Ayaw ni Tyler na makita ni Erika ang mga larawan lalo na ngayon.Naninibugho siya sa kapatid kahit pa nga alaala na lamang ang meron ito at si Erika. Sa katangian ni Erika at sa pagmamahal nito sa anak nila ni Theo. Alam ni Tyler na mahal ni Erika ang kapatid. Ayaw niya ring maging sanhi ng kalungkutan ni Erika ang larawan, alam niyang nasasaktan si Erika ngayon. "Erika, anong biro ng tadhan ito?hindi pa man nagsisimula kung ano ang pwedeng magkaroon tayo, bakit parang unti unti na agad na gumuguho." bulong ni Tyler. Nagpapahinga na sa kanyang silid si Tyler ng maalala niyang muling bulaklatin ang sulat ng kapatid. Mga sampong ulit na ata niyang binasa ang liham pero wala siyang nakitang binanggit ni Theo na posibleng may anak ito sa babaeng binabanggit nito. Marahil ay hindi alam ni Theo

