naman dito sa gitna ng kalsada na hindi ko alam kung saan. Please?" Kahit anong pakiusap ko, hindi niya ako pinakinggan. Pinilit niya akong bumaba. Wala akong nagawa kundi ang bumaba kahit sobrang sama na ng pakiramdam ko dahil sa lagnat ko. Naglakad ako sa gilid ng daan habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha. At sa ilalim ng tirik na sikat ng araw, nagsimula akong maglakad. Kahit pagod na, gutom at nanlalambot, pinilit kong makarating sa lugar na mayro'ng mga tao na puwede kong hingan ng tulong. At mukhang mahal pa rin naman ako ng Diyos, dahil may sasakyang huminto sa tapat ko bago pa man ako mawalan ng ulirat dahil sa sama ng pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD