Chapter 33

1298 Words
Samantala, tinanghali naman ng gising si Erika dahil halos umaga na bumigay ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang alas onse na ng tanghali ay nasa kama pa siya. Eto ang unang pagkakataong natulog siya ng magisa at sa malamig na silid na may malambot na kama pa naman kaya marahil napasarap ang tulog niya. Bumalik sa gunita ni Erika ang sulat na nakita niya sa bulsa ng kapatid. Bumalikwas si Erika ng bangon at hinanap ang sulat. Muli niya itong pinasadahan ng basa hanggang sa dulo. Inisip ng maigi ni Erika kung ano ang kakaiba sa petsa at lugar na nakalagay sa sulat na iyon. "Hindi....! Dios ko po!! oo nga bakit nga ba ngayon lang niya naisip iyon? Marahil ay tuliro siya at aligaga noon kaya hindi niya napagtuunan ng pansin. Nang mga panahong iyon ay problemado siya at tuliro dahil kay Dos lalo na ng tumuntong ito ng dalawang taon dahil doon umatake ang sakit ni Dos. Abala siya sa pagdiskarte ng pera para sa gamot ni Dos at sa pang araw- araw nila. 2nd year high school lang ang inabot ni Erika kaya hirap siyang makahanap ng matinong trabaho. Hindi na siya pinatapos dahil hindi na daw kaya ng tiyahin niya kaya ipinadala siya sa Maynila ng hindi alam kung saan pupunta. Kaya napadpad siya sa maruming mundo ni Eloisa. Pinakatitigan ni Erika ang sulat. Dahil ang petsang nakalagay sa sulat ng kapatid maging ang oras ay halos tatlong araw na late sa petsa nang matagpuan ang bangkay ng kapatid niya sa isang apartment. Nakatanggap siya noon ng tawag mula sa mga pulis. Ayon sa mga ito ay natagpuan daw sa isang apartment ang kapatid niya na wala ng buhay. Ayon pa sa pagsisiyasat ng mga pulis ay mukhang nag overdose sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang kapatid niya. Dagdag pa ng mga pulis ay nangamoy na ang bangkay ng kapatid niya kaya naalarma sng katabing apartment kaya nadiskubre ang bangkay. Marahil daw ay may ilang araw ng patay ang kapatid niya sa silid na iyon dahil nga naamoy na ng kalapit na pinto. Natagpuang patay ang kapatid niya ng September 4 ng alas dos ng hapon. At ang sulat na natagpuan niya sa bulsa ng kapatid na may nakasulat na lugar ng tagpuan nila ng pangalang Theo ay September 4 din ng alas dos ng hapon. Pero ayon sa pulis, sa hitsura ng kapatid niya ay mga ilang araw na itong patay. Hindi na nagawang ipa autopsy ni Erika ang kapatid dahil wala siyang pera at dahil nga nangangamoy na ito, ay agad itong ipinalibing ng walang naging burol. Muling pinasadahan ni Erika ang sulat at namangha siya dahil may isa pa....may isa pang napansin si Erika.... "Bakit ngayon ko lamang ito napansin. Ilang ulit ko ng binabasa ng notebook na ito? " Bulong ni Erika. Agad tumayo si Erika at nilock ang pinto saka kinalkal ang notebook niyang hawak na pagaari ng kapatid at ilan sa mga nakasulat doon ng kapatid niya ay mahahalagang bagay lamang tungkol kay Dos. Nagsimulang magsulat ang kapatid niya sa Notebook ng July 1 pero ang sulat nito sa notebook ng araw ng July 1 ay parang karugtong ng isang kuwento. Malalim na nagisip si Erika. Kung karugtong ng isang kuwento ang sulat nito ibig sabihin ay nagsulat ang kapatid niya bago mag July 1.!? Bago ang notebook na para bang kakasimula pa lang pero matagal na niyang nakikita noon ang kapatid na nagsusulat sa palagi sa gabi. "Hindi kaya may isa pang Diary ang kapatid niya? yung mas luma, yung ang nakasulat ay tunfkol sa kanya o sa kanila ni Theo? kung baga sa libro baka may part 1?" bulong ni Erika. "Teka...Teka...Diyos ko po Hindi.... bakit parang.... Diyos ko po..." takot na sabi ni Erika ng mapansin na naman ang kakaiba sa Diary ng kapatid. Agad tumakbo si Erika sa lamesa at kinuha ang sulat ng kapatid na nakuha niya sa bulsa nito saka ang notebook na hawak. Matamang pinagmasdan at makailang ulit na binalik balikan ni Erika ang sulat. "Tama...diyos ko po bakit ngayon ko lang napansin..!" Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Erika.Halos manikip ang dibdib niya. Dahil ang sulat kamay ng nasa notebook at ang sulat kamay sa papel na nakita niya sa bulsa ng kapatid ay magkaiba. "Magkaiba ang sulat? Oo nga..! Hindi ang ate niya ang sumulat ng nasa papel na nasa bulsa nito.Tama...!" Sabi ni Erika. Sa pagiisip ng mga bagay bagay ay muling sumakit ang ulo niya at ang ala- alang pumasok sa isip niya kagabi ay muli na namang pumasok sa isipan niya ngayon at hindi na ito naalis pa. Ang eksenang pumapasok sa isip ni Erika ay isang madilim na lugar at naroon daw siya at umiiyak. Naroon din ang ate niya na may hawak ng maraming pera habang galit. May tatlong lalaki silang kasama. Binuhat siya ng isang lalaki at saka siya inilapag sa kama. At hanggang doon lang iyon. Hanggang doon na lang ang eksena. Kahit ilang ulit pa siyang pumikit at isipin kung may susunod pang eksena pero hanggang sa sumakit na ang ulo niya ay wala na siyang naisip pa. Hinilot hilot ni Erika ang sariling ulo saka umupo dahil nahihilo na siya saka ito napatanong sa sarili. "Panaginip ba yun o totoong nangyari? Paanong naroon ako sa eksena? hindi naman nangyari iyon sa akin ah.." Naguguluhang sabi ni Erika na muling hinilot hilot ang sarilingn sintido.Nang maalala si Dos ay biglang tumayo si Erika at ipinasok sa bag ang sulat at ang notebook saka pumasok ng banyo at naghilamos. Balak niyang yayain si Tyler na puntahan si Dos. Kung makakaabala siya o kung may gagawin ang lalaki ay magpapaturo na lamang siya ng direksiyon kung paano magpunta doon mag isa. Saktong paglabas niya ng silid ng makasalubong niya ang katulong ni Tyler. "Ay ma'am Erika wala na po ang senyorito Tyler maaga itong nagpunta sa hospital" "Sa hospital!!? Bakit? may nangyari ba sa anak ko?Diyos ko napaano ang anak ko? teka bakit hindi niya ako sinama? Diyos ko po ang anak ko..!!" Nagaalalang sabi ni Erika. Nakaramdam siya ng hinanakit kay Tyler dahil hindi man lang siya ginising. Tama ang desisyun niyang ilihim ang relasyun nila ni Doos Dahil ngayon pa nga lamang na nalaman ni Tyler na pamangkin nito si Dos ay parang naitsapwera na siya kahit pa nga ang pagkakalam ni Tyler ay siya ang ina.Paano na lang kapag nalaman nito na hindi si... Nagambala ang pagmumuni muni ni Erika ng alukin na siya ng katulong na mananghalian. "Tanghali na po Ma'am Erika gusto nyo pa rin po ba ng kape o tanghalian na ho ang i serve ko?" Tanong ng katulong. "Mamaya na siguro ako kakain kape na lang muna ako. Ah be, alam mo ba kung ano ang sasakyan ko patungong Cardinal Hospital? pwede mo bang ituro kung saan ang sakayan?" Tanong ni Erika sa katulong baka kase sakaling alam nito kung paano magpunta ng hospital. "Naku, hindi po ma'am Erika. Hospital ng pang mayayaman iyon kaya hindi pa ako nakakapunta" sagot ng katulong. "Saka kanina pa umalis si Senyorito eh baka nga pabalik na yun kase ang bilin niya ay katukon na nga kita at alukin ka ng mag almusal at babalik naman daw siya agad" sabi pa nito. "Ah kase yung anak ko mag isa doon. Ah bhe, baka pwede mo na lang akong pahiramin ng pera magta taxi na lang ako at magpapahatid ako sa hospital" sabi ulit niya. Hindi talaga mapakali si Erika. Para siyang napapraning sa mga naisip. Parang ngayon pa lang ay unti unti ng nawawala si Dos sa kanya. "Sige na, uutang ako kay Tyler mamaya para maibalik ko sayo agad. Sige na please" pakiusap ni Erika. "Erikaaaa...." Malakas ang naging boses ni Tyler kaya nagulantang ang dalawang naguusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD