"Hey, wait may dahilan kase ako. Teka nga sandali! bakit ka ba lakad ng lakad? Ang bilis mo pa. Stop right there, please naiwan kong bukas ang kotse" sabi ni Tyler.
"Ano? naku naman Sir, pugad ng mga Lastic Man dito. Humahaba ang kamay at leeg kapag may mananakaw. Baka pati gulong mo delikado," sabi ni Erika. "Bumalik ka na kase sa sasakyan mo. Bakit ka ba kase sumusunod?" tanong ni Erika.
"Lets go back there ihahatid na kita sa inyo malayo din yun at doon na tayo magusap." sabi ni Tyler.
"Hindi ka ba nadala Sir? Hindi ka ba nainsulto? kita mo nga kung paano ka tingnan at husgahan ng mga tao kanina dahil lang kinausap mo ako." sabi ni Erika. "Hindi mo deserve yun Sir, dahil hindi ka naman panot, mabantot at lasingerong costumer ko sa club. Madudungisan ang imahe mo Sir dahil sa akin, kaya bumalik ka na sa sasakyan nyo pwede ba?" sabi pa nito.
"Mukhang huli na para dyan dahil nahusgahan na nila ako. And wait! You work in the club!?" gulat na tanong ni Tyler.
"Takang taka Sir? Konting gulat pa baka convincing na." sarkastiko ang tono ni Erika. Sige na Sir, hayaan nyo na akong makauwi baka gising na si Dos." Sabi ni Erika.
"I said, get in the car. O lalakad ako kasabay mo at hahayan ko ang kotseng nakabalandra sa kanto at kapag nawala yun pananagutan mo." saad ng binata.
"Hala! bakit ako ang mananagot? eh ikaw ang tangang nagiwan," sabi nI Erika.
"That's the rules, so get in the car na please" utos ni Tyler pero may pakiusap. Sa totoo lang nag aalala na siya sa mga kawatan sa paligid. Nasa kotse ang Cp at laptop niya.
"Miss nasa kotse ang Iphone 11 ko at ang laptop ko ay aabutin ng mga 100k din yun kapag nawala at babaya......"
Naputol na ang sasabihin pa sana ni Tyler dahil buwelta na ang babae pabalik sa kinaroroonan ng kotse niya kaya biglang na ring napasunod si Tyler at napangiti.
Nakita niyang pumasok ito ng kotse niya kaya napangiti ng mas malapad ang binata kung bakit ay hindi rin niya alam. Matapos ang halos mala uod na takbo ng kotse ay sinabayan naman iyon ng panunuyo ng lalamunan ni Erika. Para kasing mas naipon sa ilong niya ang amoy ng pabango ng lalaki na nagpapa hibang sa kanya.
"Bakit kaya ang mayaman eh mayaman na mabango pa" bulong niya. Tapos, nanunuot din sa tenga niya ang hanging mula sa aircon ng sasakyan na ikinakikilig niya. Pero sa dibdib ni Erika bumabaon ang sulyap ng lalaki sa kanya ngayon. Sulyap na hindi niya gusto ang kahulugan. Ibang- iba sa sulyap nito sa kanya kanina lang.
"Itigil mo yan! kung ayaw mong kasama ang isang tulad ko ihinto mo ng kotse." seryosong sabi ni Erika.
Ihininto nga ng lalaki ang kotse kaya lalong bumigat ang pakiramdam ni Erika. Patulak na siya ng side door ng awatin siya ng lalaki.
"Teka nga!" Awat nito sa kamay niya. "Sorry, napahinto ako, sinabi mo kase, where did that come from? pinasakay nga kita diba? tapos sasabihin mo ayaw kitang kasama. Bakit ganyang kayong mga babae. Ang gulo ng utak ninyo palagi? why?" Sabi ni Tyler.
"Hala! humuhugot Sir? Gawin ba akong sampler?" Sabi na lamang ni Erika. Masyado kaseng malapit ang katawan ng lalaki sa kanya as in nakadikit na pati ang hininga nito dumadampi na sa tenga niya. Nabilang na nga niya kung ilang beses itong bumuntong hininga.
"Eh, kase naman Sir kung makatingin ka para kang nagkakabisado ng sentensya eh. Hurado ka ba? at iniisip mo na agad ang mga ihuhusga sa akin? lol, ipupusta ko ang mga alaga kong daga at ipis Sir, sure ako alam ko na lahat yan." sabi ni Erika na nakahinga na ng maluwag ng medyo lumayo ng konti ang lalaki matapos maalis ang kamay niya sa handle ng pintuan ng kotse. Yun nga lang nanatili itong nakaharap sa kanya at hindi sa manibela.
"What? Sinong nanghuhusga kanino? masama bang sulyapan ka samantalang yung iba nga binu-bully ka." sagot ng binata.
"Ay ambot sa imo dong. Mag uli na ta, ginoo ko." Yun na lang ang nasabi ni Erika. Di niya kase masagot ang tanong nito kinikilig na naiinsulto kase siya ng sabay. Kaya binisaya na lang niya ang sinabi na kahit nga siya mismo ay hindi niya alam kung anu-anong sinabi niya. Ginaya lang niya si Mimi na ka trabaho niya.
"Yes tama mabuti pa nga umuwi na tayo. And let's talk again." sabi ni Tyler. Ewan niya naguguluhan na ang binata. Hindi na niya naiintindihan ang takbo ng damdamin niya. To be honest he is disappointed kanina knowing her job , inalis lang niya ang inis na iyon sa narinig dahil ano namang issue niya doon. Ano bang paki niya. Ganun din noong ang babae mismo ang mag sabi na ganun nga ang trabaho niya, inalis ulit niya ang disappointment sa mukha dahil sabi ulit niya sa sarili ano bang paki niya. At ngayon, ngayon, hindi niya naiwasang hindi titigan ang babae, sa totoo lang nasasayangan siya.
"Lol, Tyler nanghihinayang ka kamo. Akala mo fresh seafoods yun pala pinangpiliian na" sita ng isip ni Tyler.
"Nyek! wrong move naintindihan pala ang sinabi ko," Sabi ni Erika na napayuko na lang sa hiya.
Muli na ngang pinaadar ng lalaki ang sasakyan at mas mabilis na kesa kanina ang takbo.
"Halika tuloy ka sir, pasensya na sa bahay namin. Ah dito..dito ka sa stoll na ito umupo.Huwag sa sofa baka kumapit pa sayo ang alimuom niyan. Maramina kasing ihi at pawis at sila ang sinalo niyan.Kahit labhan mo ganun pa rin" sabi ni Erika na nahihiya sa bisita.
Umupo na lamang si Tyler kahit gusto sana niyang sa sofa umupo. Para kasing sa liit ng stool ay kalahati lang ng puwet niya ang masasalo at pakiramdma pa niya ay babagsak ito dahil sa laki niya. Inalalayan na lang ng binata ang bigat niya total sandali lang naman siya doon. Nang maalala ang purpose niya kung bakit siya naroon ay natawa si Tyler sa sarili at sa nangyayari. Para kasing nagprosisyun muna siya bago tinumbok ang dahilan ng ipinunta.
"Salamat Miss, Ah, ano nga ulit ang name mo?"
"Para-paraan Sir? Alin bang name sir? Yung sa umaga o yung sa gabi?" tanong niya. Hindi kumibo ang lalaki pero kumunot sang noo.
"Ako si Erika sa umaga at Luningning sa gabi, bahala ka na Sir,kung alin ang trip mong itawag sa akin." sagot ni Erika na tumayo at nagtungo sa kusina. Isinalin ang softdrink sa baso at naglagay ng ilang pirasong makabayan sa platito pagkatapos ay inilagay sa maliit na upuang kahoy sa harap ng lalaking bisista. Wala kase silang center tabel nabasag ni Dos noong kasalukuyang si Spider man pa ang idolo nito bago naging si Captain America. Tumalon mula sa sofa papuntang lamesita ala spider man ayon basag ang kawawang lamesa. Kaya may peklat si Dos sa may tuhod sanhi ng bubog. Si Erika ay umupo sa sofa saka hinarap ang bisita kahit para siyang aatakihin sa intimidasyun sa kaharap.
"Ano nga uli yung sadya mo Sir? Yung sinasabi mo kanina? Tanong ni Erika.