"T-Tyler....!?" Nagulat pa si Erika na naroon na ang lalaki sa likod niya. "Kanina ka pa ba dyan...?" Nahihiyang tanong ni Erika. "Not too long, but i heard enough. Hindi mo na kailangang mangutang para magpunta sa hospital Erika. Dadalhin naman kita doon alam mo yan. Wala ka bang tiwala sa akin? " may himig tampo ang tono ni Tyler. Napayuko naman si Erika, biglang nahiya.Naramdan kase niya sa tono ng lalaki ang pagdaramdam. "Kaya nga lang Erika, okay lang ba na mamaya pa? Alas Dos ang oras ng dalaw , Erika " tiim ang bagang na sabi ni Tyler. Para kasing nasaktan siyang wala itong tiwala sa kanya. Pero tumitig ng matagal sa kanya si Erika bago ito nagsalita. "Pasensya na Tyler kung naaabala kita. Akala ko kase dumalaw ka na kay Dos ng hindi ako kasama. Kase kung nakakaabala naman a

