"Miss, dun ka sa kabila not unless you will drive for me. Pero sorry gentleman ako. Kaya get in dahil parang uulan na din." sabi ni Tyler. Walang nagawa si Erika kundi ang mabilis na tumalikod at umikot sa harap at pumasok sa kabilang pinto sa side ng driver. Habang panay ang sulyap ni Erika sa panty niyang naupuan na ng lalaki.
Panalangin na lang niyang makalas sana sa pagkakasabit habang nasa biyahe. Kulang na lang ay maging milas lechon si Erika sa pamumula ng mukha sa sobrang sa hiya. Nagpalipat lipat ang pasimpleng sipat ni Erika sa bulsa ng lalaki at sa seryosong mukha ni Miggy este ng lalaki.
Ayon na nga, parang kumurap lang ng slowmo si Erika at nasa tapat na sila ng bakery. Gustuhin man ng dalaga na magtagal pa sa pagnamnam ng malamig at mabangong kotse ng binata ay naunsiyame na ang day dreaming niya. Mabilis ng bumaba si Erika bago pa mahalata ng lalaki na panay ang tingin niya sa gawing puwetan nito.
Bumaba ang babae matapos nilang huminto sa tabi ng bakery. Nakapagtatakang nakasunod ng tingin si Tyler samantalang kung ibang babae yan malamang busy siya kaka scroll ng Cp niya. Pumila sa pinakadulo ang babae. At laking gulat ni Tyler sa haba ng pila.
"Oh My God, ngayon lamang siya nakakita ng mumurahing tinapay pero pinipilahan. Gaano ba kasarap ang Makabayan at ganito na lamang ito kabenta?" Naiiling na sabi ni Tyler pero na curious din naman sa sitwasyun. Napapansin ni Tyler na magmula ng mag cross ang landas nila ng babaeng sakay niya kanina lang, ay palagi na siyang nahihila sa curiosity. Bumaba si Tyler para sana alamin ang hitsura ng tinapay at bigyan na rin ng pera ang babae para bumili na ng marami para pati siya ay makatikim na din at pasasamahan na ring niya sana ng dalawang 1.5 na coke. Pagkapa ni Tyler ng wallet niya ay may nakapa siyang tela, pagkuha niya ng wallet ay laking gulat ng binata.
"What the F*ck!?" nakalaylay pa ang lace red panty ng babae, sumabit ang pinaka lase sa kanto ng walllet niya na may design na metal.
"Oh f*ck! anong ginagawa nito sa wallet ko? Oh Jesus!" Tigalgal sa hiya si Tyler.
Mabuti na lang at hindi nakatingin ang babae pero nakita ng ilang nakapila doon na mga lalaki pa naman ang pag angat niya ng panty na pula. Tinted nga ang side na salamin ng sasakyan niya pero ang harap ay hindi masyadong tinted.
Pinasadya niya iyon mula ng madisgrasya ang kapatid niya dahil sa zero visibility at tinted car. Kaya alam niyang nakita ng mga lalaki ang hawak niya. Nagulat kase siya kaya naitaas pa niya ang telang sumabit sa harap ng mukha niya at inusisa pa. Malay ba naman niyang panty iyon baka kase di naman panty yun baka akala lang niya.
"Sh*t..Sh*t naman!" Agad ibinaba ni Tyler ang hawak na panty, saka mabilis na isinilid sa harap na bulsa saka lumabas ng kotse at nilapitan ang babae at inabutan ng isang libo at ibinilin na bumili na rin ng maiinom.
"Tinanggap naman ito ni Erika. Alam niya na parte pa iyon marahil ng paghingi nito ng paumanhin sa pagkakabundol sa anak niya. Mamaya na lamang niya ito kakausapin at paliliwanagan para hindi na rin nila maabala pa ang lalaki.
Hindi naman sila nito tinakbuhan sapat na yun para sa kanya at saka wala namang pinsala si Dos sa katawan sabi ng doctor. Nagsisisi din at nahihiya din naman si Erika na umalis agad sila ng hospital ng hindi na ito hinintay na makabalik. Pero natakot kase siya kaya hindi na tuloy siya nakapagpasalamat pa sa hindi nito pagtakbo sa atraso.
Paglapit ni Tyler sa babae ay kitang kita niyang nagtinginan ang ilang lalaki. Pagkatapos ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa at saka tumingin ulit sa babae at saka nagbulungan. Gustong mapikon ni Tyler sa dis-respect pero nanahimik na lang siya at muling kinausap ang babae. Pero muling nagkatinginan ang mga lalaki at nagtawanan saka muling tumingin sa babaeng nilapitan niya. Medyo nainsulto si Tyler pero nakingisi na lang din siya ng may pasimpleng pang aaasar. Pero ang isang lalaki doon na medyo kalbo ang hindi nakatiis.
"Wow! mukhang kota ka na Miss Luningning. Tiba-Tiba ba boss? Ayos ang nabingwit mo kagabi ah! may chedeng." sabi ng lalaki.
Nanlamig si Tyler sa insulto at pagkapahiya para sa babae at para sa sarili, pero nagsalita ang babae na lalo lang nagpalamig ng buo niyang katawan.
"Ay, oho Mang Simon tiba-tiba nga ho, malaki na ang wallet, malaki pa ang tweet tweet. Hindi tulad nyo singlaki ng okra ang berdie tapos bacon pa ang brief." inis na sabi ni Erika.
Kung tutuusin ay sanay na siya sa mga ganung patutsada at madalas deadma at wafakels na siya. Pero ewan niya nahiya siya bigla sa lalaking nakatayo sa harap niya.Una kase di naman niya ito costumer at sa hilatsa nito ay malabong maging. Ang tipong nito ay parang tag ulan sa Nueva Ecija. Madalang maligaw sa club nila. Nagtawanan naman ang mga naroon na nakapila sa sinabi ni Erika.
"Yan napala mo Mang Udeng, matanda ka na kase pati si Erika pinapantasya mo pa. Alam mo namang isang kembot lang niyan ninoy ang kapalit. Huwag ka ng umasa dahil pang Quezon Avenue lang budget mo, kinupit mo pa sa misis mo." sabi ng isang lalaking malakas tumawa.
"Oo nga, Simon tama ka, magpa-tsupa ka na lang kay Teklang bakla, yun tigang sa itits yun, kaya payag sa bente peso diba? hindi mo kaya ang presyo ni Erika." sabi pa ng isang mapan gasar din lalaki, mukhang itong hindi nagto toothbrush. Malakas na nagtawanan ang lahat na nakatawag na rin ng pansin sa ibang nakapila kaya ang ilan ay napatingin na kay Tyler.
"Hoy magsi-tigil nga kayo. Mga wala kayong magawa. Pakialaman nyo mga buhay nyo huwag nyong pakialam ang naghahanap buhay para buhayin ang anak." sita ng isang ale.
"Eh, etong si Mang Udeng eh, gabi gabi sa club para abangan si Erika wala namang pera" hirit pa ng isa.
Nakita ni Tyler na napayuko ang babae, hindi naman malaman ni Tyler kung ano ang sasabihin, kaya bumalik na lamang siya sa sasakyan at mula doon ay pinagmasdan na lamang niya ang magandang babae. Nakayuko na ito ngayon at parang biglang naglaho ang tapang kanina. Kahit papaano ay mabilis namang umusad ang pila kaya hindi masyadong naghintay ng matagal si Tyler. Naginhawahan na siya ng makita niyang nasa harap na ng bakery ang babae at ito na ang susunod. Pabalik na ito at bitbit nito ang isang supot ng tinapay at dalawang bote ng soft drink, ayon sa bilin niya. Lumapit ang babae sa gawing driver seat na ikinagulat niya. Inabot sa kanya nito ang sukli sa pera niya at pagkatapos ay tumalikod na at humakbang pabalik sa pinanggalingan nila kaya nagulat si Tyler.
"Teka wait lang Miss!" Sabi ni Tyler na biglang bumaba ng sasakyan at hinabol ang babae.
"Where are you going?" Takang tanong ni Tyler at nahablot sa braso ang babae. Para siyang biglang nakuryente ng 1000 watt na boltahe.
"Oh, d*mn it! Miss, sorry, nagulat kase ako sa biglang mong pagalis." sabi ni Tyler sabay bitaw sa braso ng babae.
"Uuwi na ako Sir. Okay na Sir, yung tungkol sa ospital ay okay na yun Sir, wag na kayong magalala hindi ka ho namin huhuthutan" sabi ni Erika. "Salamat nga pala at inasikaso mo ang anak ko" sabi pa niya at muling lumakad palayo.