Chapter 8

1250 Words
Hindi man sigurado kung nagsasabi ng totoo ang batang bigla na lang tumakbo ng walang kaabog abog, ay sinunod na lamang ng binata ang instruction ng batang nakausap. Muli siyang pumasok ng sasakyan at deneretso nga ang dulong sinasabi ng kotongerong bata. Tumbok nga ang dulo parang tulay na makipot at sapa na ang hangganan. Iyon siguro dulong sinasabi ng bata. Iginilid ni Tyler ang kanyang kotse at dahil medyo makipot ang daan ay kailangan niyang maging maingat makasagi. Pagbaba niya ay bumungad nga sa kanya ang isang barber shop. Sa katapat ng barbershop agad tumingin si Tyler at bumungad nga sa kanya ang halos warak-warak ng tolda. Isang lumang christmas tree na napapalamutian pa ng puting mga bulaklak na plastic na nangitim na sa alilabok. Makalat sa labas maraming basyo ng mineral water basyo ng bote ng alak at kung anu ano pa.Tipikal na bahay ng nasa ganitong lugar sa isip isip ni Tyler. Napaangat ang sulok ng labi ni Tyler ng makita ang bikining lace na kulay pula na may kapares na bra na kulay pula din na mayroon ding lace. Tatlo ang pares ng underwear ang nakasampay na parang inaburido kasama ng brief ng bata at ilang face towel. Sama sama sila sa sampayang gawa sa alambre. Walang gate ang bahay pero may parang kahoy na pinagtagpi-tagpi para lang hindi nakabuyangyang ang kabahayan kaya deretsong nakapasok si Tyler. Pero paghakbang niya lagpas nang kahoy na harang ay sumabit ang noo ni Tyler sa alambreng nasasampayan ng mga underwear. Nagulat si Tyler dahil akala kung ano na at sa pagkagulat ay nahawakan niya at nahawi niya ng malakas ang alambre kaya nalaglag ang magagaan na nasampay dito para kasing tulyo naman na ang mga nakasampay. "Oh sh*t! Bakit ba hindi ko naisip na sasabit ako sa alambre" Sa isip isip ni Tyler at wala sa loob na pinagda dampot ang mga nahulog sa sampayan. Natawa si Tyler ng ang lace na bra at lace na panty ang unang dinampot niya. Isang pangyayari sa kanyang kabataan ang nanumbalik. Kaya medyo natagalan siyang maibalik ang mga iyon sa sampayan. Nagmumuni muni sa kanyang kabataan si Tyler ng isang singhal ang gumambala sa kanya. "Hoy, mister bakit mo hawak yan? teka kilala kita ah? anong ginagawa nyo dito?" Singhal ni Erika ng paglabas niya para sana bumili ng kabayan na tinapay para kay Dos ay malabasan niyang ang isang matangkad na lalaking bitbit ang under wear niya. Nagulat naman at nagpanic si Tyler kaya biglang naitago sa likuran niya ang hawak na underwear. "Ah sorry miss nalaglag kase nabunggo ko ang sampayan di ko nakita yung alambre eh." natatarantang sabi ni Tyler baka kase mapagbintangan siyang maniac o kaya biglang lumabas o dumating ang asawa at mapahamak pa siya. "Hmm, eh bakit mo itinatago ang underwear ko. Manyak ka ba o I'm a kabogera bading hah?" Tanong ni Erika na sinipat ang lalaki mula ulo hanggang paa. Siya na rin mismo ang sumaway sa bintang niya, malabo kase sa hitsura ng lalaki dahil none of the above ang sagot niya. "Ah, sorry miss akala ko baka masamain mo ang paghawak ko dito" sabi ni Tyler na inabot sa babae ang under wear. Pahablot itong kinuha ng babae saka sinamsam na rin ang ibang nasa sampayan na tumatakip sa mukha ng lalaki. Halos katapat kase ng ulo ng lalaki ang sampayan niya. Mataas kase ang sampayan matataas din nang lalaki. Lingid kay Tyler yung bra lang ang naiabot niya hindi niya napansin na sumabit ang lace ng panty sa design ng wallet niyang mahaba na nasa likod na bulsa. Ipinasok ng babae ang mga sinamsam, inihagis lang sa bintana ang mga iyon pagkatapos ay hinarap na ulit si Tyler. "Anong kailangan niyo Sir, bakit kayo naparito? paano nyo nalaman ang bahay namin? ah, baka sa hospital." sabi Erika. "Pinagtanong ko lang ang bahay nyo. Ah, Miss, hinanap ko ang bahay nyo kase may ibibigay sana ako, yung result at saka gusto sana..."pero naputol ang sasabihin ni Tyler at nagulat sa malakas na boses ng babae. "Ay, Sir, saglit lang, maiwan na muna kita. Kailangan kong bumili ng tinapay blockbuster yung 'Makabayan' sa kanto eh, kaya mauubusan ako, paborito ng anak ko yun." sabi ni Erika na nagtangkang umalis. "Wait, sandali Miss! I need to talk to you about the result."giit ni Tyler. "Hay, ang kulit nyo. Pinaglihi ka ba sa balot Sir ha paulit ulit ulit.." sabi ni Erika. "Bakit balot?" takang tanong ni Tyler. ngayon lang kase niya narinig iyon, "Balot kase kapag tinitinda iyon paulit ulit na isinisigaw." sabi in Erika. Gustong matawa na mainis at the same time ni Tyler dahil; sa walan g sense na sabi ng babae pero hinayaan na lang niya.Tumango-tango na lang siya para kunwari ay naintindihan niya ang sinabi nito. "Kung gusto mo akong makausap, tara sumama ka bumili dahil talagang mauubusan ako. Ano ba naman kase yan? medyo yung timing mo kase sablay eh,"sabi ni Erika. "Saan ba yun, malayo ba?" wala sa loob na tanong ni Tyler. "Nakita mo tong kalsada na ito? derederetso lang sa at sa dulo may chapel diba? sa kabilang kanto nun doon lang may 'Makabayan' na tinda" sabi ng babae. "Ano ba kase yung 'Makabayan' na yan?'' tanogn ng binata. Tiningnan ni Erika ang lalaki mula ulo hanggang paa. Sa hitsura nito mukha itong mayaman at may magandang trabaho. Kaya malamang nga hindi nito alam ang tinapay na iyo. "Alam mo yung Muffins?" tanong ni Erika, nakakain na siya noon sa isang coffee shop kung saaan siya dinala ng isa sa mga naging costumer niya. Kape lang ang ininom niya at pinatake out niya ang tinapay na kakaiba at ipinasalubong kay Dos, naguatuhan iyon ng anak kaya hinanap ito ng sumunod na umalis siya. Sinubukan niyang mamghanap sa bakery ng ganun pero wala siya makita, nagkataon may bagong lutong tinapay na hawig sa Muffins, maliit na ver sion nga lang kaya iyon ang binili niya. Mabuti na lang masarap pla ang 'Makabayan at medyo hawig siguro sa Muffin kaya walang rekalmo si Dos yun nga lang sinabi nito na bakit lumiit na yung tinapay. "Oo, alam ko yung muffins, masarap yun ka-partner ng coffee. "Ganun yun, pang mahirap version nga lang gets mo? Dyan kase sa bakery na yan, pandesal lang ang meron tapos minsan iniit pa kaya matigas," pabulong na sabi ni Erika sabay turo sa bakery sa di kalayuan. "Okay sasama ako, pero hindi tayo maglalakad dahil ang layo. Get in, two minutes lang nandun ka na." sabi ni Tyler na nauna ng humakbang palabas ng bakuran at binuksan ang pinto ng kotse niya. "Ay, okay pabor yan sir" Sabi ni Erika. Pero nanlaki ang mga mata ni Erika ng makitang nakasabit sa nakausling wallet ng lalaki ang lace bikini niya. "Ay tinamaan ng lintek ka Erika.Nalabhan mo ba ng maayos ang panty mo? Nanlalaki ang matang tanong ni Erika sa isipan. "Nakakahiya ka girl. Bakit yung Versace mong fake ay wala sa floor kondi nasa butt niya" Napatakip ng bibig si Erika sa kabiglaan. Mabilis na kumilos si Erika at bumuntot sa likod ng lalaki para sana pasimpleng kunin na lang ang panty niya dahil nakalahiya. Bukod sa luma na ay fake pa kase. Pero bigla itong lumingon sa kanya kaya halos magkabunguan ang mga ilong nila. "Magic.... It must be magic.. lala..lala..lala.." parang narinig niyang kumanta ang mga bubuyog ka-duet ang malamyos na boses ni Sarah G. Pero nabasag ang imagination niya ng magsalita si Sir Miggy, este yun matangkad na lalaki pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD