Matagal ng nakalabas ng hospital si Tyler at nakasandal lamang sa kanyang sasakyan. Sinikap niyang maging normal matapos kausapin ng doctor pero di pa man nakakailang metrong takbo ang sasakyan ay ihininto niya sa gilid ng kalsada ang kotse.
Napakabigat ng dibdib niya sa sinabi ng doctor na resulta ng mga laboratories ng batang nabunggo niya. In assure naman ng doctor na walang kinalaman ang nangyari sa resulta. Hereditary daw kadalasan ang sanhi ng sakit ng bata at napakahirap ng lunas. May lunas na pwedeng mangyari pero mahal ang proseso ay wala dito sa bansa.
Hindi maintiindihan ni Tyler kung bakit parang siyang kandilang inuupos sa pagkakaalam ng balita. Wala naman siyang connection sa magina at hindi naman niya ito kilala. Pinipilit isipin ni Tyler na baka dahil lang sa nakokonsensya siya. Kung hindi niya nabungo ang bata ay hindi ito maoospital at hind malalaman na masama ang lagay ng bata.
“Pero nabanggit ng doctor na alam daw ng nanay nito ang sakit ng bata. Totoo kaya? Kung alam na nito, bakit ito lumabas ng hospital?" muni muni ni Tyler hanggang sa muling umalingawngaw ang mga salitang sinabi ng doctor na mahirap ang gamutan at sa ibang bansa lamang ang proseso at unti unting pinahihina ng sakit na iyon ang katawan ng bata hanggang sa tuluyang bumigay. Hindi malaman ni Tyler kung bakit siya binabagabag ng nalaman at namalayan na lamang ng binata na binuwelta niya ang kanyang sasakyan at bumalik sa lugar kung saan niya nakita ang magina. Muling ipinagtanong ni Tyler kung saan niya posibleng makita ang ang mga ito. Hindi niya kase marecall ang pangalan kahit ng bata mismo samantalang ilang beses iyong isinigaw ng babae.
“Magandang hapon ho manang, alam nyo po ba kung saan nakatira yung magina, ah maganda yung babae parang Barbi tapos yung bata ay cute at bibo” tanong ni Tyler.
“Maganda na parang Barbi? cute na bibo? Parang wala akong kilalang ganun dito eh,” sabi ng ale na nagtitipon ng mga sinampay Muling nag ikot ikot si Tyler at sa tindahan naman nagtanong.
“Tay, saan po kaya nakatira ung magina nakilala ko kahapon kase may kailangan akong ibigay” sabi ni Tyler.
“Tinapay.? Aba wala akong tindang tinapay iho. Doon sa kanto may bakery” sagot nito.
“Ay. hindi po tinapay. Bahay po ng babaeng maganda na may anak na lalaki na payat lang pero makulit na bibo parang ganun ho.” ulit ni Tyler.
“Ay, bingo meron kami niyan ung biscuit ba o yung bingo corn beef? Linawin mo iho” sabi pa ng matandang kinuha ang produkto.
Napakamot na lang si Tyler na kinuha ang biscuit at binayaran. Mabuti na lang at may small bills siya kaninang sukli noon nagpa gas siya. Hindi na niya tinangkang magtanong pa dahil baka masiraan na siya ng bait. May paparating na batang maitim na halos kasing tangkad ng batang nabonggo niya kaya dito na lamang niya inabot ang biscuit.
"Tatay Ramon, pabili po nitong mga nakalista." sabi ng bata. Sabay nagpasalamat sa kanya sa inabot niyang biscuit. Tumalikod na si Tyler ng magsalita ulit ang bata.
“Ikaw yun, ikaw nga yun” sabi nito.
“Ano kamo yonPetong? Hikaw? Wala namang nakalista dito ang nanay mo ah,” singit ng matandang dumungaw sa tindahan.
Senenyasan ito ni Petong ng wala wala wala saka naman inabot sa kanya ng matanda ang naka plastic nq itlog, sardinas at tatlong pancit canton. Nakabalik na sa kotse si Tyler at sinabi sa sariling sa sabado na lang niya ulit hahanapin ang magina ng katok sa kanyang bintana ang pumukaw sa pansin siya. Ang bata kanina sa tindahan ang nakita niya kahit pa nga tinted ang salamin ng kotse niya. Ibinaba ni Tyler ang bintana at tinanong ang bata kung ano pang kailangan. Baka Hihingi pa ito ng panulak.
“Ikaw yun..! Ikaw yun sure ako, ikaw talaga yun." sabi ng bata.
“Anong ako yun? Ano bang kalokohan yan bata. Inaabala mo na ako.” sabi ni Tyler na gusto ng mapikon.
“Yung ano? yung bumungo sa kaibigan o kayo nga yun, Sure ako, kayo yun” sabi ni Petong.
“What?” nagulat si Tyler. Hindi niya inaasahang magkakaroon ng sagot ang mga tanong niya sa hindi inaasahang pagkakataon. Napalabas bigla ng kanyang kotse si Tyler at hinarap ang bata. Natakot naman ang bata sa pasigaw na pagkabila niya at sa bigla rin paglabas niya ng kotse kaya napaatras ang bata.
“Pero hindi ako magsusumbong na ikaw yun kung bibigyan mo ako ng pera, ah mga 500 para manahimik ako. Kapag hindi sisigaw ako dito at sasabihin kong ikaw ang sumagasa kay Dos kaya siya nasa hospital.” sabi ni Petong.
Natawa si Tyler, ang sarap sapukin ng bata. Nakakaawa ito na sa batang edad ay marunong ng mangutong.
“Pulis ka ba bata?” tanong ni Tyler na naaliw sa pagkagarapal ng bata para tuloy gusto na niyang makilala ang nagpapalaki dito at masama mang husgahan ay parang may pinagmanahan ito.
“Hindi, pero ung kinakasama ng nanay ko taga barangay kaya lagot ka.” sabi pa ng bata.
“Okay." naiiling na lamang si Tyler. "Dahil natatakot ako sa banta mo here's the deal bata. Ituro mo sa akin ang bahay noong batang nabunggo ko at bibigyan kita ng 500” sabi ni Tyler.
“Bakit anong kailangan mo kay Dos. Iba blackmail nyo ba o tatakutin . Hoy mamang kuripot di pwede yan ano ako baliw. Kaibigan ko si Dos at matapang ang nanay nun.” sabi ng bata.
“Isang libo?” sabi ni Tyler.
“Bestfriend kami ni Dos utot mo” sagot ng bata.
“Dalawang libo.” sabi ni Tyler.
“Nakita ko ang lahat tanda ko ang plate number mo ZTW 4828 “ sabi pa ng bata.
"Tatlong libo final na yan! deal or no Deal. Kung ayaw mo ay sa presinto tayo magkita bahala ka na.” sabi ni Tyler.
Nakita niyang nangislap ang mata ng bata saka inilahad ang bukang kamay. Nailing na lang si Tyer na kinuha ang wallet sa bulsa at kumuha ng tatlong malulutong na lilibuhin. Hindi siya makapaniwalang para siyang nakikipg deal sa sindikato. Parang nakutungan siya ng malinaw sa nangyayaring ito. Bakit nga ba kase umabot sa ganito ang pagka curious niya sa magina? Lintek na guilt ito ang mahal naman.” sabi ni Tyler. Kinuha ng bata ang pera at agad isinilid sa bulsa.
“So, halika ka na samahan mo ako sa kanila" sabi niya sa bata.
“Ano, para malaman ni Dos na trinaydor ko siya? hindi na Oy,” sagot ng bata.
“Hey, what?” napasigawna si Tyler “Gagantsuhin ba siya ng batang paslit na ito? I cant believe this,” sabi ng binata.
"Deretsuhin nyo ang kalsada na yan. Sa dulo may barber shop sa tapat nun ang bahay nila. Mabilis naman makita bahay nila Dos dahil ang bahay lang nila ang may trapal na butas butas sa harap at may Christmas tree pa rin kahit June na” sabi ng bata saka kumaripas ng takbo at hind na inya alam kung saan lumiko.