"Ah, yes dala ko kase yung result ng mga laboratories sa hospital. Naisip ko dalhin sa inyo since dapat mo ring hawak talaga yun.Nakausap ko din ang doktor sinabi sa akin ang mga....." Natigilan si Tyler ng yumuko ang babae at nakita niyang yumogyog ang balikat nito.
"Ah, miss...ah Erika.Pasensya na kung hindi ko siguro nasagi yung anak mo...ah, ang ibig kong sabihin sorry sa lahat ng ito. Kung may maitutulong ako ah magsabi ka lang" sabi na lang ni Tyler na biglang nalito sa nakita.
Wala sa plano niya ang sinabi kusa itong lumabas sa bibig niya. Nanatiling nakayuko si Erika pero mas lumakas ang paghikbi nito kaya lumakas ang pagyugyug ng balikat.Naawa naman si Tyler kaya napilitan siyang hagurin ang likod ng babae.
"Hoy, mamang pulis ikaw na naman? Teka!Teka ano yang nakikita ko na yan? pinaiyak mo na naman ang mommy ko?Ang lakas ng loob mo ha! Puwes nandito ka sa teritoryo namin teka ha ..teka! Teka lang stay put ka lang dyan mamang ano" singhal na sabi ni Dos na tumayo na pala sa kama at lalabas sana para hanapin ang ina.
Agad hinablot ni Dos ang isang hinugot na hawakan ng walis tambo na purong kahoy. Inuwi talaga iyon noon ni Dos para pang self defense daw niya sa mga bastos na naghahatid sa nanay niya sa madaling araw. Ilang bastos na matanda at lalaki na rin ang nahambalos niya ng kahoy na yun at mukhang madadagdagan pa ng isa. Paamba na si Dos ng kahoy sa lalaking bisita ng ina ng malakas na sumigaw si Erika.
"Dos!!..." Sigaw ni Erika. "Dos..!Diyos ko naman" sabi ni Erika ng makitang malakas na naman ang agos ng dugo sa ilong ni Dos. Maging si Tyler ay nagulantang at napatayo sa malakas na sigaw ng babae at pagtingin niya sa bata ay umaagos nga ang dugo sa ilong nito.
Agad dinaluhan ni Erika ang anak dahil kapag ganito kalakas ang pag agos ay nanghihina si Dos at nawawalan ng malay. Natataranta si Erika na halos hindi alam ang gagawin dahil sa takot iyak lamang ito ng iyak. Pero naging alerto din si Tyler biglang lumabas ang binata at bumili ng yelo sa tindahan sa tapat lamang ng bahay ng magina.
Pagbalik ay dinurog niya ang yelo hinapas lamang niya sa pader.Gamit ang kanyang tshirt na cotton ay hinubad ni Tyler at doon inilagay ang basag na yelo pagkatapos ay mabilis na kinuha ang bata sa kandungan ng naghehytirical na babae at binuhat patungo sa kama.
Nilagyan ni Tyler ng patong patong na unan ang likod ng bata para lumaylay ang ulo nito pagkatapos ay saka kinuha ang damit niyang may yelo at ibinuhol na parang supot saka inilagay sa itaas ng noo ng bata haban tinakpan ng towel na hawak ni Erika ang ilong ni Dos.
"Paki lagyan pa ng unan ang bandang puwet niya Erika. Kailangan mas mataas para laylay ang ulo niya" utos ni Tyler pero nanatiling umiiyak lamang ang nanginginig na si Erika. Ganito rin ang hitsura nito kaninang umaga sa kapilya. Ewan niya pero hindi niya na maintindihan ang sarili sa biglang attachment niya sa magina. Hinawakan ni Tyler ang kamay ng babae saka tinawag ang atensiyon nito.
"Erika, look at me, Erika...Erika....Please kailangan ka ni Dos. Magpakatatag ka.Kailangan maging alerto ka,kailangan ka ni Dos" sabi ni Tyler. "Now, where is his medicine. Kailangan niyang makainom ng gamot at kapag nagtuloy tuloy yan kailangan ng blood transfusion hindi ba?"sabi ni Tyler.Tandang tanda niya ang bilin ng doctor. Umiling iling si Erika bago nagsalita.Wala akong pambiling gamot niya. Wala pa kase akong kita" umiiyak na sabi ni Erika.
"Oh, sh*t" sabi ni Tyler na biglang binuhat si Dos"
"Get up Erika, kailangang madala si Dos sa hospital bilis" sabi nito at agad ng ipinasok si Dos sa kanyang kotse.
"Get in Erika bilis" sabi ni Tyler na nakasakay na sa driver seat.Tulala pa rin si Erika kaya napilitan si Tyler lumabas ng kotse nito at isakay ng sapilitan ang babaeng nanginginig na sa takot"
Parang ginawang express way ni Tyler ang makipot na kalsadang iyon sa sobrang bilis ng takbo ng kotse niya. Ewan nga niya kung may nasagi ba siya, bahala na lang saka na niya haharapin. At ewan din niya kung bakit ganun na lang din ang reaction niya sa nakita.
"This is what i worry about ng bigla kayong umalis ng hospital ng hindi tapos ang ang check up. I will bring him to a doctor, someone I trust, he is my Ninong" sabi ni Tyler. Pagdating sa hospital ay agad na ipinarada ni Tyler ang sasakayan at binuhat ang bata.Sa isang probadong Hosital nangunta si Tyler
"Emergency, get doctor Kim for me, please. I said Doctor Kim, please" sabi ni Tyler at siya na mismo ang nagpasok sa bata sa loob ng Er kahit nakaabang na ang mga nurse. Ina assist na lang siya ng mga ito kung saan ihihiga ang bata.
"She's the mother. She can tell you his information" sabi ni Tyler at hinatak ang tulalang si Erika.
"I will be back miss Erika,nakabalandra ang kotse ko sa emergency entrance. Ipa park ko lang ng maayos. I will be back.Hintayin mo ako please. Babalik ako agad" sabi niya na pinisil pisil ang balikat ng babaeng hindi na ata makausap. Mabilis na kumilos si Tyler at inayos ang kotse at meron na ring kinuha. Bumalik nga agad si Tyler at naabutan niyang uutal utal na nagsasalita si Erika sa mga tinatanong ng nurse. Kumunot bigla ng malalim ang noo ni Tyler.
"Pwede ba Miss nurse paki asikaso muna ang bata saka na ang interview. Look at her, do you think she is in good shape?"sita ni Tyler sa nurse. Siya namang pagpasok ng isang ang guwapong lalaki pero mas may edad kesa kay Tyler.
"Ty, what happened? Who's that boy? Nurse Cruz, prepare the necessary" sabi nito na lumapit na kay Tyler. Agad namang kumilos ang nurse na sinulyapan pa ang binata kaya binigyan niya ito ng tiger look.Lumapit din ang isa pang lalaki na nakasuot din ng puting lab gown. Eto ang umasikaso sa batang dala niya.
"Nong, ah this is my friend's son. Here are his Laboratory results" abot ni Tyler ng mga laboratories ng bata na Kinuha niya kanina ng ipark niya ng maayos ang kotse niya.
"Aplastic Anemia? This is serious, kelan pa ito na diagnose? How old is he?" Sabi ng doctor at pinuntahan ang bata.
"Medyo hyterical pa ang nanay niya Ninong so mamaya ko na lang uusisain. Anong Pwedeng gawin sa bata 'Nong?" tanong ni Tyler. "I mean, alam kong bone marrow yan, but what are the chances. May gamot naman yan sabi ng unang doctor tama ba? " paniniguro ni Tyler.
"Well, yes, to repair na bone marrow. Kailangan ng bone marrow transplant. A bone marrow donor must be compatible with the patient," sabi ng doctor. "Only close relatives and a sibling can be a donor, and if Hindi possible. Stem cell transplant lang ang only option, and only St. Luke's has that kind of service, and it costs millions," sabi ng doctor.
"What? Is there any other way, Nong? well maiwasan lang sana ang madalas na atake ?" Nanlulumong tanong ni Tyler para siyang biglang pinalo sa tuhod sa narinig. Nanghina talaga siya sa narinig, kaya siguro puro iyak na lang ang nagagawa ni Erika. Sinabi na iyon ng unang doctor pero hindi ganito ka detalyado.
"Nong, please, do something" pakiusap ni Tyler.